CHAPTER TWENTY FIVE
04.19. Sunday
Hi.
Buti na lang at umalis si Daniel. Nasa trabaho ang loko. Payapa ang kabahayan. Walang asungot. Walang nanunuod ng k-drama. Wala ring tagaluto. Don't tell me kimbap na naman ang kakainin kong lunch? Sinabihan ako ng mommy ni Sunwoo na tuturuan niya akong magluto pero hindi na ako babalik sa bahay na 'yon, magkamatayan na. Pagkakaisahan lang ako ng mag-inang 'yon.
Sa totoo lang, kakatapos ko lang mag-agahan. Alas syete ng umaga at balak kong pumuntang stationery start line. Nagpaalam naman na ako kay Daniel at pumayag siya. Sa tingin ko good vibes na naman 'yon kaya mabait sa'kin.
Bibili akong mga glossy papers dahil magpiprint akong pictures ni Iyen. Hehe hayaan niyo na ako sumaya.
Susuotin ko 'yong binili kong medyas last time. Ipapakita ko lang sa madla na ang kyoot kyoot ng medyas ko.
Love,
Rio K.
Tinago ko na ang diary at naghanda na ng susuotin. Mabilis lang naman ako kaso medyo malayo 'yong stationery start line. Ang alam ko kasi bagong bukas lang 'yon kaya susugod ako at mauunang lalanghap sa mabango at malamig na aircon.Peter Pan collar sweater, blue cardigan, long skirts, ehem blue cute socks at rubber shoes.
Mukha akong losyang. High class na losyang.
Mabilis akong naggayak at nagbihis. Dinouble check ko ang bahay at lumabas na kasama ang phone, wallet at mini backpack ko na ang laman lang ay clip sa buhok, nailcutter at isang bote ng energy drink.
I smiled, hopping in the front door of the bus, and scanned my transit card. Three rows apart from the driver ang napili kong upuan, kalapit ng bintana.
Nasa kandungan ko ang backpack at nanatiling nasa labas nakatingin ang mata ko.
The front door clicked. Sumandal na ako at medyo inilayo ang ulo sa bintana.
Baka mamaya biglang umandar tapos mauntog pa ako.Wait...no one can fool me. Alam ko ang amoy na 'yon. H-his signature scent. Amoy binata!
Palapit ng palapit ang amoy...
Huli nang nagreact ang puso ko nang may tumabi na sa akin.
Jeongin... hanggang bus ba naman nasusundan mo ako? Coincidence lang ba 'to o destiny talaga tayo?
Ayaw nang gumalaw ng mata ko. Natulala na sa braso niyang sobrang lapit sa akin.
"Tulala ka na naman." Rinig na rinig ko ang boses niya. Putangina.
"Ikaw pala 'yan? Hello." Ilang na ilang ang naibigay kong ngiti.
Amoy pa ba 'to ng tao? Amoy anghel. Amoy korean idol.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya. Anlapit ng mukha niya, lalo pa't malaya akong makakatingin sa kaniya dahil konting lingon ko pa, langit na.
Ansaya. Ba't ganon?
"Start Line. 'Y-yung bagong bukas na stationery store."
"Ah." Kita na naman ang dimple niya sa napakagenuine niyang ngiti.
Alam ba niyang napakahirap pigilan ng paghinga?Konting ngiti pa Jeongin, ako mismo ang magbabayad sa bus na to para huwag nang tumigil pa.
"Ikaw pasaan ka?"
"Ewan."
"...'yung totoo?"
"To my mom's unit."