Chapter Forty Six

12 0 0
                                    

CHAPTER FORTY SIX

05.30

For once, I was wrong.

Kanina maaga akong gumising para sa coastline preparation. Napilitan lang talaga ako at naiinis dahil imbis na magkulong sa kwarto ay may makakasalamuha akong mga schoolmate.

Kakatapos lang namin ikabit ang hanging string lights kaya nagpahinga muna kami nila Park Jisung. 'Yung neon photo booth naman ay ipagpapatuloy na lang namin sa Lunes. Pinapanuod ko sila Sanha at Kuya Taeil na mag-ayos ng teepees, hindi nawawala ang mga kaingayan at kadaldalan nila kaya mas lalo silang tumatagal sa kanilang ginagawa. Silang dalawa na lang ang hinihintay namin at break time muna. Marami kaming natapos, sa pagkakaalam ko nga ay oorder pa ng glow in the dark body paint sila Ate Dahyun at mga glow sticks para sa rock party night. Sigurado akong magiging masaya ang Music Festival ngayong taon sa aming syudad.

Inaamin ko na... masaya pala talaga kapag marami kang nakakahalubilong tao. Kanina hindi ko maiwasang panuorin sila habang nag-uusap-usap tungkol sa plano nila sa first and second day ng event. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa kanilang mata at ngiti. Akalain mong ang mga student council pala na kilala bilang walang pakialam sa fun at mga prim and proper ay humihiling na sana ay palaging may festival at pupuslit raw sila ng alak.

Naeexcite na rin tuloy ako.(゜▽゜;)

Love,
Rio K.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon