CHAPTER FORTY EIGHT
12th of June
"Oh, eh akala ko ba nabakuran mo na 'yung kaibigan mong 'yon, ba't may umaaligid? Highblood na tanong ni Seo Changbin.
Nagkamali ata ng napuntahan ang mga kaibigan ni Jeongin. Imbis kasi na nasa stadium, ay nag-umpukan sila sa rooftop ng apartment na tinutuluyan nito. His room is in the fifth floor and no one actually cares kahit ano pang gawin nila dito. Beers and girls, kaya nilang gawin 'yon dito ngayon mismo, kaso nga lang ay masyado silang naaaliw pag-usapan ang kanilang bunso.
"Sinabi ko na sa'yo, manliligaw nga niya 'yon..."
"Eh manliligaw ka rin naman niya ah? Pagalingan at pagwapuhan lang 'yan. Mahina ka kasi tsk tsk!"
Alas singko ng hapon nang dumating ang mga kaibigan niya mula Seoul. Makikisaya, makikiinom raw, at magpapakabinata. Sayang nga lang dahil kinabukasan rin ay uuwi na ang mga ito dahil kasagsagan nila ng examination sa Seoul. Nasa kwarto ni Jeongin si Han Jisung, naliligo ito ngayon dahil mamaya pa silang alas diyes sasabak sa pandamagang ingay. Si Hwang Hyunjin naman ay hindi pa nakakabalik mula kaninang dumating sila. Malamang sa malamang ay namimili na naman 'yon ng mga damit sa bargains na may text na I ♡ Busan, at aasta sa kalsada na para bang nabili na niya ang buong Busan.
"Seung, akin na ang phone..."
"Oy kuya 'wag! Nakakahiya!"
"Ano? Tatawagan niyo ba?"
Kinuha ni Seungmin ang handphone sa mesa.
Ayaw magpakita ni Jeongin ngayon sa babaeng 'yon dahil alam niyang kasama ito ngayon ni Sunwoo. Tinawagan niya kasi kanina si Rio ngunit si Sunwoo ang sumagot nito.
"May ginagawa 'yun don ngayon, 'wag mong guluhin."
"Tsk kung ano mang ginagawa niya, malamang hindi 'yon importante." Bilang isang Seo Changbin, inagaw niya ang phone ni Jeongin at nagmatapang makipagvideo chat kay Rio. Naiirita siya kay Jeongin na wala pa raw nararating sa buhay, totoy, at mahinang klase.
~
"Sunwoo, ilabas mo na sabi phone ko at may tatawagan ako."
Alas nuwebe na at kanina pa niya hindi nakakausap si Jeongin. Pinayagan nga siya pumunta ng kaniyang pinsan pero hindi dapat siya lumayo kay Sunwoo. Hinampas niya sa ulo ng glow stick si Sunwoo nang hindi man lang siya pinansin nito.
"Hindi pwede, tatawagan mo na naman si Jeongin. Pagkatapos maeetchepwera na naman ako? No. No."
Padabog siyang tumayo. "Ibibigay mo ba o aalis na ako?" Galit niyang sabi.
Maya-maya rin ay magsisimula na ang concert. There are foreign bands and she badly needs to see Jeongin. Wala siyang alam kung nasaan na sila Jeongin. Kung nasa Track Ave pa rin ba o nagkalat na rin sila rito.
The nightbar streets are already open. Lighted sign boards and of course, the hanging string lights along the town. Mga nagkalat na dayuhan at mga kabataang makikita mong may neon glow sticks sa kanilang kamay.
Kahit madilim ay alam niyang laban na laban ang suot ng mga ito, lalo na ng mga kababaihan. Samantalang siya ay mukhang matutulog sa suot na damit, paano ba naman kasi ay umaga pa lang pinagmadali na siyang sumugod rito nila Kim Dahyun at Ahn Yujin, kaya hanggang ngayong gabi ay pakiramdam niya nanlalagkit siya sa pawis.
"Tsk kapag talaga ang lalaking 'yon ang usapan ambilis mo bumigay. Nakakaselos ka na ha!"
Halos sumigaw na si Sunwoo sa kaniyang paglilitanya nang mapuno nang sigawan ang buong lugar.
