CHAPTER TWENTY ONE
04.13
Hi.
Ewan ko ha pero namimiss ko na si Iyen. Nakikita ko naman siya sa room, katapat ko pa nga ng upuan eh, pero nakukulangan ako. Siguro...siguro nasanay lang ako sa presensya at atensyon niya noong mga nakaraang araw. Nag-usap naman kami kanina kaso hindi tulad noong mga lumipas na araw. Sabagay ganun rin naman talaga kami dati pa lang eh. Walang pansinan at ibuan.
Nakakapanlumo naman. Umaabang na lang tuloy ako sa facebook account niya at sa picture siya tinitingnan.Ayshet ano bang klaseng tao 'yan si Jeongin at nagagawa akong gantuhin. Napapraning na ata ako.
Love,
Rio K.