CHAPTER TWENTY THREE
17th of April
"Wala si sir Jinhwan mga hangal." Anunsyo ni Daehwi sa buong klase. Hindi siya ang president namin at wala rin siyang posisyon pero makapal ang mukha niyang guluhin ang kaninang tahimik na 2-C.
"Bakit? Asan si sir highblood?" Tanong naman ni Yedam.
"Ewan. Tanungin mo ang walang kwenta nating president baka alam." Nagtawanan pa sila, sinaway naman sila ni Beomgyu pero hindi sila natinag.
Nakatayo na ang mga kaklase ko. Papunta ng canteen para diretso lunch na. First subject namin ay Science, sumunod naman ay morning break, Music na sana ang next kaso wala raw si sir Jinhwan kaya magiging two hours ang lunch ngayon.
Gusto kong tumayo at sumigaw na huwag silang mag-ingay dahil tulog si Jeongin at wawasakin ko ang mukha nila kapag nagising 'to. Ang gwapo pa man din niya matulog.
Tatayo na sana ako kaso naunahan ako ni Yujin, siya ang vice president ng 2-C. Ako, wala akong katungkulan. As if pating gusto ko ng responsibilidad.
"2-C, calm down okay? Hindi porket wala tayong teacher ngayon ay mag-iingay na kayo. Yedam, mamaya pa ang lunch. Juri, classroom 'to, hindi parlor. Renjun, bumalik ka sa upuan mo. Wala si sir Jinhwan dahil may meeting ang lahat ng music teacher ngayon sa M.I.A. Ano, may tanong pa kayo?" Nakikinig ang lahat sa kaniya habang nagsasalita siya sa unahan. Marami sa mga kaklase ko ang mas gustong maging president si Yujin kesa kay Beomgyu dahil raw mas magaling si Yujin magpasunod. Unlike ni Beomgyu na kulang na lang abangan nila Yedam sa gate.
Ano ba 'yan, gusto ko na sanang lumabas para kumain kaso ginawa kaming kindergarten nitong si Yujin.
Uub-ob na sana ako nang makita kong gising na si Jeongin.
A-ano bang sinasabi 'pag bagong gising ang crush mo?
"G-gising ka na?"
Ambobo naman masyado nung tanong ko. No wonder kaya hindi ako kinuhang kagrupo dati nila Junkyu at Yujin noong may debate kami.
Tumawa lang siya at umub-ob ulit.
Magmumura lang ako ha, pwede? Putangina kasi nung kamay niya. Nakalaylay kasi...ansarap lang hawak-hawakan. Ang haba ng daliri nyeta.
Iniwas ko na ang tingin ko bago pa ako ulit kabahan.
~
"Rio, alam kong hindi ka libre mamaya pero pwede bang sumama ka sa'kin?" Tanong ni Sunwoo.
Kakatapos lang namin maglunch at nagpumilit siyang sumama sa'kin dito sa lib. Si Iyen talaga ang inaya ko pero narinig niya kaya kinalabasan, siya na ang kasama ko.
Ibinaba ko ang libro at itinuon ang tingin sa kaniya. Iba ang tono niya, medyo soft kumpara dati. O baka naman sinadya niyang ganon ang pananalita dahil nasa library kami at ayaw niyang magtanong sa akin ng alam niyang magbubunga ng ingay naming dalawa.
