Chapter Eleven

14 1 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

5th of April, Sunday.

"Kanina pa nasa baba si Sunwoo, ambagal mo talaga kumilos kahit kelan!" Binatikal niya ako ng BB cream sabay nagmartsa palabas ng aking kwarto.

"Aish sandali sabi eh!" Galit-galitan kong sabi. Minadali ko na ang pag-aayos ng mukha at ng buhok ko. Let me get this straight, hindi ako naghahanda't nagpapaganda para kay Sunwoo ha, sadyang gusto ko lang subukan 'yong pinamili ng pinsan kong mga skin care products. Sayang naman kasi kung siya lang ang makikinabang.

Muli kong tinitigan ang itsurahin ko sa salamin, ang cute ko talaga ba't hindi 'yon makita ni Iyen?

Bumaba na ako at naabutan si Sunwoo na nakade-kwatro pa. Feel at home talaga kahit kelan.

"You look different. Hindi mo naman na kailangan magpaganda para sa'min ng nanay ko." Sinalubong ako ni Sunwoo at inakbayan pa ako pero agad kong inalis ang kamay niya sa balikat ko.

Sabi na nga ba 'yan ang iisipin niya.

"Sunwoo, ibalik mo ang pinsan ko ng ligtas at buo ha. 'Pag 'yan hindi mo nahatid bago mag alas dos, yari ka sa'kin." Paalala ni Daniel, sumagot naman si Sunwoo ng ikapapanatag ng pinsan ko.

"Hyung, alis na kami. Don't worry, nasa kabilang avenue lang naman kami eh." Tumawa pa si Sunwoo at ipinatong pa ang kamay sa ulo ko.

Dahil tamad maglakad si Sunwoo, nagtaxi na lang kami. Nauna siyang bumaba at pinagbuksan pa ako.

Malaki ang villa na tinutuluyan nila Sunwoo, mayroong limang palapag at mukhang yamanin lang ang makaka-afford.

"Taga-rito si Iyen, 'di ba?" Tanong ko nang sumakay na kaming elevator.

"Uhm, one building apart kami. Do'n pa siya sa kabila 'no." Paliwanag niya.

"Ba't hindi hinanap ng mommy mo si Jeongin?" Tanong ko, nagkibit-balikat naman siya. Parehas naman kaming kaibigan ni Sunwoo pero bakit ako lang 'di ba?

Nag-iisip na ako ng pwedeng sabihin sa nanay ni Sunwoo, hirap kaya kapag walang topic.

Nang makarating kami sa ikalawang palapag ay malayo pa lang tanaw ko na ang nanay niya na kumakaway pa. Naka-apron si tita at nakabun pa ang buhok.

Nang makalapit ay agad niya akong sinalubong ng yakap at pinanggigilan pa ako.

"Rio deaar~" Feeling ko tuloy nagcurl yung dila niya nang batiin niya ako.

"Mom, baka hindi na makahinga si Rio n'yan."

Hinawakan ako ng nanay niya sa kamay at hinigit ako papasok sa loob, sumalubong naman ang amoy ng...grilled beef?

"Nako, nako hija, dalagang-dalaga ka na! At mas lalo kang gumanda!" Pinisil niya ang pisngi ko at
niyakap na naman ako.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon