Chapter Ten

15 1 0
                                        

CHAPTER TEN

04.03
12:23 PM

Hi.

Tinatamad ako magsulat ngayon pero ginaganahan naman ako magkwento kaya titiisin ko na lang muna ang sakit ng kamay ko.
10:30 na kami naka-uwi, kasabay ko nga pala si Yujin, mabait naman pala siya hindi gaya ng panghuhusga ko lol, katabi ko siya mula dati hanggang ngayon pero ni hindi ko man lang siya nakausap.

Andaming masakit sa'kin ngayon.
Ulo ko, mata ko, kamay ko, dahil ayaw ko makinig sa lecture ni Ma'am Sera, nagsulat na lang ako.
Tsaka puro sulat ang ginawa nila Beomgyu and friends kanina, nagrelay pa nga kami ng mga natutunan namin. Syempre hindi ko pinahalatang boplaks ako 'no.

Ansaya rin ng pa-group activity ni sir Jinhwan eh, hindi niya naman kami pinahirapan gaya  ng inaakala ko. Si Yedam ang nag leader sa grupo namin, si assistant leader Daehwi ang nag-isip ng group name namin, "Be like Baek" Cute 'no? Para tuloy kaming self-producing idols kanina. May mga bibo ngang nagplay ng instrument eh.

And, si Sunwoo naman, ganon pa rin. Lowkey protective against Jeongin. Sorry siya hindi niya ako mapipigilan kay Iyen dahil sa tingin ko... mas lumalala na ang kilig ko. Mga simpleng tingin pa lang ng lalaking 'yon...tsaka pagtatawagin niya ako sa pangalan ko, nakaka-argh talaga! 'Pag ako nainis, magse-save talaga ako ng HD picture at i-wo-wallpaper ko talaga si Jeongin eh!

Friday ngayon kaya malakas ang loob kong magpuyat. Actually manghahalungkat pa akong ramen at do'n sa window seat ako pupwesto para  masaya.

Tama na nga, nakirot na talaga kamay ko. Bye munaaa~ ٩(^ᴗ^)۶

Love,
Rio K.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon