Chapter One

47 2 3
                                    

CHAPTER ONE

17th of March 2020, Spring Time.

She gets down on her knees, browsing the pile of books in the shelf. Until her eyes took notice of the textbook she has been looking for.
Kinuha niya ang libro at sinuri ang table of contents nito. Bawat branch ng mathematics ay marami siyang pagpipiliang libro, siya mismo nalilito na sa laman.

Ipinasok na niya ang libro sa backpack at lumabas na ng kwarto. Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan, namamag-asang tulog pa ang pinsan niya. Mapapalagay na sana ang loob niya nang may marinig siyang nag-uuntugang utensils sa kusina.

Naabutan niya ang pinsan na nag-aagahan. Nakaramdam naman siya ng kalam ng sikmura.

Hindi pa nga pala ako kumakain.

"You're late..." Ang kaniyang pinsan, Daniel or Euigeon or whatever. Tiningnan niya saglit si Rio kaya mas lalo itong kinabahan.

"S-sorry, hindi ko kasi narinig ang alarm." Hindi nakaset ang alarm niya.

He scoffed, "Umalis ka na kaya 'no? Late ka na nga nagising pabagal-bagal ka pa."

Sungit talaga.

Before wearing her black shoes, her cousin dictated, "Nga pala... sinabihan ko si Sunwoo na isumbong ka sa akin kapag hindi ka aattend sa extended hours mo. Last time tinakasan mo sila, at ayaw ko nang mauulit pa iyon."

Strikto talaga siya lalo na kung pag-aaral ang pag-uusapan. Palibhasa kasi'y nasa kaniya ang responsibilidad sa pag-aalaga ng pinsan.

Tumango siya bilang tugon. Nagpaalam na siya at lumabas ng bahay. Buong spring vacation wala siyang ibang inatupag kundi basahin ang mga librong pinapasalubong ng pinsan sa kaniya. It's fine as long as if it has a story or a comic, but unfortunately, those were for the sake of her marks.

Hindi siya nag-aalalang mahuli sa klase dahil ginusto rin naman niya iyon. She's in the second semester of her grade eleven, kaya naman masaya siya dahil malapit nang matapos ang klase. She wants to atleast experience of being late. Ito ang unang beses na na-late siya. Kung sa ibang estudyante normal lang ito, para sa kaniya karangalan na ito.
Pangarap niyang matapos ang klase nang may kakaibang nangyari sa kanya, at sa palagay niya, ang pagiging huli na sa klase ang makakaya niya lang iparanas para sa sarili niya.

It'll take less than 15 minutes walk to Eastern Bay High kaya naman lalo niyang in-enjoy ang paglalakad. Isang tawid at isang liko na lang nasa school na siya.

She waited the stoplight to turn green bago tuluyang tumawid.

Meters left before she reach the entrance of the school when someone ran into her, causing to trip on her own feet.

"Ya!" Sigaw niya sa lalaki. The boy did not stop running and did not even look back. By the uniform he's on, she assumed that they're from the same school.

Tumayo siya mula sa pagkakasalampak, hinahabol ng tingin ang lalaking nangungulot at mukhang sira ang buhok na dumiretso lamang sa entrance.

Naabutan niya ang mga kapwa late na kaklase at ang mga lumabag sa rules and regulations. The students were raising both of their hands, weighing their bags.

"Kang Rio! Yang Jeongin!" The PE teacher pointed his stick at the two latecomer.

Si Jeongin ba 'yong nakabangga 'ko? Pagtataka nito. Pumila na rin s'ya sa sa hanay ng mga babae at itinaas ang kamay at bag.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon