Chapter One Hundred Forty

4 0 0
                                        

CHAPTER ONE HUNDRED FORTY

Continuation

Lee Nari's

"Tata sa burol!"

"Diba may dagat malapit dito? Ligo tayo!"

"Gago, wala tayong dalang extrang damit!"

"Ikaw yon, ako meron!"

"Ang kukulit niyo! Bawal nga sabi sa malayo at mapapagod ang noona ko!"

"Ikaw, Hwang, samahan mo muna si Soo Ah dito, oke? Pitasin niyo lahat ng bunga hanggang makabalik kami." Pinakawalang kwentang suhestyon ni Han.

Nang makarating kami ay syempre, nakikain muna kami kila Ate. Nagkakwentuhan na rin kami ng magulang niya at masasabi kong... they're fine. Mukhang nakumbinsi sila ni Hwang.

Alas singko pa lamang at usapan naming mamayang alas otso ay pupunta kaming bayan para sa Halloween Special. Tago ang lugar na ito kaya imposibleng may maligaw na grupo ng mga nagtitrick or treat.

"No, ayos lang. Magpahatid na lang tayo sa wrangler jeep sa Eastern Coast. Sasama ako." Sabi ni Ate Soo Ah.

"Ayowwn!"

"Eastern coast ba kamo?" Ngayon na lang ulit nakuha ang atensyon ni Rio. Buong byahe kasi ay ang tahimik niya at nasukahan pa ng konti si kuya Woojin kaya nakatrack pants na lang ito ngayon.

"Yes. Alam mo ang lugar na yon, diba?"

"Ah oo. Kung gusto niyo, dadalhin ko kayo sa pinakamagandang spot nun."

"Ayaw niyo ba sa paanan ng burol? Maganda pa naman ang sunset don!" Si Changbin.

"Mag-isa ka sa burol, sa dagat kami!" Sagot ni kuya Woojin.

"Eh wala nga kasi akong dalang pamalit!"

"Boplaks ka kasi!"

"It'll be fine. May mga naiwan namang damit si Jinnie sa bahay, hiramin niyo na lang."

"Ano bang gusto niyong baon? Magpapahanda ako..."

~

"Look at them, uuwi na rin yang Seoul, at magbubuhay mag-asawa." Sinutsutan pa ni baba ang magjowang mabagal na naglalakad sa dalampasigan.

May pulang checkered na tela ang nakahiga sa pinong buhanginan. Nandito rin ang mga pagkain na pinahanda pa ni Ate Soo Ah kanina. Si Changbin ay palo ng palo sa kaniyang braso dahil kinakagat daw siya ng niknik. Si Han nama'y nagvivideo. Si kuya Woojin ay hubad na't nagtatampisaw na rin. Habang si Rio ay nakaupo sa tabi ko at tahimik na kumakain.

"Woyyy! Samahan niyo ko dito!" Sigaw ni kuya Woojin mula sa malayo. Sumenyas naman si Han, "Anlamig ng tubig!!!"

"Sayang wala sina Seungmin..." Baling ko kay Changbin.

"At si Minho kamo." Tinusok tusok pa niya ang tagiliran ko.

"Sinong Minho ate?" Biglang tanong ni Rio.

"Boyfriend niya yon!" Si Han.

"Jowa niya!" Si Changbin.

Ih ih! Nakakahiya naman! Hindi ko naman kaano-ano ang lalaking yon no!

Hindi ko na sila pinansin. Eh kasi naman! Namimiss ko si Minho. Naiinggit tuloy ako kay Ate Soo Ah at Hyunjin na answeet sweet na nag-uusap. Sayang ang ganda ng paligid kung wala naman si Minho.

Nalingat ako nang makitang kinukulkol na ni Rio si baba sa buhanginan.

"Ano yan?!"

"Hoy Changbin!" Agad nakalapit si kuya Woojin na basang basa ang katawan at winisikan pa kami ng tubig alat.

"Tara don!"

"Potek! A-ayaw ko!!!"

"Oy Hyunjin!! Ihagis natin ang ulupong na to! Tulungan niyo ako daliiii!"

"A-ayaw ko sabi, hyung! Uy takte! Walang kahawak! Pota!"

Si Kuya Woojin ang pinakamatanda sa aming lahat pero siya ang pinakaplayful. Hilig niya nang pestehin ang mga nakababatang kaibigan.

Naupo kaming tatlong babae sa buhanginan habang pinapanood ang mga kupal magpatagalan sa pagsisid. Nagdadayaan lang naman ang mga loko.

"Sasama ka ba samin pauwi?" Tanong ko kay Soo Ah.

Kung sasama sila ni Hwang samin pauwi, ang ibig sabihin lang non ay magsasama na nga talaga sila. Natutuwa ako para sa dalawang ito.

"I think so. Nagvolunteer na kasi si mama na ihanda ang suitcase ko."

"Are you ready, ate? Magiging ina ka na..."

"Si Hyunjin lang naman ang inaalala ko eh."

"He can handle this. Mag-iigi yan lalo pa't ikaw ang usapan."

Hindi kasi bagay kay Hyunjin ang may anak. Baka paglabas ng baby nila, pagtripan lang ni Hyunjin ang bata.

Sino kayang mauunang magkaubo't sipon sa mga yon? Ang tibay pa ni Hyunjin at nagawa pang magboxer shorts oh! Si Han nama'y nakablack shirt pa dahil malagkit daw sa balat ang tubig alat.

"TANGINA SA HUMIGIT NG KHAKI KO!"

"MASALABAY KA SANA!" Hirit naman ni Han kay Hwang.

"Gusto niyo na rin maligo? Mukhang hindi naman na maginaw..." Nauna na akong tumayo at nagpagpag ng pwetan.

"Kayo na lang, ate. Hindi ko pwedeng basain ang damit ko."

"Why naman? Pahihiramin na lang kita, kasya naman ata sayo to oh." Naghalughog na si Soo Ah sa dala niyang gym bag.

"H-ha? Hindi na..."

"Tara na sa bathroom, magbihis ka na."

"Pero wag niyong sisilipin yung suot kong bra ha?" Nakangusong sabi ni Rio.

"Ha? Hahaha syempre naman. Samin ka pa nahiya." Sagot ni Soo Ah.

She's just seventeen at naiintidihan ko naman kumbakit nahihiya siya sa amin. Nagdadalaga pa nga lang pala ang batang to. And for now, she needs us to cover her innocence... about her age and private life.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon