CHAPTER ONE HUNDRED EIGHTEEN
Yang Jeongin's
"Yen!"
Ibinaba niya ang hotdog on sticks at takang tumingin, "Tanda mo ba nung halloween party nung middle school? Si Yuna?"
"Oh? Anong meron sa kaniya?"
"Pfft wala naman! Naalala ko lang yung costume niyang parang tanga!"
Pinagpatuloy niya ang pagnguya na parang walang naganap na pangungutya sa dati naming schoolmate.
Kahit na medyo...medyo bully siya, hindi ko maiwasang magustuhan siya lalo. Kung titingnan mo siya sa kaniyang mukha, napakainosente at mahinhin tingnan. At habang mas tumatagal at nakikilala ko siya, mas dumarami ang rason para ingatan ko ang babaeng ito.
Madilim na pero malinaw sa paningin ko ang ganda niya sa kahit simpleng pagnguya at paglunok lang.
Pansin ko rin ang kanina pa niyang patingin-tingin sa ferris wheel. Pangiti-ngiti siya sa bawat lingon sa nagsisidaanang mga tao.
Sinakto kong nakatingin siya sa malayo at naaliw sa liwanag ng mga rides bago ko kuhanin ang camera sa bulsa.
She is my favourite subject.
Noon pa lang ay nawiwili na akong kuhanan siya. Karamihan ay sa school dahil dun ko lang siya nakakasama at nakikita ng malaya. Of course, she didn't know. And that's the twist.
I captured her beauty...the moment and my happiness.
"Iyen, try natin sa ferris, please?"
Namalayan ko na lang na nakahawak siya sa kamay ko. Wala sa sarili akong pumayag. Gusto ko ang ideyang makasama siya sa loob nun. Sino ba namang tatanggi, 'di ba?
"Iyennn..."
"Mmm?"
"Nilalamig ako!"
Hinihigit niya ang laylayan ng aking jacket.
Ang cute tangina.
Kung sina hyung siguro ang mangungulit sa akin ng ganito, nainis na ako!
Pero iba si Rio. Mas gugustuhin ko kung ganito siya sa akin.
"Huwag ka na kasing magsuot ng kita-kita ang balikat! Nagagaya ka na kay Soo Ah noona..." Binalot ko sa kaniya ang varsity jacket.
Ilang minuto pa bago namin marating ang tuktok. And every inch as our pod goes higher is home. Malapit siya sa akin, nakasandal sa dibdib ko habang abalang tinitingnan ang aking koleksyon.
Hindi ko nakitang magiging ganito ako pagdating sa babae. Kapag magkakasama kasi kami nila hyung, para akong bata kung ituring. Laging kinukulit at inaasar.
Ano kayang sasabihin nila hyung kung makita nila akong ganito sa babae? Paniguradong lalo lang akong aasarin ng mga yun.
"Woah ang ganda ko dito!"
Ang kuha ko kanina ang tinutukoy niya.
"I know."
Wala na akong ibang ginawa kundi ngumiti. Makita ko lang siyang kumportable sa tabi ko ay panibagong ngiti na naman. Makita ko lang na binibisita niya ang mga lumang kuha ko ay ngisi na naman. Pero sa ngayon ay hindi niya nakikita ang mga ngiti kong ito. Kung alam lang niya, mahihiya na naman siya sa akin.
Mas mabuti na ring pasikreto para malaya ko siyang nakikita.
Makakangiti ako habang iniisip siya.
"Aren't you going to kiss me? Kanina pa ako nagpaparamdam sa'yo!"
Hanggang sa maligaw dito ang usapan namin.
Nasa tuktok na kami at mas lumawak ang paningin namin sa syudad ng Busan.
I gave her a peck. Humiwalay ako at naabutan ko pa siyang kakamulat lang. Nakakunot ang noo at nakanguso na naman.
"Ahh yun langgg?"
"Eh ano bang gusto mo? Matagal?"
"Kagaya nung nasa fifty shades of grey! Kaya mo ba yon?"
"What's fifty shades? I only know marvel."
Fifty shades? Sa pagkakatanda ko ito yung pinanuod namin nila Hyunjin. Si kuya Chris ang source nila at pinilit lang kami ni Seungmin. Hindi namin halos napanuod dahil kada matured scene, nagkakatinginan sila kuya Changbin.
"Please..." Malambing niyang sabi sa aking kandungan.
Hindi na ako nakagalaw pa sa kakaibang pakikitungo niya. Ang inosente niya pa rin tingnan kaya hindi ko alam kung dapat bang pangunahan ako ng nararamdaman ko.
Maingat ko siyang hinawakan sa bewang habang pinagmamasdan ang kaniyang maamong mukha.
Naka-awang ang kaniyang bibig nang halikan ko siya. I started it good and clean until i can't get enough of her pouty lips. And i gave her series of strong kisses.
Ramdam ko ang panghihina ng kaniyang kamay sa aking panga.
"You like this?"
Please don't say yes.
Make me stop.
She nodded impatiently. I tasted her lips better this time. We kissed, deep and long. Hindi mapirmi ang kaniyang kamay at mukhang nalibot na ang buong katawan ko.
The nibbling was hard and heated as mine became selfish. Ambait niya sa pangangalaga ko habang inaangkin ang kaniyang labi.
Namumuo ang pulang likido sa kaniyang pang-ibabang labi...kasabay nun ang pagtulo ng kaniyang luha.
~
"It's nothing. I usually just cry."
"Sorry na huh?"
Tangina ka talaga, Yang Jeongin.
"Maybe your kiss was just too good kaya naiyak ako."
Tumigil siya sa paglalakad nang matanaw ang mataas na bakuran.
"Dito na lang."
"Goodnight." Hinalikan ko siya sa noo bilang pambawi.
Dire-diretso naman ang kaniyang takbo papasok sa malaking bahay.
After all of our kisses, nahihiya pa rin ba siya sa akin?
Nagsimula na akong maglakad pauwi nang mapansin kong magaan ang aking bulsa.
Shit. Naiwan ko pa ata yung camera sa kaniya!
Aish...hindi niya naman siguro titingnan yung lumang shots dun, 'di ba?
At kung makita man niya, malalaman niya kung gaano kaimportante sa akin yung mga oras na tinatapon niya lang noon.