CHAPTER FIFTY NINE
"You two, punishment ang pinunta natin dito, hindi 'yung magtatago kayo sa likod ng mga shelf na ito!" Pigil na pigil si Yujin itaas ang boses niya sa amin. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa mga libro at mukhang kahit anong oras ay hahatawin na ako nung hawak niya.
Nagkakamali ata siya ng iniisip. Of all places, hindi sa library ang pinangarap kong ganapan ng mga ganoong bagay.
"Tss. Listen, it's fine to kiss and make out pero pwede? Trabaho muna oh." Padabog niya kaming tinalikuran. Sanay na ako sa ganiyang dalehan ni Yujin dahil siya ang madalas na nagle-lead sa klase. Bossy talaga siya at kung minsan ay sobrang hinang klase.
We didn't kiss, naabutan lang niya akong sobrang lapit kay Jeongin. Gusto ko siyang sigawan para magpaliwanag pero ayaw ko namang mapalabas ng masungit na librarian na 'to.
"Bakit ba sobrang highblood sa atin ni Yujin? Parang pasan ang daigdig psh" Singhal ko habang tinutulak ang cart na may mga libro. Ako ang nagtutulak at nagsasalansan sa mga abot kong shelf, habang nanunuod lang siya at paminsan-minsa'y tumutulong.
"Ikaw kasi eh. Sa dinami raming lalaki sa school na 'to, ba't ikaw pa ang nagustuhan ni Yujin?" Angal ko nang nasa medyo dulong shelf na kami.
"Wag ka na magtaka. Ikaw nga--a-aray ko!" Hindi ko na siya pinatapos at sinuntok na agad siya sa dibdib.
"Sinasabi mo bang parehas kami ng babaeng 'yon?"
"Sshh, hinaan mong boses mo. Ayaw mo naman sigurong madagdagan pa 'tong parusa natin 'di ba?" Bumuntong hininga ako at iniwasan na munang umimik ng umimik.
Ilang minuto ang lumipas at natapos na lang kami. "It's five pm, sa tingin mo asan na si Yujin? Kanina pa nawawala 'yon...hindi kaya nauna na siyang umuwi?" Dumiretso muna kaming canteen ni Iyen, umuupak ng hotdog on stick at syempre, nagpapahinga na rin.
"Let's find her?" Pumayag na rin ako kesa naman umuwi kaming nakokonsensya dahil sa kaniya.
Tinapos na namin ang pagkain bago bumalik sa main building para tingnan baka sakaling nasa room pa siya pero wala kaming Yujin na nakita doon. Mabuti na lang at konektado ang study hall sa library kaya mabilis naming napuntahan ang dalawang lugar na posibleng puntahan pa ni Yujin, ngunit wala pa rin. At isang lugar na lang ang susubukan naming tingnan.
"Should we go inside?" Nag-aalangang tanong ko kay Iyen. Minsan ko nang nakasama ang student council at alam ko na ang ugali nila. Hindi naman siguro nila mamasamain kung papasok kami rito saglit.
Pipihitin ko na sana ang knob nang may madinig akong ingay mula sa loob ng silid. Tahimik naman pero mahirap pa ring maulinigan ang usapan sa loob.
"What's that?" Tsismoso psh.
Para kaming sirang dalawa na nakasandal sa pintuan ng silid. "You know what, umuwi na tayo. Imahinasyon lang ata natin 'yung ingay na 'yon." Hinawakan niya na ako at akmang hihigitin nang inunahan ko nang buksan ang pinto at tumambad ang lood ng silid.
"Why did you...argh! Tara--"
"Ssh!" Idinikit ko ang index finger sa kaniyang bibig bilang pagpapatahimik. Nanahimik kami hanggang sa marinig nang malinaw ang boses sa kwarto.
"Get off me! I told you many times na lubayan mo na ako! A-ayoko na, matagal ko nang kinalimutan ang tungkol sa atin." Boses mula sa loob. Kay Yujin ang boses na 'yon. Hindi ako maaaring magkamali.
"You are so beautiful when you lie, Ahn Yujin. Gusto mo pa rin ako, 'di ba?"
Literal na nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Hindi nakakapagtakang may ganitong sikreto si Yujin pero... she's talking to a she. I can't recognize her voice, but it really sounds familiar.
"Wonyoung, i am so sorry, si Jeongin ang m-mahal ko...dati pa lang, siya na talaga ang gusto ko."
"I think you're just afraid to be happy, Jin. Choose me again, please."
Nagtatago lang kami at nahaharangan ng malaking cabinet at halaman, at kung hindi lang ako hinila paupo ulit ni Jeongin ay mahuhuli na kami nung dalawa.
Una, that's Wonyoung na nakasama rin namin during music festival's prep and second, nabanggit na ang pangalan ni Iyen.
"Ssh, huwag na tayong makialam sa business nila." Bulong niya.
"But they are talking about you."
"Hayaan mo sila...at 'wag ka ngang ngumuso."
"T-teka, ayaw mo bang--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang takpan niya ang bibig ko.
"Let's go." Dahan-dahan siyang lumakad palabas at agad naman akong sumunod. That scene left us puzzled. Ayoko man manghimasok sa buhay ng iba, pero hindi ko mapigilan lalo na't narinig ko na ang pinag-usapan nila. Nakakacurious kaya.
"Baka hindi ka makatulog niyan kakaisip kay Yujin." Biro niya.
"They're...unbelievable."
"Let's not cross the line. Let them, okay? Buhay nila 'yon." Pinisil niya ang pisngi ko. Tumango naman agad ako.
Lumipas ang minutong paglalakad. Tahimik lang kami. Ayaw ko umimik dahil baka kapag umimik ako magdire-diretso na tungkol kila Wonyoung at Yujin. Hanggang ngayon ay hindi ko maalis sa utak ko 'yung kanina. He should've took me out the room nang maaga pa lang, hindi 'yung narinig na namin ang usapan at nabitin lamang.
"Rest when you're home, i'll call you hmm?"
"Yes po. Ikaw naman 'wag kang matulog nang basa ang shirt mo ha?"
"Alam ko na 'yan. Gabi gabi mong pinapaalala 'yan sa'kin eh." Nakangiting sabi niya.
He's right. Hindi ko na kailangang alamin pa ang tungkol sa kung ano mang namamagitan kila Yujin. May sarili naman kaming istorya at buhay.
