CHAPTER EIGHT
1st of April
"jogeumssik dagaga eun geun seuljjeok geonneneun mal urin eotteolkka
jal eo ullindamyeon bukkeureobjiman
naui soneul jabajullae neodo nacheoreom
dalkomhan sangsangeul halkka~"Kanina pa ako naririndi sa mga kaklase kong nagtumpukan pa talaga sa unahan at nagkakantahan. Si Yedam ang naggigitara, kanina pa sila sinasaway ni Class Pres. Beomgyu kaso tinatarayan lang siya ni Chuu kaya wala nang nagawa si Beomgyu.
Napalingon ako sa pinto nang pumasok si Jeongin. Parang ilang araw na namang hindi nasuklay ang buhok niya at mukhang napilitan lang pumasok.
"Walang donation?" Takang tanong niya nang mapansing walang kahit na anong pagkaing nakalagay sa desk niya. Kamot-ulo niyang nilapag ang bag.
"Nasasanay ka na ah." Imbis na umupo ay lumabas siya.
"Wait!"
"Ano? Kakain ka rin?" Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti. Sabi na nga ba magca-canteen siya eh.
Mabuti na lang at kakaunti ang estudyante sa canteen tuwing umaga. Umupo na ako habang na-order siya.
Kinakabahan tuloy ako. Pero susubukan kong hindi magpahalata ng kilig. Ilang beses na rin kami sabay kumain, achievement 'to!
Maaga akong pumasok ngayon dahil excited ako sa first subject naming music, strikto lang ang teacher namin pero mapagtyatyagaan na.
Inilapag ni Jeongin ang tray bago maupo sa katapat ko. "Nagda-diet ka ba?" Tanong niya nang nakakunot ang noo. Umiling naman ako.
Ba't ako magda-diet? Sabi ng pinsan ko, mas maganda sa babae ang chubby.
Hamburger at banana milk lang ang pina-order ko, nadagdagan ng kanin at ulam susme.
"Psh, ubusin mo 'yan. Huwag mong gutumin sarili mo."
Dahil sinabi mo, susundin ko. Huhuhu concern siya sa'kiiin.
"Oo na."
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng maramdaman kong nagvibrate phone ko.
Inilapag ko saglit ang tinidor at tiningnan ang phone.Kim Sunwoo
sinilip kita sa room niyo,wala ka rito so asan ka?
7:37 p.m.oy,bawal ka sa floor namin, umalis ka jan.
7:37 p.m.canteen, kasama ko si iyen.
7:38 p.m.i thot nag-aaral ka para sa history?
7:39 p.m.maingay sa room
7:39 p.m.excuses. tss, mamaya ka na lang magyaja till 10 pm
7:41 p.m.daig mo pa pinsan ko sa paalala ah
7:41 p.m.
Hindi ko na siya hinintay magreply at itinago na ang phone ko."Si Sunwoo?" Pagkokonpirma ni Jeongin. Tumango naman ako at nagpatuloy na sa pagkain.
Nang matapos na kami kumain ay bumalik na rin kami sa aming building.