CHAPTER NINETY SEVEN
25th of August
Morning has always been a mood for her, but today's more lovely and special. Kanina pa siya gising ngunit ayaw pa niyang bumangon. Sinusulit ang umagang magkatabi sila at sariwa pa sa kaniyang isipan ang nangyari kagabi. First, did it with him. Second, waking up beside him, wearing his tee and him, shirtless. Third, she's really, truly proud!
Pinagmamasdan pa niya ang likod ng boyfriend. He has her engraved wounds, a bit purplish scratches on a certain spot, freshly marked skin. Kapansin-pansin naman ang malalim na pagkakabaon ng kuko sa bandang batok nito.
I made t-these?
"Iyen..." Niyakap niya ang lalaki mula sa likod. At nagbigay ng mararahang halik sa mga dinisenyo niyang sugat.
Hindi na kataka-takang tulog pa rin si Jeongin. Anong oras na nga ba sila nakatulog kagabi? Kung hindi pa mapapagod ay hindi pa siya patutulugin ng girlfriend. Dahil sa nangyari kagabi, parehas silang hindi na nag-abala pang pumasok sa klase.
"Wake up," She snapped.
Tumihaya ang lalaki ngunit nakapikit pa rin ito, "Iyen... I'm sorry. Hindi ko naman alam na masasaktan pala kita." Mahina niyang sabi habang nagpapahinga sa dibdib nito.
I'm the only one who can hurt you.
Ako lang ang pwedeng gumawa nito.
She embraced him good morning while giving soft kisses on his sternum. Alam niyang gising na ang lalaki nang guluhin nito lalo ang kaniyang buhok. "Good morning...how are you?"
"Happiest."
Both tired and happy.
"And it hurts down there..." Pinagsabay niya ang kainosentehan at ang pagngisi.
Bumuntong hininga lang ang lalaki sabay halik sa noo nito. "P-pero kaya ko pa naman! Swear! We can do it again ngayon mismo!"
"Kung ano-ano na naman ang pumasok sa isip mo. I'm not dissapointed. Nag-aalala lang ako."
"Bakit?"
"I hurt you."
"Gago ka. It was sweet and i loved it. Huwag ka ngang praning." She hit his chest playfully, he caught her fist. Fluttered for the soft brush of lips on her knuckles.
"You're a Jeongin stan, aren't you?" Biro nito at ngumiti.
"He has the best kisses. Smells heavenly. He was gentle and good. I am living for him..." Seems like she's talking about another subject of her life.
She wasted no time and ended up nuzzling on his neck, kissing him just as much as the sunlight heat the day up.
~
Lee Minho's
Pasado alas kwatro nang ayain ako ni Changbin sa coffee bay. Madali pakisamahan ang taong 'to dahil nagkakabungguan talaga kami ng mga gustong pag-usapan, madalas ring nagkakaasaran pero kahit na ganon, kumportable pa rin naman.
Kakatapos lang ng klase kaya pumayag na rin akong sumama sa kanya, wala rin naman kasi akong gagawin pag-uwi sa apartment.
"Nga pala hyung, may pinahiram na usb si kuya Woojin sa akin, baka gusto mo?
Hinugot niya mula sa bulsa ang usb na may cute pang keychain. Iisipin mo talagang hindi mga nakahubad ang makikita mo dahil sa bear na design.
Pero teka...
"Pass muna ako sa ganiyan."
"Bakit? May stock ka siguro ano? Papasa naman..."
"Baliw wala. Dinelete ko na lahat."
"Maniwala! Dibale, uso naman magrestore."
"Lilimitahan ko na muna, Bin."
Ngumisi naman siya at tinapik pa ang bulsa nang maisilid na niya ang usb. "Okay, mukhang hindi kita mapipilit...pero umamin ka, anong nahithit mo?"
"Gago! Anong pinagsasabi mo?"
Humigop muna siya ng hot chocolate, "Wala hyung. Nakakapagtaka lang. Dati kasi ikaw pa ang nag-aayang manuod tas ngayon..."
"Ganon talaga. Nakakasawa manuod na lang palagi."
"Nagpapagood shot ka ba kay Nari?"
"Huh? Gago, hindi! Kahit pari nanunuod ng porn, bakit pa ako mag-aabalang pahirapan ang sarili ko?" Kamot-ulo kong sabi.
Tumawa siya at inakbayan pa ako. "Curious lang ako, hyung..."
"Heh!"
Inubos ko na ang huling piraso ng carrot cake sa tinidor, "May alam ka bang hiring malapit sa university?"
"Huh? Bakit?"
"Kailangan ko ng pera!"
Tangkana ka talaga, Seo Changbin! Pagtawanan ba raw ako?! Seryoso ako! Kailangan ko magtrabaho dahil kailangan ko ng pera. Maraming pera. Ayaw ko naman kasing puro hubad ang nasa isip ko. Ayaw ko nang sayangin ang oras na alam kong nasa Lee's siya at tumutulong sa magulang, tapos ako nasa apartment lang at gumagawa ng kung ano-ano!
"Iba ka, Minho! Pfft! Wala akong alam sa hiring hiring na yan! Kila kuya Chris ka na lang magtanong may mapapala ka pa."
"..."
"Antindi ng tama mo kay Nari ah?"
Anak ng! May pagtusok pa siya sa tagiliran ko.
"Tatamaan ka talaga sa akin, tamo ka!"
"Teka hyung... alam ba ng tropa na gusto mo siya?"
"Sila kuya Chris, oo. Sila Hwang, walang ideya."
Gusto ko si Nari pero hindi naman na kailangan pang ipalaganap ko pa sa mga batang yun. At isa pa, ayaw kong mailang siya sa akin once na makahalata siya.
"Eh kay Nari, hyung? Kelan ka aamin?"
"Hindi ganun kadali, Bin...i can make her feel anytime that l'm in love with her, pero papahirapan ko muna ang sarili ko. Ayaw kong kuhanin ng agaran ang loob niya, hihintayin ko muna hanggang sa maging handa na siya."
"Aakyat ka lang naman ng ligaw, hindi pa sure kung sasagutin ka, hyung."
"Paano kung ayaw pala niyang makipagconnect sa mga lalaki? I need green light, Seo Changbin. Gusto kong maging kumportable muna siya sa akin..."
Hindi namin totoong kilala at kabisado ang isa't-isa. Pero noong unang beses ko siyang nakausap, may kakaibang pakiramdam na dapat ko siyang irespeto at alagaan.
Ayaw kong hindi porket na may mukha akong maipagmamalaki ay gagamitin ko yun para maligayahan sa sarili kong kagustuhan.
There's something inside my head...shame...my pride. Lalaki ako at natural lang na lumikot ang isip ko. She's a culinary student. Bata pa lang ay marunong na magmanage ng kanilang business. While I am a pain in the ass. Magulang ko ang nag-aasikaso ng mga pusa ko sa Gimpo, paaral at pabaon habang tinatapos ang pag-aaral sa Seoul.
Madali lang ang buhay ko! Eskwelahan, bahay, computer, alak.
Tangina. Kasawa.
I just don't want to love her...because she deserves more than that! I want to take good care of her...to treasure her. Hindi yung basta ko lang uubusin ang mga luto niya, kundi gusto ko siyang ipamalengke at tulungan sa kusina. I should be a better man for the best cook in town.
