Chapter Seventy One

9 0 0
                                    

CHAPTER SEVENTY ONE

2nd of August

Hwang Hyunjin's

Ikailang araw na rin namin dito sa Busan, at kung titingnan ko si Changbin...amputa parang ayaw nang bumalik sa Seoul. Sa resthouse nila Soo Ah kami nakikituloy at ngayon na rin ang araw ng uwi namin.

"Hwang, wala ba akong naligaw na brief jan sa'yo? Nawawala 'yung brown eh!" Reklamo ni Changbin at patuloy lang sa paghukay ng kaniyang backpack.

Taena neto. Pagbintangan ba raw akong nangunguha ng panloob?!

"Magkasama mga gamit namin ni noona, ayan burara kasi!"

"Tangina sayang. Paborito ko pa man din 'yon!"

"Baka naiwan mo sa inn?"

Tinapos ko na ang pagligpit ng mga gamit namin ng girlfriend ko. Body wash, gillette, lotion, foot cream, towels, shirt ko, at...ngina, ang noona ko talaga! Bakit ba kasi ang hilig niya sa mga damit na kinulang sa tela?! Itapon ko kaya ang mga crop top na ito? Psh okay sa aking magsuot siya ng mga ganun, pero sana mata ko lang ang nakikinabang, 'di ba?

"Oy naligaw sa bag ko oh!" Hinagis sa akin ni Seungmin ang boxer shorts na may design na pororo. Akin 'to, angal kayo?

Ako ang nagpresinta sa noona ko na magligpit ng gamit namin, dahil nasa banyo pa siya. Nagpapafresh maiigi para sa akin ang noona ko, kinginang 'yan!

Binilisan ko nang organisahin ang maleta at chineck kung may naiwan pa ba kaming mga gamit.

~

"Asan sila Seung?"

Kakabalik ko lang sa food park galing milktea stall nang mawala sila Seungmin at Iyen. Wala rito ang girlfriend ni Jeongin dahil may pinagkakaabalahan raw sa bahay.

"Nakulangan sa kinain, gusto pa raw nilang burger." Nakadekwatro at kanina pa dutdot ng dutdot si Changbin sa phone. Angas rin neto! Akala mo'y idol kung matodo ang airport fashion niya kuno. Nakafedora at timberland shoes pa. Yamanin!

Ang noona ko nama'y cool na cool sa mini black dress at boots. Ang ganda niya talaga puta!

"Noona... " Umangat ang isang kilay niya nang ituon ko ang aking kamay sa harapan niya.

"Tangina netong dalwang 'to, hindi ba kayo makapaghintay umuwi tayong Seoul?!" Epal ka, Seo Changbin, palibhasa single ka!

Hindi ko na tuloy nagawa ang balak ko nang biglang sumulpot ang tatlong ugok.

"Natagalan ba kami?" Tanong ni Han.

Nakakalula ang dalang pagkain nitong si Seungmin. Parang gutom na gutom. "Wala bang burger at sausage sa Seoul kaya mo pinakyaw 'yan?"

Ngumuso lang si Seungmin. "Iuuwi ko 'to para kay ate. Tss pakademanding kasi"

Ang pinsan nitong si Nari ang tinutukoy niyang ate. Spoiled si Seungmin sa pinsan niyang 'yon. Palibhasa kasi'y si Nari ang tumatayo niyang magulang.

Kaniya-kaniya silang buhat sa kanilang mga bag. Pabibo naman ako kay Soo Ah, kaya hinablot ko ang kamay niya gamit ang isang kamay ko, habang ang isa'y hila-hila ang maleta.

~

"Thank you, kuya Bin, uhm, see you next time?"

"Sige ba! Isama mo na lagi ang girlfriend mo ha! Pasyal kayo minsan sa Seoul." Nakangiting sabi ni Kuya Changbin.

"Oo nga, Iyen, palanghapin mo ang syota mo ng hangin sa Seoul." Sabi naman ni Hyunjin. Inayos pa niya ang suot na snapback.

Kulang na lang sabihin nilang uhaw sila sa gala at kasiyahan. Ganiyan kasi ang gawain nila sa Seoul. Pinagsasabay nila ang pag-aaral at ang good time.

"Oy, ansarap ng seafood sa Busan." Iyan lang ang nasabi ni Seungmin.

"O kaya, babalik kami ng buong tropa, dito. Ano nga, noona?"

KTX Train ang sasakyan nila pauwi. At kahit gusto ko pang makasama ang mga kaibigan ko, kaso naman ay hindi sila pwedeng magtagal pa dito.

"Salamat, sa uulitin ha." Tinapik ni Han ang aking balikat at sumaludo.

"Haha oo, ingat kayo, mga hyung, at Soo Ah noona, thank you." Ginulo ni Hyunjin ang buhok ko at niyakap ako.

"Pinapasabi ni Rio, salamat kuya Han, kuya Changbin, kuya Seungmin, kuya Hyunjin at ate Soo Ah."

"Hahaha pasabi sa susunod huwag niya na akong kuyahin." Natatawang sabi ni Han. Kinukuya lang naman talaga sila ni Rio kapag magkakaharap sila eh.

"Ampormal niya masyado potek!"

Kumaway na si Seungmin at nililibot naman ni kuya Changbin ang tingin sa mga nagkalat na tao. Wari mo'y kinakabisado ang buong station.

Pinanuod ko sila maglakad palayo mula sa kinatatayuan ko. Hawak ni Seungmin ang backpack at ang paper bag na puno ata ng pasalubong niya raw sa pinsan niya. Panay hagod naman ni Kuya Changbin sa kaniyang buhok. Nakapamulsa ang isang kamay ni Han. Habang si Hyunjin nama'y pasimpleng nakahawak sa pwetan ng syota niya.

Paalis na rin ako nang mag-ingay ang phone ko sa aking bulsa.

Incoming Call from My Girl...
Accept | Decline
00:00

"Mahal!"

"Mm? Po?"

"Hehe miss na kita. Pauwi ka na ba?"

"Yes. Ba't?"

"Wala naman. Nasabi mo ba sa mga kaibigan mo?"

"Hm, oo."

"Good. Now, uwi ka na. Ingat ha!"

"Anong gusto ng honey ko?"

"Aa! 'Wag mo nga ko tawagin nan sa phone call, nakakahiya..."

"Haha anong gusto mo? Bilhan kita."

"Ikaw."

"H-ha?"

"Joke lang. Hindi naman ako nagugutom eh. Basta umuwi ka na, gusto na kita makita."

"Kamusta si Daniel-hyung?"

"He's...not fine. Nakipagbreak ang girlfriend niya."

"Uhm..."

"Nga pala, si Sunwoo nangangamusta!"

"Tatawagan ko nga pala 'yung lokong 'yon."

"And guess what? May girlfriend na siya!"

"Seryoso?! Anlakas."

"Nagulat nga rin ako eh. Ambilis niyang makahanap ng jowa nu?"

"Hahaha pabayaan na natin siya."

"Eung...so maya na lang ulit tayo mag-usap? Baba ko na 'to."

"Okay. See you later."

"Ingat pauwi, En!"

Call Ended

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon