CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE
malamig.
the wind's ringing in my ears, and if feels like...
I am flying.
but you took my wings away.
now I am hanged.
.
.
.
Nagising na lang ako na para bang ginutom at pinahirapan ng ilang araw. Nasa loob ako ng aking kwarto, bukas ang blinds at maliwanag sa labas.
Ngunit wala pa rin akong ideya kung umaga ba o hapon. Hindi ko rin alam kung anong petsa at araw na ba.
"Mabuti naman at nagising ka na."
Isang pamilyar na boses ang pumasok sa kwarto.
"Anong..." Hirapan pa ako sa pagsasalita dahil sa nanunuyo kong lalamunan. Nagbibitak rin ang aking labi dahil lamang sa isang salitang lumabas.
"We heard of what happened kaya naisipan kong bisitahin ka. Gusto ka rin makita ng mga kupal kaso binawalan sila ng kapatid mo, hindi mo raw gugustuhin ang maraming tao."
Magaan paringgan ang boses niya. Parang ate ko na rin talaga siya.
Si Ate Nari ang nasa harapan ko. May dala siyang tray at inaayos ang side table na mayroong mga prutas at mga nakakatuwang pagkain.
"Wag mong pilitin tumayo kung hindi mo kaya."
"Asan ang kuya?"
"Nasa baba siya, at binigay niya akin ang permiso para bantayan ka rito."
Hindi ko talaga matandaan ang nangyari...
Hapon na pala kaya hindi na masyadong matingkad ang sikat ng araw.
Ano na naman bang kagagahan ang pinaggagawa ko?!
Posible kayang... andito rin siya?
Pinuntahan niya rin kaya ako?
Makikita ko ba ang mukha niya?
"Hindi mo gugustuhin malaman ang nangyari. That was a disaster, bunso."
"I am really sorry, sir. I didn't know na may ganun palang pinagdadaaan ang estudyante namin."
Mentor ko siya sa cooking class at masasabi kong kumportable siyang kasama at kausap. She has this intimidating looks and she acts emotionless. But she can turn it all down, and can be very concern and matured kung kinakailangan.
I don't know a lot about his friends, but I am sure for this one thing, masasarap kasama ang mga kaibigan ni Iyen. Nasa mabuti siyang kamay.
"What exactly happened? Gusto ko malaman."
"Tsk tsk gabi na at walang katao-tao sa Haven Tower, good thing, mabilis kang nahanap ng pinsan mo."
"Ha? Si Daniel?"
"Please, bunso, please, mababaliw na ako sa mga pinaggagawa mo!"
But honestly, i'd rather grant my own, selfish wish.
Sana ay hinayaan na lang nila ako.
"Ate, b-bakit mo nga pa pala ako pinuntahan dito?"
Nasa kitchen kami ni Nari at pinapanuod ko siya habang naggagayat ng mga gulay. I feel useless, resting on this wheelchair. Mula nang dumalaw kaming hospital nila kuya ay nirekumendahan ako na gumamit nito kahit nasa loob lamang ng bahay. Because there are times and chances when I feel so numb and total restless.
"Kasi estudyante ka namin. At ano ka ba, syempre kaibigan ka namin 'no!"
"Am i?"
Kaibigan...
"Uh huh. And remember, you are always welcome home. Ni hindi mo inopen up ang topic about sa inyo ni Jeongin, we were clueless, and we're sorry."
"Kaya sa susunod, magsabi ka lang sa amin or sa akin hm? I am your ate anyway."
"Hehe..."
"And besides..."
Inilipat niya ang mga huling nahiwang gulay sa bowl at ihinanay katabi ng iba pang tapos na sangkap.
"Someone asked me to look for you."
Nag-alangan pa siya nang sabihin niya yan.
"T-talaga? Sino naman..."
"I know you're hinting about someone, tama ang iniisip mo."
Jeongin...
He thinks of me.
You still think about me.
You still care about me.
While here I am... thinking about how does it feel like if I was still your girl.
Iniisip ko rin kung dapat pa ba akong makipag-ugnayan sa mga kaibigan mo... o ano pa bang dapat kong kapitan para manatili at magkaroon pa ako ng rason makasama sila.
