CHAPTER FORTY THREE
22nd of May
Kakabalik lang niya sa room galing sa library nang harangan siya ni Yujin sa pintuan. Nakatingin siya sa sapatos at mahigpit ang pagkakahawak sa laylayan ng school skirt.
"Pwede ba tayo mag-usap?"
Ang kalmado niya. Mahirap tanggihan lalo na't ambait ng itsura nito.
"Tungkol saan?" Sumilip siya sa silid para hanapin si Jeongin.
"Tungkol sa akin." Ngumiti si Yujin at hinigit ang dalawang kamay niya. Hinila siya nito at dinala sa garden.
Hinihintay niyang magsalita si Yujin. Alam naman talaga niya kung sino ang pag-uusapan nila. Ayaw lang niya magsimulang magsalita dahil hindi naman talaga niya gusto kausap ang babaeng ito at isa pa, piling tao lang ang pinagkakatiwalaan niya sa mga pinagsasabi niya.
"Wala ka bang balak magsalita? Babalik na akong room..." Tatayo na sana siya nang pigilan siya nito.
"Teka, Rio-ssi. May gusto lang akong sabihin."
"Sabihin mo na nga."
Kung anong kinatamis ng pagsasalita ni Yujin, ganun naman ang kapakla ang tono niya. Well, her honey voice is exclusive only for Yang Jeongin.
"Si Jeongin...hindi niya ako gusto." Malungkot ang boses at ang mata niya.
She doesn't need to hear about that. This Yujin keeps on coming at the picture. Sobrang nag-iba ang pakikitungo sa kaniya nito na tipong parang matagal na silang magkaibigan. Ni minsan ay hindi man lang niya tinuring na kaibigan si Yujin.
Ahn Yujin's kind. An angel. Pero hindi maaabot ng kabaitan ni Yujin ang kaartehan ni Rio."Ba't mo sinasabi yan sa akin?"
"Dahil isa ka sa naniwalang magugustuhan niya rin ako."
Kung mabait lang rin sana si Rio ay papagaanin niya ang loob ng umiiyak na si Yujin. Kaso hindi eh, sa totoo nga lang nabwisit pa siya sa tugon nito.
Excuse me? Ako? Naniwalang magugustuhan siya ni Iyen? Tsk.
"Oh anong gagawin ko sa panrereject niya? Huwag ka sa akin huminging tulong."
"Pero i-ikaw lang ang kaibigan ko eh. Ayaw mo ba akong maging masaya?"
Sikat si Yujin sa kanilang school. Maganda siya. Matalino rin. Mabait pa. Sa sobrang kabaitan, makokonsensya ka na lang talaga na magsalita ng ika-ooffend niya.
"Syempre gusto ko ring masaya ka 'no..."
That was sincere. She's always honest when it comes to emotion.
"Then help me. Tulungan mo akong mapalapit kay Jeongin...d-dati pa lang talaga gusto ko na siya kaso natatakot ako umamin. Pero ngayon, dahil nandiyan ka na, alam kong tutulungan mo ako, 'di ba?" Masaya niyang hinawakan ang kamay ni Rio at inosenteng ngumiti.
Ngayong mas malapitan niyang nakikita ang mala-anghel na mukha ng babae, mas lalo siyang naiipit sa kondisyon nito. Para niya na ring pinatay ang sarili niya kapag pinagbigyan niya ang kagustuhan ng isang taong wala naman talagang disposisyon sa buhay niya.
"Yujin, natanong mo na ba kay Jeongin kung may girlfriend siya?"
"Maraming beses ko na yon tinanong at wala akong natanggap na sagot."
"Sa gwapo at bait ng lalaking yon, sa tingin mo ba wala siyang girlfriend? Malay mo meron na pala siyang babae sa puso niya, 'di ba?"
Ako yon.