CHAPTER ONE HUNDRED FORTY EIGHT
10th of November
"Don't be scared, mabilis lang yon... andito lang kami."
"Paggising mo, nasa tabi mo lang kami."
She is pale and became thinner just for days. Kapansin-pansin rin ang paghapis ng kaniyang pisngi. Sa loob lamang ng ilang araw ay malaki na ang kaniyang pinagbago, pisikal man o emosyonal.
"Kuya Daniel... pwede bang..."
Nang bihisan siya kanina ng nurse ng hospital gown ay mabilis lang rin iyong namantsahan dahil sa ginawa niyang pagpapadugo sa sensitibong parte ng kaniyang braso. Bagong palit lamang ang kaniyang puting damit pero gusot na rin agad ito dahil sa tindi ng kaniyang pangungunyapit.
"Pakidiligan naman nung h-hydrangea sa bahay. Matagal na rin yung walang alaga, paniguradong uhaw na uhaw na siya, kuya..."
"Please make it alive again for me."
Oras na lamang ang kanilang hinihintay para sa isasagawang medikasyon. She wants to leave her old life, clean and new again. Kahit hanggang doon na lang ang magawa niya.
"The papers under my bed... keep it. Ayokong may maiwang bakas."
"Pati na rin pala yung camera niya. At yung mga naiwan niyang damit sa akin. Pakitago naman lahat, kuya..."
"And please tell him that I love him."
"Yun lang ba?"
She smiled, a faint one. "It sounds like I am dying. And it feels like one..."
Forgetting someone and everything is worse than dying.
Waking up not knowing there is someone who ever made you happy and you just forget all about him is a sick fuck pain already!
Mamukat-mukat na lamang niya ang naririnig na nakakangilong pag-andar ng sinasakyang wheelchair patungo sa kahabaan ng puti at masikip na pasilyo.
Tila ba ay hindi natatapos ang kanilang dinaraanan.
But it's clear in her mind that they'll be bringing her to a dungeon... to a nightmare. Lahat ng destinasyon na maaaring makapagturo sa kaniyang nararamdaman!
She undergone several medical assessment and examination at mabuti na lamang ay walang naging problema sa kaniyang kalusugan. Walang hadlang sa medikasyon at tuloy na tuloy na iyon ngayon sa wakas.
Ang kasunod na lamang niyang alam ay nakahiga siya sa malambot na kama at napapalibutan ng iba't-ibang mukha.
Pinababayaan na lamang niya ang mga nakapaligid sa kaniya na kabitan siya ng mga kakaibang kagamitan sa ulo nito.
Lahat ng nakikita niya noon sa palabas ay nararanasan niya ngayon sa katotohanan.
Mabagal na pagtango lamang ang naisasagot niya sa pagpapaliwanag sa kaniya ng anaesthetist.
At the back of her mind, she wants to stop them. May nagtutulak sa kaniya para huwag nang ituloy ang mga binabalak nito.
She remembers him. Everything is coming back in her soul as everything is gonna be gone too.
Tumataginting sa kaniya ang naghalo-halong kaba at panghihinayang.
Gusto niya pa siyang makita...
Gusto niya pa siyang makilala...
Gusto niya pa siyang maalala...
She closed her eyes, inhaling the consequences, exhaling the last warmth she wanted to breathe for him for entire life.
Lying here through time will never take me back to you. Fighting alone will never keep us safe. I'm doing this for my own good. Alam kong mas matutuwa ka kung sarili ko naman ang iintindihin ko sa ngayon, diba? Ang hirap, Jeongin... Sobra!
Pero sa mga sunod na araw ng pag gising ko ay mabubura ka na rin. Babalik na tayo sa simula. Gaya noon na wala naman talaga akong pakialam sayo. It's depressing that I am taking away what I wanted the most. I am losing you, Iyen. Pasensya na.I'll be missing you...
Mamimiss ko lahat. At natatakot akong hindi ko na ulit yun lahat hahanap-hanapin pa.
You are Yang Jeongin...
Pabago-bago ang desisyon. Nang-aasar muna bago manghalik. Palatanggi. Hindi binigay sa akin ang favorite part ko sa manok noong first official date namin. Boring kasama. Parang may kaltok. Pangit. Pangit pati ugali! At walang kataste taste sa thrasher hoodies kaya kinuha ko na lang yun lahat.
I'm lying, mahal.
I love talking with you. I love going to everywhere as long as I'm with you. I love thinking about you. I love it when your beautiful eyes riddle on mine. I love your smiles when I'm around...
Gustong gusto ko kapag magkaharap tayo at kumakain ng noodles. Kapag nanunuod tayo at nag-uusap na parang magkaibigan lang rin. Kapag malaya kitang natititigan... Natutuwa ako dahil alam mo ang bagay sayong ayos at hindi. Kinikilig ako sa simpleng hmmm? mo. Hindi ko sinabi sayo, hindi mo alam kung gaano ako napapraning kapag pumupwesto ka sa kaliwa ko.Alam ko rin kung papalapit ka ba sa akin. Nasanay na rin kasi akong nasa tabi kita. Kaya hindi ako mapakali sa tuwing uwian na dahil gusto ko pang makasama ka.
And now here we are, here I am... I'll try to stay by your side. Where we had big love in a small town. Where I want to keep dreaming without worries. Where we were so simple and a lot happy. Gustong-gusto ko dito, Iyen...
Ipinwesto ng isang doktor ang oxygen mask sa bibig ng pasyente habang ang isa nama'y lumilikha ng mababaw na kirot sa daliri ng babae. Hanggang sa lamunin siya ng panghihina at unti-unting sumara ang talukap ng kaniyang mata...
They keep on monitoring how she responds while dozing off and feeling nothing.
She's finally asleep. Sandaling inalis ni Nurse Mina ang oxygen mask nito at ipinalit sa bunganga ang mouth guard ng pasyente.
Hindi siya makatigil sa pangungumbulsyon nang ilapat sa magkabilang sintido niya ang katakot-takot na device na iyon... ilang beses pang naulit ang kanina lang na kinatatakutan niya.
Ngunit heto at kahit tulog ay naharap na rin niya sa wakas.
Masasanay rin siya...
Masasanay rin siya sa hinaharap... wala na siyang mararamdamang kahit ano sa nakaraan. Hindi na niya muli maaalala kung gaano siya kasaya noon.