CHAPTER EIGHTY TWO
15th of August
Dialing Iyen-ie
00:00"Hey!"
"Yang Jeongin!"
"Haha bakit?"
"I think..."
"I think?"
"Buntis ako..."
"Wha-what?"
"Buntis ako!"
"Rio kumalma ka muna..."
"Jeongin ba't ba gan----sandali nga may istorbo eh!"
*toot toot*
Call Ended
Ang ligalig nung nagdo-doorbell. Wrong timing. Pwede naman silang mambwisit nung nandito ang kapatid ko, ako pa talaga ang naabutan!
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at binuksan ang pinto.
"Good morning."
Mula sa aking tenga ay nagkusang nalaglag ang aking kamay hawak ang phone.
Kano? Anong klaseng tao ba 'to?
May freckles siya at ang lalim ng boses. Pero mukha namang mabait.
"G-good morning?" Yumuko ako at ilang na ilang ang naibigay na ngiti.
"Bago kayo dito, 'di ba?"
"Uh? Oo..." Halos magtago na ako sa likod ng pinto.
Don't get me wrong, hindi siya mukhang negative. Sadyang ayaw ko lang ng na-eexpose ako sa mga tao, lalo na sa mga kapitbahay namin.
"I'm Felix, uhm, heto nga pala. Nautusan kasi ako ng kaibigan kong bigyan kayo ng niluto niyang tteokbeokki." Inabot niya ang lunchbox.
"Ah s-salamat." Yumuko ulit ako at walang hiya-hiyang tinanggap 'yon.
Nagthumbs up pa siya at ngumiti, "Nga pala, welcome sa Seukdong Village...so see you around?"
Nginitian ko lang siya.
Kumaripas siya ng takbo paalis. Naiwan naman akong nakatitig sa binigay niya. Tteokbeokki? Ambango nga ng amoy ah...
Mabilis kong sinara ang pintuan at nahiga na ulit.
...
Incoming Call from Iyen-ie...
Accept | Decline
00:00"Rio?!"
"Hello? Iyen?"
"Linawin mo, baby...b-buntis ka?"