Chapter One Hundred Thirty Five

5 0 0
                                        

CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FIVE

23rd of October

"Asan po yung mga step brothers niya? Dito rin po ba sila umuuwi?"

"Nasa military ang kuya niya. Nagdo-dorm naman si Jeongyoon at bihirang-bihira lang rin umuwi dito."

"Ahh..."

Kanina pa kami nagkukuwentuhan ng mama niya.
Matapos ang festival---ang gabing sinagot ko siya ay pinakilala niya ulit ako sa mama niya. Hindi na bilang kaibigan, kundi bilang isang girl... girlfriend. Syempre masaya ako! Sobrang saya ko!

Nilabas ni Mrs. Yang ang photo album kanina. At nakita ko ang mga baby photos niya!

"Tas alam mo ba? Nung totoy pa si Innie, gumagamit pa ako dati ng mangkok para lang pumantay ang gupit niya!"

"Pwahaha edi mukha po siyang bunot?"

"Exactly!"

"For real?"

"Pero kalimutan na natin yon, matagal naman na yun eh. Tingnan mo na siya ngayon oh, binata na..." Habol tingin rin ako sa nginuso ni Mrs. Yang.

Si Jeongin iyon na kadadating lamang, nakasandal siya sa pintuan habang pinapanood kami na pag-usapan siya.

Nagwalk-out kasi kanina itong si Jeongin. Nahiya na ata sa pinagkukwento ng step mom niya. Sakin pa talaga siya nahiya ano? Eh tanggap ko naman kung ano man siya dati eh!

Sino bang nagsabing magdenim jacket ang lalaking ito?!

At bakit ba bagsak na bagsak ang maganda niyang buhok?!

"Ang pogi ng anak ko, hindi ba?"

Oo nga...

Omg.

"O-opo! Sobrang sobrang gwapo niya po!" Halos mabilaukan ako ng sarili kong laway dahil sa sobrang kilig.

"Mrs. Yang..."

"Yes?"

"Sa totoo lang, hindi ko na po talaga madescribe pa ang anak niyo!"

.
.
.

"Aish! Ba't ginamit mo yung bomba?!"

"H-ha? E mamamatay ako kung hindi ko pa pasasabugin yun!"

"May lima pang kalaban oh! Paano ka na ngayon nan?"

"Bumili ka na lang, magkano ba? Hehe..."

Rio, ang bombs na yon ay hindi lang parang isang ice cream in cone na madaling bilhin!

Eh kasi naman, binabaril ako nung kalaban! Loko, bombahin ko nga!

"Bahala ka na jan, Yen. I'm done! Bye."

Sinuko ko na ang phone niya at humilata.

"Dito kaaaa! Mamaya ka na magganyan!" Hinigit ko siya pahiga sa kama.

Inis siyang nahiga at bumuntong hininga.

Ano bang meron sa larong yun? Duh.

"Yang Jeongin! Yang Jeongin! Yang Jeongin!"

"Mumulat ka ba or..." Inangat ko ang comforter... putcha. Bakit ba kailangan pang magtommy hilfiger red boxer shorts ang taong to? Nagsasalpukan na tuloy ang butterflies and bees sa tiyan ko!

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon