Chapter One Hundred Twenty Seven

5 0 0
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SEVEN

Lee Nari's

"Sino jan ang type mo? Yung nakaputi o yung nakauniform?"

"Parehas naman nakauniform at nakaputi, eh."

"Wala ka talagang sense of humor."

Ang course ni Minho ay may kinalaman sa animal service. Habang pareho naman kaming culinary student ni Hyojin. Mula nang lumipat ang lalaking iyon sa village ay kina-close niya na lahat ng kapitbahay.

Magaling makisama si Minho kaya naging madali para kay Hyojin makipagclose sa kaniya. Si Minho kasi yung tipong walang pinipiling maging kaibigan. Mapalalaki man o babae, mabaho o mabango, top students o hindi, pati janitor at guards, kaclose niya.

And that trait is confusing me! Hindi ko tuloy alam kung bakit nahihiwagaan ako sa pakikitungo niya sa akin. Dahil ba sadya siyang mabait o may gusto siya---

"Mare, baka naman lumawit ang ano nan ni Minho kakatitig mo?"

"Changbin, wala ka pa bang klase? Absenero ka na nga, hindi mo pa pinapasukan mga subject mo!"

"Absent kami nila Han dati nung ika-tres dahil birthday ni kuya Chris at nagkaroon ng maliit... maliit lang naman na walwalan. Another gimmick ulit last time, pero voila! Napeperpek ko pa rin ang quiz kay Sir Namjoon! Pwahahaha!"

"Ah talaga?" Bored na bored kong sabi.

"Actually, hinahanap ko talaga ang mga utol ko then ikaw ang nakita ko. Uy ikaw ha! Tirador ng taga-Seukdong."

"Baliw, hindi." Kinagatan niya ang shawarma ko at naupo pa sa aking tabi.

"Sabay ka sa amin mayang awasan, tara sa inyo? Palibre."

"Gosh wala ka na naman bang budget?"

"Antagal kasi magpadala ni mamita. Yawa! Puro ramen na nga lang nilalamon ko sa bahay dahil walang kwarta!"

"Eh kung nagtatrabaho ka kaya, ano?"

"Tsaka na paggraduate ko."

Hinayaan ko lang magsalita ng magsalita si Changbin habang lumipad na naman ang isip ko.

Mula dito ay pinapanuod ko sila Minho kasama si Hyojin. Personally, hindi bagay mag-aral kay Minho. To think na nakikita ko siyang nakikihalubilo sa kaniyang mga classmates? Nah. Pero hindi naman ibig sabihin nun ay walang kwentang estudyante na siya sa mata ko ha. Sadyang hindi lang siya nagraradiate ng student vibes. But he really is smart and nice... and hardworking.

Pauwi pa lang ako ay papasok na siya sa kaniyang part time job. Hindi ko alam kung anong tumulak sa kaniya para magtrabaho, dati kasi ay tambay yan sa bahay nila at nakikita ko lang na palakad-lakad ng walang pang-itaas.

... puntos dahil ang sipag niya, panibagong puntos dahil ang gwapo niya-- ng ugali, ng mukha, ng ugat sa kamay... ng lahat niya!

Natinag ako nang tumakbo palapit sa akin si Hyojin.

Argh. I was thinking about someone then bigla kang lalapit? Bastos ka ah!

"Nari! Hey!"

~

"Anjan na naman yung suitor mo oh! Yiee!"

"Ang gwapo niya naman pala, push mo na girl."

"Ano ba kayo, huwag nga kayong maingay! Nakakahiya naman!" Kumunot na naman ang noo ko dahil sa panibagong kahangalan ng lalaking ito.

Isa pa itong sila Aisha at Yiren, pinapangunahan pa ako!

Dire-diretso sila sa paglalakad, nang kumaliwa ako. Napatigil naman sa pagtakbo si Hyojin sakto sa aming tapat.

"I thought sasabay ka sa amin?"

"Hindi, sa mga kaibigan ko ako sasabay."

"Paano siya?" Nginuso ni Aisha si Hyojin. Nakuha naman nila ang gusto kong iparating.

"Ah oki."

"Basta sa amin ka sumabay bukas ha!"

"Oo na, bye."

Pinanuod ko makalayo ang dalawang babae. Para talaga silang kambal kapag magkasama. Hindi naman sa magkamukha sila ha, sadyang parehas lang talaga sila ng mga reaksyon at kinikilos.

Alam naman nilang hindi ko sila itinururing na tunay na kaibigan. Nagkakausap lang kami, hang-out paminsan-minsan, pero hindi totally friends na hindi mabubuhay ng walang daily conversation at uunahin sa lahat ng pagkakataon. Ayos lang sa kanila na hanggang doon lang ang turing ko sa kanilang dalawa.

"Ikaw lang mag-isa? Gusto mo sabay na tayo? Then, pwede rin tayong dumaan sa coffee bay, if you want."

"..."

"Iniiwasan mo ako?"

Meh! Why would I do that... that childish game?

"I forgot. I got loads of stuff to do."

"Naririnig mo ba ako? Tinatanong kita."

Asan na ba sila Changbin? Usapan namin aabangan nila ako sa labas ng building namin ah?

"Naririnig mo rin ba ako? Sabi ko may gagawin pa ako."

"Maybe I can help you? Ano? Tara sa inyo?"

"Hindi na. May mga kasabay na pati ako pauwi."

Putragis ka talaga, Changbin! Magpakita ka na nga kundi, mauuna na talaga ako!

"Ganon?"

"Sige na, mauna ka na. May hinihintay pa kasi ako eh."

"Sayang naman. Kasabay ko pa man din si Minho..."

"Ano?"

"Si Lee Minho na taga Seukdong. May usapan kami ngayon sa Bowling center. Biruin mo yun? Another challenge na naman para sa akin dahil bali-balitang magaling si Minho sa larong yun!"

"Ahh talaga?"

Duh.

Bakit ba ganito magsalita ang lalaking ito? Andaldal, makwento at mabait!

"Nari..."

"Oh? Aalis ka na?"

"Give me seconds. Ano... yang..."

"Ano?"

Natatanaw ko na sila Changbin, Felix, Jisung at Seungmin. Mga kupal. Naghintayan pa ata ang mga siraulo kaya't antatagal!

"If you're not coming with me, can I just uhm, atleast have your digits, please?"

"D-digits ko? Hindi ko kabisado."

"Madali na yan, akin na phone mo."

"Hindi ko dala. Naiwan ko."

"Pero nakita kong ginamit mo kanina."

Argh!

"K-kay Changbin yun."

"Kulay pink eh."

"Masama?"

"Hindi naman. Pero nakita ko ring gamit nung Changbin yung kaniya eh."

"..."

"Okay lang naman kung ayaw mong ibigay... makakapaghintay naman ako eh."

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon