Chapter Ninety Five

7 0 0
                                    

CHAPTER NINETY FIVE

24th of August

Lee Nari's

"Hey, it's late, bakit hindi ka pa umuuwi?"

I am concern sa mga estudyante ng Lee's. It's passed seven pm and she's still here. Nakaupo siya sa couch at nasa lap ang bag. Galing pa siyang eskwelahan at wala pang pahinga mula kanina.

"I'm not going home... i don't wanna go home." Malungkot niyang sabi. Nakayuko siya at nilalaro ang daliri.

She's obviously worn out. Dahil siguro sa paninita palagi sa kaniya ni Teacher Hwasa. Siya lamang ang nag-iisang estudyante rito na kakilala at binibigyan ko ng aking oras.

"Why? They are probably looking for you right now. Mag-aalala ang magulang mo."

"I don't care."

Binuksan ko saglit ang ref, patingin tingin sa kaniyang gawi. Lugmok na lugmok ang itsurahin ng batang 'to. Ilang taon ang tanda ko sa kaniya pero mukha na siyang pamilyadong tao sa dami ng isipin. Ano bang balak niya? Ahm, ano bang gagawin ko sa kaniya? Ako ang mayayari kapag nagreport ang magulang niya eh!

Hinagis ko sa kaniya ang isang strawberry milk-- choco milk naman ang akin.

"Miss Lee, can i ask about something?" Parang tupa niyang tanong.

"Call me ate or Nari or ate Nari na lang."

"Sure, so, ate, can i ask random questions? Basta, sagutin mo lang. Either the truth or made up answers, it's fine."

"Oh...kay?"

Pagbigyan na ang bata.

Hinihintay ko siyang magsalita habang tinutusok ng straw ang choco drink.

Nakataas ang dalawang paa ko sa couch. At siya nama'y mukhang hindi kumportable base sa kaniyang pagkakaupo.

"Ano ang nakikita mo sa labas mula sa bintana ng kwarto mo?"

Napakunot noo naman ako. Hindi ko alam pero naeexcite ako sa hindi kaasa-asa niyang tanong. Is it because i have an interesting window scene, or there is someone trespassing at the back of my mind?

Uh, Lee Minho. Kalapit bahay lang kita just please! That doesn't mean you can also barge in my head.

"At daylight, well... walang bago, buildings, the village tower, power cables. And at night, nothing but the light pollution."

"What are you afraid of, ate?"

"Huh?"

"I said what are you afraid of?"

"Uhm...kapag paubos na ang tangke?"

"Do you like your name? Or do you wanna change it?"

"Nari's fine. Lee's fine. I like it."

"Would you prefer to live in a city or... or countryside?"

"Depende sa kasama."

She looks at me, eyes not breaking up the contact.

"This will be the last, ate. Paano mo ipapakita ang pagmamahal mo sa isang tao?"

"..."

What?

I've never had a boyfriend. I had my first crush at fourth grade and had my last at my 10th grade. Si Goo Junhoe ang una, at si Jeong Sewoon ang huli.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon