Chapter One Hundred Thirty Three

5 0 0
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY THREE

Lee Nari's

"Please don't tell Hyunjin... ako nang bahala magsabi sa kaniya kapag handa na ako."

"Sure ka na ba talaga? Pupuntahan kita jan tomorrow, okay lang ba? Hindi naman ako busy eh."

"No problem."

"Send me your address na lang, ate."

"Huy Pukshin!!! Natulala ka na jan!" Binatikal ako ng walang lamang lata ni Changbin.

"Ano ba? Magsagot ka na nga lang jang baba ka!"

"Putcha ka, mare! Imik ako ng imik hindi mo naman pala ako naririnig!"

Dito magaling itong si Seo Changbin. Dadayo sa Lee's para gumawa ng mga homework at para na rin makalibre sa snacks. Dinaig pa nan ng pinsan kong Seungmin sa kakapalan ng mukha eh!

Yumuko na ulit siya at inilabas na ang lahat ng mga gamit sa bag. Katangahan kasi, petiks for days at yagyag naman pagkatapos. Mabuti na nga lang at hindi sumasapi ang pinsan ko sa katamaran nito. Sa kanilang magkakaibigan kasi, si Seungmin na ang pinakaginagahan mag-aral. Si Changbin at Hyunjin, nagpapaligsahan lang yan sa katamaran. Si Han naman, mautak yan. Mag-aadvance study para all out ang petiks. Si Lix, ayon, dinadamay lang ni Changbin. Si Jeongin, ewan ko sa batang yon. Sa Busan naman kasi siya nag-aaral kaya wala na akong balita sa kaniya.

Kinuha ko ang handphone at tiningnan ulit ang message ni ate Soo Ah.

Sujeong-dong, Dong-Gu, Busan, South Korea

Yellow Wood Farm and Ranch

Mula nang tawagan niya ako kagabi ay hindi na ako napakali pa. Lately, naririnig ko rin si Hyunjin na nagrarant na makulit daw ang noona niya dahil nagpapabaya sa health nito.

And my speculations were right. She's two weeks pregnant at sa akin niya unang sinabi ito. Pinakisuyuan pa niya ako na huwag munang sabihin kay Hyunjin ang tungkol dito. Matagal na kaming magkakilala ni Soo Ah, iisa kami ng inuuwiang mga kaibigan, at dapat akong magtiwala sa desisyon niya. She's a grown up lady, after all.

"May chicken sa ref, initin mo na lang."

Naabutan ko pa si Seungmin na nagtutungkab ng mga kaldero. Pinagutuman na naman ata nila Han sa court. Nagbasketball na naman ang mga kumag, si Changbin lang ang hindi nakasali dahil may inabyad sa school. Naghanap pa sila ng pamalit around Seukdong at si Hyojin ang napili nila.

"I-check mo ang tangke maya't-maya. Kapag nagutom ka, wag na wag ka magluluto Kim Seungmin! Magnoodles ka na lang o kung ayaw mo, bukas ang pinto ni Lix, makikain ka na lang..."

"Teka nga, ba't ba aligagang aligaga ka?"

Twelve ay diretso station na ako, one pm naman ang byahe. Sinigurado ko munang tapos na lahat ng aking homeworks at gawain bago umalis. Saturday ngayon at kadalasan ay nasa Lee's o di kaya'y namamalengke naman ako.

"Busan. May kikitain lang ako."

Tiningnan niya ako. Nangingilatis na tingin. "Sino? Boyfriend mo?"

"Ha? Hindi no! Basta kasi!"

Nagbigay muna ako kay Seungmin ng konting paalala bago tuluyang lumabas ng bahay.

~

"Asan nga pala ang magulang mo?"

"Three days sila sa Itaewon. I thought umaga ang arrival mo?"

"Hehe may inabyad lang. Eh si Changbin kasi! Pati ako dinamay sa assignments niya!"

Bandang alas kwatro ay dumating na akong Busan. At agad kong pinuntahan ang binigay na address ni Soo Ah. Malayo ito sa kabayanan, ngunit malawak at mayamang kalupaan naman ang kinatititirikan ng tinutuluyan niyang cabin.

May kalakihan ang resthouse at may iisang kasambahay lamang kaya naman matahimik ang kabahayan.

"I'll tell you everything. But for now, get changed, dito ka na rin magpalipas ng gabi."

Two weeks pa lang naman ang tiyan niya kaya't maliit at normal pa ang itsura nito. But the thought of welcoming a new family member already excites me.

"Nga pala, anong pinagkakaabalahan ni Jinnie?" Tanong niya habang isa-isang hinahawi ang mga night dress sa wardrobe.

"Uhm, the usual. Basketball, hang-outs, at nga pala, napapadalas ang pagsama nun kay Minho, kaya wag ka na magtataka kung isang araw manyakin ka nun."

Actually, Minho is not manyak naman. Lalaki siya, so normal na yon. Lagi pa siyang chinichika ni Changbin sa akin na mabangis daw mag-aya manuod ng mga porno. Nung nakaraan nga lang ay hiniram pa nila ang n*tflix account ni Kuya Woojin para panuorin yung 365 days kaso tinulugan lang nila.

"And how's Minho?"

"What about him? Hindi ko hawak ang buhay niya and I don't care." Ngumisi lang siya.

Pinagpipilian ko ang inabot niyang silky royal blue above the knee dress at romantic white blouse with lacey mini shorts.

"Which one? Parang mas bet ko yung white, what do you think?"

Ayaw ko kasi ng silky cloths dahil madali akong pagpawisan. Ang hassle sa tuwing dadait sa balat o di kaya'y magkikiskisan pa ang madulas na tela.

"Royal blue. Magugustuhan yan ni Minho."

"Duh! What's with the Minho? Wag mo nga ako asarin dun!"

But deep inside... meh! Hindi na ako highschool para kiligin ng ganito! Ni hindi ko na nga nakakausap ang lalaking yun!

I've always known her for being a psychic. Siya yung tipong kahit hindi mo na sabihin, alam niya na ang sagot. She's a good observer, hindi na ako magtatakang alam niya ang tungkol dito. Or maybe napapraning lang ako at nagpapadala lang sa random na panunukso niya.

"So kelan mo nalaman ang tungkol sa bata?"

"Last week nagpacheck up ako dahil nadadalas ang pagkahilo ko. You think nagdududa na si Jinnie?"

"Maybe. May father's instinct na ang lokong yon!"

"Sasabihin ko sa kaniya, pero paano kung gumawa na naman ng kahangalan ang batang yun?"

"Like?"

Bumuntong hininga siya, "Quitting school. God, he's too young for this."

May punto siya. Hyunjin is quite impulsive on making desicions. And it's his nature to quit on something lalo na't sa tingin niyang nakakasagabal ito sa kasiyahan niya.

"One more thing... hindi pa alam nila papa ang tungkol dito!"

"You're stressing yourself, ate. Kumalma ka nga!"

"Mother will hate me! Lalo lang silang madidisapoint sa akin..."

"You better tell about everything to them as soon as possible. Isang lagpakan ng shocks and all, ganun!"

"What about Hyunjin? Argh! Kasalanan ko to eh!"

"Wait, tanong ko lang ha. Kelan niyo ginawa? I mean, ang galing! Nasa Seoul siya tas nasa Busan ka naman pero nakabuo kayo, what magic was that?"

"Wag mo nang isipin pa yon. Nakakahiya!"

Inagaw niya ang duvet kaya naman muntik muntikan nang lumitaw ang kanina ko pang kinahihiyang silky night dress. Eh kasi naman... hindi ako sanay magsuot ng ganito!

"You know what, thanks for coming. Wala akong makausap dito, si Yeji naman kasi ay madalang makipagkwentuhan sa akin."

Si Yeji ay yung kasambahay nilang mabagal kumilos.

Nahiga siya sa kama kaya ginaya ko siya. Anlalim na naman ng iniisip ng babaeng ito. Nakarating na naman yata sa Seoul ang utak niya. She's too in love with Hyunjin. And I found nothing wrong. May saltik lang si Hyunjin pero maasahan naman ang lalaking yun lalo pa't si Soo Ah ang usapan. Kung ano man ang susunod na mangyayari, ipagkakatiwala ko na lang sa kanilang dalawa.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon