Chapter One Hundred Two

7 0 0
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED TWO

11th of September

"Bunso, open your door...sige na."

Sunod sunod na ingay na nanggagaling sa labas ng aking kwarto. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagdidilig ng bulaklak. Lanta na ang iilan sa lahat ng inalagaan ko noong nasa Busan pa ako. Tanging ang nasa kulay asul na paso na lamang ang pinapainom ko. Ligtas siya sa pagpapabaya ko sa ibang bulaklak. Espesyal ang isang ito dahil binigay siya sa akin ni Iyen noong unang buwan namin.

"Bunso..." Hinihingal niyang sabi.

Nilingon ko siya na kakapasok lamang sa aking kwarto.

"Anong kailangan mo? Pagbubuksan naman kita, hindi mo na kailangan pang manghimasok basta basta." Mahinahon kong sabi.

Niligpit ko na ang gardening tools at pinagpag ang dalawang kamay. May bahid na rin ng dumi ang aking uniporme.

"Wala ka bang balak pumuntang eskwelahan? Late na late ka na."

"Hindi ako papasok, kuya. Nagbago na ang isip ko."

"What? Pero bunso, napapadalas na ang pagliban mo..."

"Alam ko po."

Sumuko siya sa usapan at kagaya ng kagustuhan ko ay binigyan niya ako ng oras sa kalawakan, at katahimikan ng aking kwarto.

Buntong hininga akong naupo sa kama.

Bakit ganun?

Pakiramdam ko kailangan ko palagi ng maraming oras. Pero kapag nariyan na, natatalo ako! Lagi na lang akong nawawala at nasasayang lang sa kakatunganga.

Napako ang aking tingin sa desk. Ilang araw na rin pala akong hindi nakakapagsulat. I can't pour out the negativities in me.

Marami akong oras ngayong araw. Mamayang alas kwatro nama'y pipilitin ko ang sariling pumuntang Lee's. Kay Teacher Hwasa ko na lang ibubunton ang nararamdaman ko.

~

"Ang aga natin ah? Babawi ka ba ngayon? I bet you can't! Mas mahirap na recipe ang nakahanda para ngayong araw."

"Hindi po, teacher. Hindi ako pumasok kaya napaaga ang punta ko."

"Halata nga." Mula ulo hanggang paa niyang sinuyod ang pagkatao ko.

Lagi akong nakaschool uniform tuwing dumidiretso ako rito. Pero ngayon ay daig ko pa ang magsisimba. Nakalongsleeves rin ako para matakpan ang mga sugat sa aking braso.

Maya-maya lang ay magsisimula na rin ang session. Kung hindi ko pa aayusin ang trabaho ay malalagot na talaga ako kay Teacher Hwasa. Kahapon kasi ay hindi rin ako nakapasok gawa ni Sunwoo.

"Tara sa third floor?"

"Huh?"

"Ipapakilala kita at aayain ka na rin namin."

Namalayan ko na lang na inaaya na ako ni Ms. Lee. Kakagaling lang niyang eskwelahan nang maabutan niya akong aligaga sa pinag-uutos ni Teacher Hwasa. Pinagbuhat lang naman niya ako ng karton mula storage room hanggang kitchen.

Mas mataray pa yung instructor sa owner. Sana lang matanggal na sa trabaho si teacher Hwasa. Pero mukhang imposible dahil magaling siya at ginagawa naman niya ng maayos ang kaniyang trabaho.

"Third floor? P-pero bawal po ang estudyante jan, miss."

"What did i tell you? Tawagin mo na lang akong ate."

"Pero magsisi--"

"Wag kang kabahan. Sagot kita."

Bakit ba ang bait niya sa akin?

Binuksan niya ang pinto at sumilip ang magulong kwarto. Dinig na dinig ang ingay mula sa loob.

"Ano 'to? Te-teka ayaw ko!"

Umayos ako ng tindig ng may sumulpot sa likod ng pinto.

Sila kuya Changbin? Papaanong nandito sila? Magkakakilala ba sila?

"Uy~ kalma Rio. Ako lang 'to!"

"Magkakilala kayo?" Naguguluhang tanong ni Nari. Ako dapat ang nagtatanong nan.

"Syempre friends kami nan!" Hinila ako papasok ni kuya Changbin at pinaupo sa couch.

Ano bang lugar ito?

Parang pinagsasamang kitchen, living room at bedroom ito. May mga nagkalat na bags ng chips, walang bawas na bote ng sprite at halos paubos na cola.

"Siya yung ipapakilala mo? Huli ka na sa balita, mare!" Tumayo mula sa couch 'yung isang lalaki...Han ata? Han Jisung!

"Estudyante ka pala dito? Ngayon lang kita nakita ah?" Dagdag ni Han Jisung.

"Wait nga, papaanong kakilala niyo siya?"

"Siya yung bagong lipat sa Seukdong, girlfriend ni Jeongin." Si kuya Changbin ang sumagot.

Nagtatanong ang mukha nang lingunin ako ni Nari, "Totoo ba 'yun?"

"Opo..."

Bakit hindi ko sila nakitang dumaang entrance? May back door ba ito? Sa fire exit?

"Ahh i-ikaw pala yun? Nakakatuwa naman... anyway, kaya kita pinapunta dito dahil..."

"Libre ka sa 22? Tuesday ata yun? Tuesday ba, boss? Check mo nga, Bin!" Tanong ni Han.

"Tuesday yon!" Announce ni kuya Changbin.

"So ayon, September 22, Tuesday, 8 pm, Seukdong Village." Ma-otoridad na sabi ni Nari.

"A-anong meron?"

"Wala kasi dito si Seungmin eh. Siya dapat ang nag-iimbita! Kaimbyerna!" Sabi ni kuya Changbin.

"Birthday ng pinsan niya."

"Pinsan?"

"Si Kim Seungmin."

"Ano? Dadalo ka ha? Hindi kami others kaya huwag kang mahiya sa amin!" Nginitian ako ni Han kaya tumango na lang rin ako.

"Huwag ka nang mag-abalang magregalo ha? Damulag na 'yon, hindi na tumatanggap ng mga ganung bagay!"

"Madaya ka, mare! Pinagsabay-sabay mo ang birthday namin ni Felix sa birthday ni Seungmin!" Pagtatampo ni Han.

"Para konti ang gastos. Pati matanda ka na para magcelebrate ano!"

"Ba't si Seungmin? Halos ka-edad ko rin naman siya ah?"

"Ibahin mo ang pinsan ko, Ji."

Ang funny naman pala ng babaeng to. Ang cute niya tingnan oh! Eonnie ko siya pero parang magka-edad lang rin kami kung mag-usap.

"T-teka... pupunta rin ba si Iyen?"

"Hindi ba nagtetext sa iyo?"

"Wala siyang nabanggit sa akin."

"Sus pupunta yun! Yun pa?"

"So, ano? Punta ka ha? Magkakalapit bahay lang naman tayo eh!"

Ibig sabihin ba nito makikita ko si Iyen sa 22? Sigurado akong pupunta siya dahil kaibigan niya naman yun eh!

"Eung! Pupunta ako..."

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon