Chapter Ninety Eight

8 0 0
                                    

CHAPTER NINETY EIGHT

He said she wants us to come by her house. At hindi ko inakalang malapit na nga ang loob sa kaniya ni Jeongin.

"Yen, we're supposed to have our date diba? You promised! Hindi na natin kailangan pang bumisita sa mag-inang 'yon!" Pagmamaktol ko sa kalagitnaan ng paglalakad.

Sa first building pala ng Track Avenue nakatira ang babaeng yun. Mabilis lang na lakaran, pero ayaw ko pa rin! Bagong lipat ang babaeng 'yon, sa pagkakaalam ko taga Jeju siya.

"Pero nakakahiya naman tumanggi sa kaniya. Come on, siya na ang nagmamagandang loob sa atin oh!"

"But! But masakit pa rin ang ano ko eh! Pagkatapos ng ginawa natin kagabi papagurin mo na naman para lang sa babaeng yun?"

"Bubuhatin na lang kita para hindi ka mahirapan."

Dinanggil ko ang kaniyang kamay. Hindi ako makapaniwalang gagawa't-gagawa talaga siya ng paraan para lang dun. Ganun ba niya kagusto makita ang taong isang beses niya lang nakasama?

"Why are you being like that? Huwag mong sabihing nagseselos ka kay Miyoung?"

"Ms. Miyoung." Pagtatama ko.

Nginitian niya lang ako, mabilis ang pagtaas ng kaniyang kanang kilay at hindi naputol ang tingin sa akin.

Tila ba inaaral niya ang reaksyon ko at hinuhulaan ang nararamdam ko.

I bet he can't. Dahil sa minutong ito, nalalason na naman ako ng maganda niyang mata. I felt jealous, inaamin ko. Pero mas gusto kong pagbigyan siya sa kagustuhan. He's my Jeongin, after all.

"Fine, let's go..." It was happiness the moment he smiled.

It's now dissapointment dahil pinili niyang makita ang babaeng 'yun kesa makasama ako nang kami lang dalawa.

Lumipas ang oras at kanina pa ako lutang habang nakatayo't pinagmamasdan yung natutulog na baby sa crib. Kakatapos lang namin kainin ang hinanda niyang pagkain. Masarap siya magluto, yun lang.

Magmula nang dumating kami sa unit niya ay tulog ang baby na ito. Hindi ko tuloy alam ang itsura ng mata niya. Siguro kamukha niya ang babaeng kaharap ko. Ms. Miyoung is so pretty and young. Buong akala ko kwarenta mahigit na siya, but i think she's 25 or 26.

Ramdam ko ang paghawak ni Jeongin sa aking kamay at niyugyog ito. "Maupo ka dito."

"Tss huwag mo akong alugin jan, Jeongin. Kapag nagising 'to, ikaw ang ilalagay ko sa crib, sige ka!" Halos pabulong kong pagalit.

"Haha don't worry, hindi naman magigising agad si baby Mijeong."

Baby Mijeong my ass! Edi ikaw nang may knowledge about baby! Gagawa kami nan ni Iyen and I'll be the cutest mother on Earth! Tss, may pag dress ka pa jan, nanay na nanay ang dating mo! Kapag talaga nanggaling na akong panganganak, maghihippie talaga ako!

"Your girlfriend is cute, Iyen. I was like that too noong ganiyang edad ko."

I-iyen? Sa pagkakaalam at pagkakatanda ko, ako lang ang pwedeng tumawag nito sa kaniya!

"She's always like that. Kinakalimutan niya ako kapag naaaliw sa isang bagay."

"What are you talking about? Cute yung baby, syempre ito ang mas papansinin ko." Sabi ko at inirapan siya.

Why...why can't i say that i actually hate this kid and he's my most precious baby?

"Uhm, what's your name again?" Dumekwatro siya at pinasada ang tingin sa amin ni Jeongin.

"Rio po." Sagot ko at ngumiti.

"Oh right. Rio...so, can i ask? Ilang taon na kayo ni Iyen?"

Will you please stop calling him Iyen? Nakakabwisit ka eh!

Mabait si Miyoung at palangiti. Pero ayaw ko talaga sa presensya niya!

"Dalawang buwan mahigit pa lang po." Naupo ako sa tabi ni Jeongin. Nasa kandungan ang mga kamay at tuwid ang pagkakaupo.

"Ahh new couple...bagay kayo." Patango-tango niyang sabi.

"I know, Ms." Ngiting tagumpay na naman ako.

Buti naman at alam mo!

"She's adorable..." Bulong ko, hindi inaalis ang tingin sa sanggol sa crib. Kakagising lang niya at seryoso, cute talaga siya! Pink cheeks and looking so tiny on her baby dress.

"Aigoo. Baby Mijeong~"  Nanlalaki ang mata nung baby kakatingin sa makukulay na nakasabit sa crib nito.

"Isn't she the cutest? Baby, say hi kay Kuya Iyen at ate Rio." Anlawak ng ngiti ni Ms.Miyoung habang parang tangang kinakausap ang walang muwang na sanggol.

Tiningnan ko si Jeongin...nakangiti lang siya dun sa mag-ina.

Okay. Stop. I am so immature! Why does this feeling keeps on haunting me? Nagseselos ako! They looked so comfortable. It never crossed my mind na mahilig sa bata ang lalaking ito...and i hate this Miyoung dahil may alam siyang hindi ko alam tungkol kay Jeongin!

Look at them talking softly about that baby! Masakit sa mata! Nakakainis! It's not a big deal for him, pero para sa akin, oo! Dahil ayaw kong may iba siyang pinagtutuunan ng pansin maliban lang sa akin!

"Argh! Fuck you! Fuck you!" She pulled her hair for the hundred times. Her eyes are wet, she doesn't really care even though everything gets blurry. Patuloy siya sa pagsabunot sa sarili, hindi na nararamdaman ang hapdi mula sa kaniyang anit.

Her sobs are getting loud as the flashbacks pain her. The two males aren't home and so she's free to cause noise and worries.

She looked straight the wide mirror across her bed. Suot pa rin niya ang uniporme...maluwag ang bow...gusot-gusot na para bang pinagbuntunan rin ng galit. Sunod niyang tiningnan ang mukha. Namumula ang mukha niya dahil sa kakaiyak, ang mga mata ay malalim...binabaybay ng kaniyang daliri ang bahagyang nangangatog na labi.

Sumilay ang isang inosenteng ngiti.

"Why are you staring? Napapangitan ka na ba sa akin?" Malambing na sabi niya at mabilis pinunasan ang nanunuyong luha sa kaniyang pisngi.

"Argh! Look at me! I look pretty horrible..." Muli niyang sinabunutan ang sarili at tumayo mula sa kama.

Nakalimutan na niya ang tungkol sa eskwela. Ngunit ngayong inaayos niyang muli ang sarili ay mukhang may balak pa siyang pumasok.

She's smiling the whole time brushing and braiding her hair. Sunod niyang inayos ang uniporme at kinuha ang bag.

"Yan...maganda na ulit ako. You're free to lay your eyes to nobody. Sa akin ka lang, hm?"

Grinning, before storming out the room.

Instead of going straight the girls' school, she shuffled to a bar across the railroad tracks. Far from people...far from alarm...but surely the nearest place to solve her longing.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon