CHAPTER ONE HUNDRED NINETEEN
Yang Jeongin's
Buong araw ay wala akong ibang nagawa kundi humilata at pumikit. Ilang araw na rin akong hindi nagpapakita sa eskwelahan. Nakakatamad at isa pa, hindi talaga ako makakilos.
My head hurts and i'm not really in the mood.
Iniisip kong swerte na ring nagkasakit ako, dahil magagamit ko itong excuse sa school. Ang isip bata pero nakakawalang gana naman talaga kung makikita ko lang rin na magkukulitan siya at siya.
Nakakaselos kaya.
Mas mabuti na rin sa bahay. Dito ko na lang siya iisipin.
Nagtalukbong ako ng comforter at pilit na hinanap ang maganda at komportableng pwesto hanggang sa makatulog ako.
.
.
.I can hear her soft voice. Nanatili lamang akong nakapikit. Hindi ko rin maigalaw ang aking katawan kahit gustong-gusto ko na siyang yakapin.
"Stupid Jeongin. Ba't hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka pala? Edi sana mas maaga akong pumunta rito."
Hindi ako makamulat. Pero ramdam ko ang bigat sa aking kanan. Hanggang sa maramdaman ko ang init ng kaniyang palad. At ang marahang pagdampi sa aking balat ng basang tela.
"Himbing rin ng tulog mo e, ano? Gumising ka na, napapanis na ang laway ko."
Her voice...ansarap sa tenga. Totoo ba to? O nananaginip lang ako? Kung panaginip lang ito, ayaw ko na muna gumising. At imposible namang totoo ito...pero kung pagbibigyan lang ako ng pagkakataon makasama siya ngayon, gigising na ako pero sana mapigilan ko pa ang sarili ko.
"Pagaling ka na please."
Hinawi pa niya ang buhok ko at namalayan na lang ang nakapatong ritong bimpo.
I heard footsteps getting farther.
Shit.
Minamaligno ba ako o totoo ito?
.
.
.I saw her sensitivity the moment she embraced me. Hindi pa ako nakakabawi sa gulat, nang maglitanya siyang nami-miss niya pala ako.
And I'm relieved, dahil may lugar pala ako sa puso niya.
She's confused, and worried and happy.
She stayed the night in my place. Nagpumilit siya.
Nakahiga siya sa aking kama, gamit ang aking bedsheet, mga unan at ang aking mga damit. Habang nasa lapag naman ako at naglabas lang ng extra mattress. Hindi na ako nakatanggi nang suotin niya ang isa sa paborito kong shirt. Maganda sa kaniya tingnan ang damit ko. This is happiness seeing her using my stuff. Kumportable pa siyang tingnan sa malaking shirt na yun.
"Jeongin, tulog ka na ba?"
Nakatalikod na ako sa kaniya nang bigla siyang magsalita.
"...oo."
Hindi ko mapigilang tumawa. Eh ano? Masaya ako eh!
"May masakit pa ba sa'yo?"
"..."
I'm more than fine now.
Ang ganda mo mag-alala. But that doesn't mean pag-aalalahanin na kita palagi. Nakakapanibago lang dahil ginagawa mo ito sa akin.
You're sweet and you hold my remaining sanity, babe.
She cares for me, and i would love to own the simple things she does... her all and more.
