CHAPTER EIGHTY FIVE
17th of August
"I can't drive you to school. Hindi pwedeng maiwan dito ang pinsan mo..."
"Ayos lang, i'll take the bus."
"Tandaan mo bunso, be nice, okay? Bagong salta ka lang kaya kailangan mo ng magandang image. After class, dumiretso kang Lee's."
"Opo kuya."
"Good, mag-iingat ka."
Lumabas na siya ng pinto matapos ang iilang paalala sa nakababatang kapatid. Muli siyang tumingin sa salamin. Medyo humaba na ang dating shoulder length niyang buhok. Itim, buhay at natural ang pagkakaalon nito. May makukulay rin na hairclips ang nakakabit dito para hindi sumayad sa mukha niya.
Naninibago siya sa bagong uniporme.
Humugot siya ng malalim na hininga bago tuluyang lumabas ng kwarto.
It'll be a short commute to Hoodie Season School for Girls. Hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano-ano habang nasa byahe. May iilang estudyante siyang kasabay pero hindi naman niya ito kaparehas ng uniform. Wala siyang kaparehas ng pupuntahan.
Sa kalagitnaan ng kaba ay hindi niya namalayang nasa loob na siya ng isang malaki at mamahaling eskwelahan. She hates first days! Dahil ayaw niyang bumibilis ang tibok ng puso niya. Dahil na-iintimidate siya sa mga grupo ng mga kababaihang nakatingin sa kaniya. Dahil wala siyang bangs at ribbon sa buhok. Dahil mag-isa lang siya. Dahil wala si Yang Jeongin sa tabi niya.
Argh! Walang Sunwoo. Walang Jeongin. Makasurvive kaya ako dito?
~
Third Person's
"Konting hintay lang par, medyo makupad ang babaeng 'yon eh." Luminga linga pa si Changbin, akmang isusubo ang piraso ng cake sa tinidor nang makita ang pamilyar na pigura.
Masama ang tingin nito sa kaniya, kaya nginitaan niya na lang ang kaibigan pambawi.
"Nari hehe...andyan ka na pala. Anyway, hinintay ka namin eh."
Hindi sumagot ang babae. Wala namang bago kahit nandito si Changbin, ang pinagtataka niya ay nagsama pa ito ng ibang tao.
Siya na naman?
Kelan pa naging close ang dalawang ito? Ang alam ko lang, senior na itong kasama niya at kapitbahay namin.
Hindi nila suot ang coat ng uniform. Nakabalumbon lang ang mga iyon sa isang bakanteng mesa. Nakamedyas na lamang sila at kumakampay pa ang nagpapahingang paa nung lalaking kasama ni Changbin.
Napaayos naman agad ng pagkakaupo 'yong isang lalaki habang hindi natinag ang pagkakasalampak ni Changbin.
They're at Lee's. Sa second at third floor sila kadalasang tumatambay ng mga kaibigan after class, every weekends, and friday nights. Mini cafe ang style ng second floor at ang third floor nama'y pahingahan. May mga couch at tv set na para lang talaga sa kanilang magkakaibigan. Hindi sila pwede sa unang palapag dahil halos araw-araw ang cooking session doon.
"Asan si Seungmin?" Lumapit si Nari at dinampot ang mga nakakalat na uniform nung dalawa at sinabit iyon ng maayos.
"Kay Han sumabay. Pabayaan mo na ang batang 'yon! May bisita ako, ang maiigi pa, i-entertain mo muna kami dito."
Entertain?
"May gagawin pa ako, Seo Changbin. May pagkain diyan sa ref, initin mo na lang." Tinalikuran niya ang dalawang lalaki.
"Ah ganon? Sayang! Akala ko makakalibre kami ngayong hapon ng masarap na--"
"Aish oo na. Pero may tatapusin muna ako."
"Ayown! Padalhan na lang kami ng lulutuin mo maya-maya. Thanks." Pahabol nito.
"Ah ahehe hehe...pagpasensyahan mo na 'yon Minho, ha? Sadyang bugnutin lang talaga." Tinungga ni Changbin ang nasa mug.
"Pinsan 'yon ni Seungmin diba?" Tanong ni Minho.
"Oo, halata naman par? Ang pinagkaiba nga lang, masarap magluto si Nari." Flex nito sa kaibigan.
"I know..."
Hindi natuloy sa pagsimsim si Changbin, "Nakita ko na 'yang mukhang 'yan, ganiyan si Hwang nung nakilala niya si Soo Ah noona." Ngumisi si Changbin.
"Gago hindi! Ayan ka na naman eh!"
"Friendly tip ko sa'yo: Purihin mo ang lasa ng mga niluluto niya. Tingnan natin kung hindi 'yan matrigger." Tinapik ni Changbin ang kaibigan.
~
"Tastes funny...hindi ko akalaing ganito ang lasa ng pinatikim mo sa teacher mo." Ibinaba niya ang tinidor.
"She said kaya ko pang mag-improve."
White lies. Naiinis nga sa akin 'yong teacher eh.
"You should improve." Hindi na niya muli tinikman ang matabang na meatballs.
"Anyway, how's school?"
"The teachers liked me." Nakangiti kong tugon. Nawala rin 'yon agad at napaltan ng lungkot.
"Good. Did you make friends?"
"Should i make friends?"
"Of course, bunso. Distract yourself, papayagan kitang umalis kasama sila, but you have to promise kuya na ipagpaliban na muna ang lovelife. Huwag puro boyfriend. Makakasama 'yan sa'yo."
Seryoso siya nang sabihin niya iyan. Hindi ko makuha ang pinupunto niya.
"Why makakasama?" Taas kilay kong tanong.
"Well, hindi ka makakapagfocus sa mga bagay na dapat mas inuuna mo, mapupuyat ka kakatawag, maaga kang tatanda sa stress. Believe me, bunso."
"You're funny." Literal akong natawa. Hindi ko akalaing may alam pala tungkol sa relasyon ang tigulang kong kapatid.
"Umakyat ka na. Titingnan ko lang saglit ang pinsan mo."
Mabilis kong hinugasan ang iilang plato at mug, pagkatapos ay nagkulong na ako sa kwarto.
Madilim na ngunit bukas pa rin ang bintana.
Ilang araw na kami sa bahay na ito pero hindi pa rin ako sanay sa sarili kong kwarto. I wanna go home even as i'm lying on my own new bed. This doesn't feel home.
Wala na akong window seat. Tanging ang maliit na veranda na lamang na nakakonekta sa loob ng aking kwarto.
Kung nasa Busan lang ako ay tatawagan ko si Jeongin para makipagkita ngayong gabi. Noong mga unang ilang araw na tumira kami dito, sa tuwing paggising ko sa umaga ay akala ko nasa lumang kwarto pa rin ako. Akala ko'y walang paglipat na naganap.
Namimiss ko na si Jeongin. I miss his little apartment. His bed. His clothes.
Pero konting tiis na lang Rio, sabi ni Jeongin, magkikita na kayo sa Biyernes.
