Chapter Fifty

13 0 0
                                    

CHAPTER FIFTY

13th of June

Ngayon ay ang ikalawang araw ng festival. Tinanghali na ako ng gising dahil anong oras na rin kami nakauwi ni Iyen, idagdag mo pa ang nangyari kagabi. Hindi tuloy ako nakatulog ng matiwasay.

"How's your night? Mukha kang timang." Humigop ng tsaa ang pinsan ko. Gulo-gulo pa ang buhok niya at mukhang pagod, malamang ay nagpakasaya rin sila ng kaniyang girlfriend.

"T'was greaaaat." Ang lawak ng ngiti ko.

Antok na antok pa ako pero nang rumehistro sa utak ko ang nangyari kagabi, nabuhay na ang diwa ko. It's already Summer time, pero hindi ko alam na may iiinit pa pala ang tanghaling ito.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko at pinagtatapik.

"What exactly happened? Iba ka ngayon ah."

Inilayo ko ang bowl ng cereal at sumimangot.

"Kuya Daniel, you have a girlfriend, 'di ba?" Agad naman siyang tumango.

"Do you love her?" Sumama naman ang tingin niya, "Ano bang pinagsasabi mo? Syempre oo."

"Paano mo ba siya naging girlfriend, kuya? Ilang months mong niligawan? Anong gayuma ang--"
Kinalampag niya ang mesa.

"Kang Rio! If you want to talk about Sunwoo, bilisan mo na."

"Hindi si Sunwoo, kuya. I don't know if you know him, but believe me, magugustuhan mo siya para sa'kin."

Hindi ko alam kung bakit ang bilis ko lang sabihin ang tungkol dun. Pakiramdam ko, ayos lang naman na ipaalam sa pinsan ko ang tungkol kay Iyen.

"You have a fucking boyfriend?"

"...wala pa."

Narinig kong bumuntong hininga siya. "You're just seventeen, kung ano man ang meron kayo nung lalaking tinutukoy mo, hays bahala ka na..."

He's strict sometimes, pero nagagawa naman niyang intindihin ang mga ganitong sitwasyon. He has a girlfriend so alam niya ang pakiramdam kapag kasama mo ang taong gusto mo. Maybe he wants me to atleast experience of being in love. Hindi niya ipagdadamot sa akin 'yon.

"Who's the guy? Siguraduhin mo lang na mas matino 'yan kay Sunwoo ha!"

"Yang Jeongin, matagal na siyang kaibigan ni Sunwoo."

Humawak siya sa kaniyang baba na para bang anlalim ng kaniyang iniisip, "Hmp, may nagugustuhan ka na pala hindi mo man lang sinabi sa akin. Pero seryoso, masaya ako para sa'yo, pinsan. Akalain mong may magkakagusto pala sa'yo." Binatukan ko siya at tsaka ngumisi.

"I didn't tell you dahil baka salungatan mo 'ko kapag nalaman mong hindi si Sun ang gusto ko!"

Nginitian niya ako. Yung ngiting sincere. Walang halong pampalubag-loob.  "Wala sa aking problema 'yan, pinsan. Pero hindi ko lang alam kung saan ka pupulutin kapag nalaman ng kuya mo ang tungkol d'yan." Ginulo niya ang buhok ko.

Tama siya. Nakalimutan ko ang tungkol sa kuya ko. Aish.

"Ayaw ko muna isipin ang tungkol diyan. Matagal pa naman ang uwi niya eh."

Tumango-tango siya. "Ano...thank you, kuya, dahil ayos lang sa'yo ang inamin ko, at dahil hindi ako nahirapan mag-open up sa'yo."

"Aish oo na. Tumayo ka na jan, pupunta pa kayong beach, 'di ba?" Tumango na ako at dinala  na ang walang lamang bowls sa sink.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon