CHAPTER ONE HUNDRED TEN
Now Playing:
It's Sad To Belong by England Dan and John Ford Coley♪
Met you on a springtime day
You were mindin' you life
And I was mindin mine, too
Lady when you looked my way
I had a strange sensation
And, darlin' that's when I knew...09.17
Hi!
Saktong buhay ko ng radyo at iyan ang bumungad na kanta. Iyen, as your girlfriend, you should know these little things about me... i'm into love songs these days-- ahm, no, since the day you became important to me. And i usually cry just by listening to them... and this old english song is different...tragic and unhappy. Masarap pakinggan. I suddenly felt empty. Na hindi ko naman dapat nararamdaman!
♪
It's sad to belong to someone else
When the right one comes along,
Yes, it's sad to belong to someone else
When the right one comes along.It says it's sad to belong to someone else...which is depressingly the truth. Katotohanang hindi mababago. Iniisip ko pa lang na mabubuhay ako sa piling ng iba natatakot na ako...nalulungkot ako...nanghihinayang ako. Iyen, hindi mo naman ako iiwan, diba? Mahal mo ako diba? Sabihin mo sa akin walang magbabago kahit tumanda man tayo!
♪
Oh, I wake up in the night
And I reached beside me
Hopin' you will be there
But instead I find someone
Who believe in me when I said
"I'd always care."Hahaha that's funny.
Hinding hindi ako lalayo sa iyo, Iyen. Ikaw lang ang tatabihan ko sa pagtulog...kukwentuhan ng kahit na ano... ikaw lang ang aalagaan ko.
♪
So I lived my life in a dreamworld
For the rest of my days
Just you and me walkin' hand in hand
In a wishful memory
Oh, I guess that's all
That it would ever be.Being with you is my dreamworld, Iyen.
Iniisip ko pa lang na balang araw ay haharap na lang ako sa alaala ay namamatay na ako! Ayaw ko! Basta ayaw ko! Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang kesa ipagpatuloy ang panghabambuhay na haharapin ko sa putanginang mundong ito na hindi ikaw makakasama ko!
♪
Wish I had a time machine
I could make myself go back
Until the day I was born,
And I would live my life again
And rearrange it so that I'll be
Yours from now on.I feel sad for the song itself. Kahit pinagsasama-samang ritmo at tunog lamang ay malakas ang impact na nabibigay nito.
A note to myself. I'll be a better girlfriend. I'll take control of everything until i catch you for the rest of my lifetime.
"What's with the oldies?" Bigla na lang siyang sumulpot.
Nilagdaan ko muna ang dulo't kanang bahagi ng papel bago itinago.
"Nagkataon lang sa radyo. Besides, maganda naman yung kanta eh."
Pinatay ko na ang radyo bago pa ako punuin ng tanong ng aking pinsan. Malaki ang pinagbago ng kaniyang katawan. Lalong namuti, ngunit namayat naman ng husto. Malalalim pa rin ang mata niya at mukhang trumiple pa ang sungit.
"Anong nangyare? Nag-away ba kayo? O... wala na ba kayo?" He's sincere. Naupo siya katapat ko at sinimulan nang kumain ng nachos. Pinipili pa niya ang mga karne.
"San mo naman nakuha ang ideyang yan?" Taas tono kong sagot.
"Gusto mong isa-isahin ko? Una, dalawang araw ka nang walang ligo. Pangalawa, puro sad songs ang naririnig ko sa iyo. Pangatlo, mas pumapangit ka."
Kelan pa ba ako makakarinig ng katinuan sa bwisit na ito? Bat kasi gumaling ka pa?!
"Tsk alam mo, umalis ka na nga lang. Panira ng gabi."
Hindi siya natinag. Hindi talaga siya aalis dahil nasa sala kami. Kung nasa kwarto lang sana ako ay maitatapon ko siya palabas.
"Aalis ako pero makinig ka muna, ayaw kong makita kang matulad sa akin, Rio."
~
Soo Ah's
"Who's downstairs? I told you huwag na kayong tumanggap ng bisita ngayon!" Hinarang ko si Yeji, ang kasambahay ng resthouse na ito. Napayuko na lang siya, nangangapa ng palusot.
"S-si Sir MK po, Ms. Alam niyo naman daw po na pupunta siya kaya pinagbuksan ko."
Nakakaimbyerna talaga. Sinabihan ko na siya ng ilang beses na tigilan na ako pero masyadong matigas ang bungo niya! Hindi talaga niya papatapusin ang araw na ito na hindi magpapakita sa akin!
"Pinapaghanda na rin po pala kayo ni Madame Jeon para sa dinner."
Wala na akong nagawa kundi babain ang bisita. Mag-isa lang siya at pormal na pormal ang suot. Namayat rin ang ex-boyfriend kong ito. May dala pa siyang isang bungkos ng bulaklak, maganda ang pagkaka-arrange nun at nakasanayan ko na rin itago ang mga dati niyang regalo dahil mahalaga iyon sa akin.
Hindi masamang lalaki si MK. Mabait siya at sobrang gentleman. But when I first met Hyunjin... doon ko narealize na kayang tanggapin ng tao ang kung ano mang ugali ang meron ang taong gusto niya. Malayo ang pagitan ng kanilang ugali. Pero kung ano mang negatibo at positibo ang maghahati sa kanilang dalawa ay si Hyunjin pa rin ang tatakbuhan ko.
"Anong kailangan mo?"
"Inimbitahan ako ni Madame Jeon para sa family dinner, ah para sa iyo, Soo Ah."
"Salamat."
Iginiya ko siya sa loob at inakyat na muna ang bulaklak.
Gusto kong kwestyunin si mama kumbakit inimbita pa niya ang lalaking ito. Matagal na kaming wala at hindi ibig sabihin na lumipat akong Busan ay pwede na nila akong diktahan. Hindi sila makaintindi.
"I'm glad kasama ko kayo ngayon sa iisang hapag, Mrs. and Mr. Jeon. You too, Soo Ah. Antagal kong hinintay ito."
"Always welcome ka rito, MK. I know you missed my daughter so much..."
"Lahat para sa iyo, hijo. Wala lang ito." Sabi pa ni papa.
"Para sa inyo ang pagsasalong ito." Sincere na sincere na dagdag ni mama.
"Ma, please?" Mahigpit ang hawak ko sa kubyertos.
"What? Masaya lang ako para sa inyong dalawa."
Bakit ba mas marunong pa siya sa lalaking gugustuhin ko? Noon pa man ay botong-boto na sila kay MK para sa akin. Nagtanim ng sama ng loob ang ina nang malamang nakipaghiwalay ako. I hate it that Hyunjin never experienced a dinner served with welcome and comfort with my family. Ako ang nagseselos para sa amin ng boyfriend ko.
"I've lost my appetite. Excuse me." Umabante ang mabigat na silya at dinire-diretso ko lamang paakyat.