CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTEEN
Yang Jeongin's
"Mmm i really love your shirts, ang kumportable." Rinig kong sabi niya.
Sandali akong tumingin sa gawi niya pero hindi niya nakita yun. Pasimple na lang akong ngumiti nang naabutan siyang inaamoy at nilalaro ang manggas ng aking shirt.
Nakasandal lang ako sa headboard habang naglalaro sa cell at hindi siya pinansin nang humiga sa aking tabi. Niyayakap niya ako kaya naman lalo akong nawala sa konsentrasyon.
"Psh! Kanina ka pa nakatingin jan, tama na nga yan!"
Kung nakikita lang sana niya ang mukha niya ngayon. Ba't ba ang suplada nito? Ang haba pa ng nguso sa tuwing galit, kaya imbis na magalit rin ako sa pagsusuplada niya, natutuwa na lang ako sa isipan ko.
Hindi na ako nakapalag pa nang agawin niya ang aking phone. Tinago niya pa yun sa loob ng kaniyang shirt.
Ang ligalig talaga.
"You're not listening to me and i don't like it!" Hinampas niya ako ng unan.
Pakshet patulan ko kaya to? Pakasungit.
"Tumabi ka sa akin, dito ka!"
Natawa na lang ako at humiga sa tabi niya.
She loves cuddles. Hindi naman sa hindi ako sanay pero ayaw kong magtake advantage sa kaniya.
"Love, Iyen, mahal mo ba ako? Hm?"
Her hair carries jasmines. Sa sobrang hilig niya sa bulaklak, nahawa na tuloy siya sa amoy. Nakahiga siya sa dibdib ko at para bang ayaw na akong pahingahin pa sa higpit ng pagkakayakap.
Maingat kong hinawakan ang kaniyang kamay at tiniklop ang mga palad. Mabilis lang rin ang paghalik ko sa kaniyang noo.
"Kaya kita hinalikan kasi mahal kita, kaya kita tinitingnan ng ganito kasi mahal kita. Nagdududa ka ba sa akin, hmm?"
Hindi nag-aalala ang mukha niya. Alam niya namang siya lang ang gusto ko mula pa noon pero manghang-mangha pa rin siya sa tuwing nakakarinig ng mga nakakakilig na salita.
"Hindi no! Alam ko namang sa akin ka lang. Tinanong lang kita para ayain ka..."
"Magpakasal na tayo, Jeongin. I want a family."
Sino ba namang hindi tatanggi sa ganiyang alok? We could make a perfect family. Kahit ilang anak pa yan, kayang kaya. I love her, and a life with her is an eternal happiness.
Pero inaamin ko, naduduwag ako.
Kaya ko siyang pakasalan, pero paano na lang kung hindi ko mabigay ang buhay na para sa babaeng mahal ko?
I don't want to rush things. Bata pa kami.
She gets prettier each time she reminds how comfortable she is when with me. I wanna kiss her to tell that she deserves much more wonderful things before giving in her days and dreams for me.
We spend our night up the fifth floor. Mahigpit ang hawak ko sa kaniya habang nakasandal siya sa railings ng rooftop.
The waves from the inlet are crashing and pitch black. Hindi niya pinalampas ang ganda ng gabi kasama ako. I'm going to miss her. I'll miss her voice calling on me...i'll miss her mood.
Bukas na ang alis nila papuntang Seoul. I can't hate the changes. Boyfriend lang ako at wala akong karapatan diktahan ang desisyon ng kaniyang pribadong buhay.
"So, you own the rooftop?" Natatawang tanong nito.
"Tatlo lang ang nakatira sa fifth floor at hindi sila pumupunta rito. Ako lang."
"..."
"Dance with me." She said, sweetly.
"Huh?"
"Come on, I'll sing for us." Diretso ang tingin niya sa akin nang ipulupot ang braso sa batok ko.
"Lead the dance for me, ikaw ang lalaki."
Kanina ko lang narinig ang kumakantang boses niya, at sa phone call lang yun... I didn't know na mayroon pala siyang magandang boses.
Maganda para sa akin dahil mahal ko siya.
She started singing, as we sway bodies under the night sky.
"I've never gone with the wind, just let it flow
Let it take me where it wants
'Til you opened the door, there's so much more"
Para akong timang na pangiti-ngiti at pinapanuod ang bawat pagbuka ng bibig niya. Ewan ko ba pero nakakaaliw paringgan ang binibigkas niya.
Ang ganda niya kapag kumakanta.
Ang ganda niya habang kumakanta.
"I've never seen it before
I was trying to fly but
I couldn't find wings
But you came along and you changed everything~"
Hinigpitan ko ang hawak sa bewang niya. We aren't tearing the eye contact apart. And i'm glad she is comfortable to this moment.
"You lift my feet off the ground
You spin me around
You make me crazier crazier
Feels like I'm falling and I'm..."
Bumaba ang tingin niya at lumuwag ang pagkakahawak sa aking balikat.
"I'm lost in your eyes
You make me crazier crazier crazier..."
She continued. Nakikita ko ang ngiti sa kaniyang pagkanta.
"Slowly, Yen." Natawa na lang kami parehas ng wala na sa tono ang pagsabay namin sa kaniyang kinakanta.
"Baby you showed me what livin' is for
I don't wanna hide anymore~"
Naghintay ako ng ilang segundo nang saglit siyang tumigil.
I was caught off guard when she jumped into my arms.
She has this courage and is giving me hard kisses which I gladly returned the favor. Inalis ko ang sumasayad niyang buhok sa maganda niyang mukha bago tinuloy at tinapos ang paghalik sa kaniya sa loob ng aking yakap.
