Chapter Ninety One

6 0 0
                                    

CHAPTER NINETY ONE

Day 2

Hwang Hyunjin's

"Andito ka na naman? Langya! Nalulugi ang negosyo ko, magbayad-bayad nga kayo!" Napailing na lang si kuya Chris.

"Chill kuya...andito si kuya Woojin eh. Balita ko, magaling rin mag-advice si kuya Woojin." Itinaas ko ang dalawang braso na parang sumusuko.

Gaya ng inaasahan ko, nandito rin si Changbin. Bwisit 'yan eh, kung nasaan ako, nandun rin siya!

"Ano bang advice ang gusto mo? 'Yung pangmalakasan? O 'yung simple lang?" Sabi ni kuya Woojin.

Si Kim Woojin. Mas matanda siya ng anim na buwan kay kuya Chris. Vocal trainer sa isang malaking entertainment dito sa Seoul.

"Pfft! Yung noona related advice raw kuya Woojin!" Mabulunan ka sana ng hangin, Changbin.

Sinubo ko ang malaking gayat ng karne at walang emosyong nginuya ito. Ang gwapo ko ngumuya, naiimagine niyo ba?

"Nga pala Hyunjin, saan nga ba ulit major si Soo Ah?" Naupo si Kuya Chris sa tabi ni kuya Woojin at dumekwatro.

"Sa agriculture eme ang department niya dati, right?" Sabat na naman ni Changbin. Kelan ka pa naging Hyunjin, ha, Changbin?!

"Akala ko pa man din pa-Paris na siya." Kamot-ulong sabi ni kuya Woojin.

"Oo nga, isang parisian sa ganda si Soo Ah noona, ba't nga ba pinush niya ang pangangalaga sa farmhouse?"

Manahimik ka Seo Changbin, pwede?!

Magsasalita na sana ako nang bumukas ang pinto. Iniluwa nun si Lee Minho na nakaplain black shirt at track pants lang. Naupo siya sa tabi ni Kuya Woojin at agad nagfist bump.

"Oh, Minho!" Bati ni kuya Chris.

"Minho! Tropa!" Nag-apir sila ni Changbin.

Naetchepwera ako ah?!

"Wait, labas ko lang 'yung snacks." Tumayo si Kuya Chris.

Mga nakasalampak sila ngayon sa couch. Pakurot kurot sa braised chicken. Kanina pa dighay ng dighay itong si Changbin dahil sa cola. Para kaming may importanteng meeting kung mag-umpukan.

"Teka teka...ayaw mong umalis si Soo Ah dahil natatakot kang makahanap siya ng bago?" Paglilinaw ni kuya Woojin, tumango naman agad ako. Para saan pa't itatago ko ang totoong nararamdaman ko diba?

"Wala ka bang tiwala sa syota mo?" Hirit naman ni kuya Chris.

"Meron! Sa oras ako walang tiwala. Wala nang mas gugwapo pa sakin pero who knows baka may mas mamahalin naman si noona sa akin..."

"Smooth! Hwang Hyunjin mapagmahal!" Panira sa moment to si baba!

"Wala ka namang magagawa kung kakailanganin umalis nung tao. Ganun talaga. Alangan namang magmakaawa kang huwag ka niya iwanan." Pinuno ni kuya Woojin ang baso niya ng cola.

"Parte ng buhay 'yan, Hyunjin. Dapat nung una palang, nakita mo nang magiging ganiyan ang  sitwasyon niyo. Hinanda mo na dapat ang sarili mo." Si Kuya Chris.

"Alam ko kuya..." Alam ko, pero hindi ko agad matanggap.

"Pero paano kung maging totoo nga ang iniisip ni Hyunjin? Na magkakahiwalay sila ni noona?" Kunot-noong tanong ni Seo Changbin.

Aish!

"Hindi naman siguro ganun kabilis yun. Kung kayo talaga hanggang dulo, edi pinagpala ka. Nasa sa inyo 'yan, magtiwala ka sa noona mo. Magtiwala ka sa relasyon niyo." Sabi naman ni Minho.

"Oo, huwag masyadong advance." Pailing iling na si kuya Woojin.

Teka...hindi ko madigest yung sinasabi nila.

"Dadating ka rin sa point na kailangan mong unahin ang sarili mo kesa sa taong mahal mo." Tiningnan ko ulit si Minho.

"Hyunjin, tuloy pa rin ang buhay. Don't stress yourself." Si kuya Chris naman ang tiningnan ko.

"Suportahan lang, ganun ang magsyoyota!"

Pabalik balik lang ako ng tingin sa kanilang tatlo.

Hindi ko maulinigan ang nagpapayong boses ng mga kaibigan ko. I can't understand the words, but i clearly understand the comfort. Magpapasalamat na lang talaga ako ng di oras dahil sila ang mga kaibigan ko.

Katahimikan...

"Woah minsan hindi talaga ako makapaniwala kumbakit bar house pa ang naisip mong business kuya Chris, dapat Bangchan Care na lang ang itinayo mo!" Nakng, Seo Changbin. Panira ng moment!

Magaling pagdating sa drinks sa kuya Chris pero tama si Changbin, kakaiba ang hagod ng mga advice ni Kuya Chris.

"Haha what? Pinapatawa ko lang kayo." Gago ka talaga, Changbin.

Natapos na naming pag-usapan ang tungkol sa akin pero tuloy ang kwentuhan.

"Tanong ko lang Hyunjin, may nangyari na ba sa inyo ng girlfriend mo?"

Sinabi na nga ba't maliligaw ang topic dito eh! Nako naman!

"Ba't mo tinatanong?"

"Masama ba? Pasalamat ka nga't kinakamusta ko pa ang sex life mo."

Chris hyung naman.

"Meron na. Pero isang beses pa lang 'no!"

"Ano? Isang beses pa lang?" Takang taka si Minho.

Sabagay nagtataka rin ako. Sa gwapo kong 'to hindi ka talaga maniniwalang isang beses pa lang ako nakagoal.

"Matagal na?" Pati ikaw kuya Woojin interesado?

Sabagay interesado rin ako sa talambuhay ko.

"Nasa Busan kami nun eh, sa resthouse nila. Nung nag hot spring kami..." Nginisihan ko sila, nanlaki naman ang mata ni Changbin.

"Tangina?! Totoo? Ang tibay mo!"

"Gulat na gulat ka ah? Hwang Hyunjin 'to! Ano pang aasahan mo?" Pangisi-ngising kong sabi.

"Gago clueless lang ako dahil hindi ko inakalang magagawa niyo yun kasama kami, kingina niyo!" Naiiling na sagot ni Changbin.

"Ayaw mo maniwala? Gusto mo bang isalaysay ko pa?"

"Pre kilabutan ka!"

Nasa resthouse nila Soo Ah kami nun, wala halos tulog sila Changbin. Kung hindi pa nalugmok si Seungmin hindi rin magsisitulog ang mga panira. At nung lupaypay na sila, ayon!

Alone together at last!

Napangiti na lang ako nang maalala ko ang tungkol dun.

Hindi lang basta maganda at sexy si noona, mahal ko siya, mahal na mahal. Pero tama nga ang mga kaibigan ko na mas maganda kung susuportahan ko ang girlfriend ko. It'll be much more precious kapag alam at makikita kong successful na siya. And if we're talking about her, i'll stop being childish because i'd rather see her with the best; kung saan mas gaganda siya sa paningin ko at mas mamahalin ko siya.

'Yun na ang pinakamadali kong magagawa sa kabila ng lahat ng pagmamahal niya sa akin.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon