CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY THREE
Lee Nari's
"Hindi ako lalaro, pero depende sa kalaban. Baka mamaya sila Kangmin, eh baliin ang paa nun!"
"Sila Younghoon raw ang dayo. Malakas ang team, mahangin eh!"
"Amputa lalo namang ayaw ko dun, madaya yun! Dinaya raw nun sila Jeno!"
"Pitong puntos ang lamang dati, apakagago!"
"Ayaw niyo ba? Sila Woong na lang ang isasali namin."
"Teka teka, count me in. Kinakalaban ata ako ng Younghoon na 'yan ha! Akala niya may ibubuga siya, aken na ang kayabangan mo!" Tumayo na si Hyunjin. Siga talaga ng Seukdong 'to. Akala mo naman may tournament eh sa court lang naman ng village ang laban. Sabado ngayon kaya malaya silang makakapagbasketball.
"Seungmin, ano lalaro ka rin? Marunong ka?" Nakapameywang kong sabi. Ayaw ko siyang sumama dahil namamaya ang mga dayong 'yun, baka mapag-initan ulit sila.
Dati kasi ay nagkagulo rin, si Hyunjin ang nag-amok ng gulo. Todo awat nun sila Han at Haechan, si Changbin nama'y lalong pinapalaki ang away. Mabuti na lang at wala nun sila Felix at Seungmin, malamang kung kasama sila ay sila ang pupuntiryahin ng grupo ni Hwalchan.
"Magtowel boy ka na lang, Seung." Pang-aasar ni Hyunjin.
Inangat naman ni Seungmin kanang kamao, "Inaasar mo na ako ngayon?" Akala naman ni Seungmin nakakapatda ang pagiging maton niya eh ang cute cute niya kaya.
"Joke lang boss. Baka hindi kami pakainin ng lunch ni Nari eh!"
"Suplado." Bulong ni Hyunjin nang talikuran siya ng pinsan kong mainitin ang ulo.
Nagmadali na silang umalis, nagpumilit sumama si Seungmin kaya hinabilin ko kay Han. Dadaan raw muna sila kila Hyunjin dahil kukuha ng damit at magpapalit ng basketball shoes, iinggitin raw yung Juyeon. Maghahasik na naman ang mga kumag, nako! Kapag talaga napaaway na naman sila, ewan ko na!
Magluluto na muna ako para sa tanghalian. Inihanda ko na rin ang mga utensils at ang ingredient para sa gagawin kong isang Italian dish. Sinabihan kasi ako ni Felix na may bagong lipat sa Seukdong, dalawang bahay lang ang pagitan mula sa amin.
Hindi ko kilala kung sino pero ayon sa tsismis ng mga ugok kong kaibigan ay magandang lalaki raw.
"Sandale, potek!"
Bumukas ang pinto bago pa man ako mapintahan ng busangot sa aking mukha.
"For Mrs. Kim... andiyan ba siya?"
"Wala si mama dito. Ano ba yan?" May pagkamahangin ang pananalita ng lalaking ito. Mataas siya sa akin ng ilang sentimetro, maliit ang mga mata at mukha. Hindi siya gwapo... minus points pa dahil wala siyang pang-itaas at nakaboxer lang.
"Italian dish. Welcome nga pala sa Seukdong."
"Hmm, Italian? Interesting. Specialty ko naman ang Mexican."
Tinatanong?
"Ako nga pala si Kim Hyojin, and you are?"
Kakakilala ko pa lang sa hangal na ito, tama bang magpakilala rin ako? Mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan eh kaso wala talaga sa kultura ko ang ganitong patakaran.
Nakangiti siya habang hinihintay ang pagdampi ng aking kamay sa kaniya.
"Nari."
Sa hindi malamang dahilan ay nagmadali na ako paalis. Kinalimutan ko na rin ang namamawis niyang kamay. Baka mamaya, galing siya sa paggaganun tas hinawakan ko edi may germs na rin ang kamay ko? Yuck.
Bakit ba binibigyang malisya ko ang handshake na iyon? I mean, that's normal naman.
"Lee Nari!"
Binilisan ko ang lakad palabas ng campus. Monday ngayon at hindi ko inakalang dadaan ako sa ganitong pagsubok. Kaasar. Sa Park Jinyoung University rin pala pumapasok ang humal na lalaking ito. Marami na siyang kaclose kahit bago lang siya, hindi na rin kasi nakakapagtaka dahil masayahin at friendly si Hyojin.
"Uy! Sunget ka talaga! Sabay na tayo? Pasan ka? Uuwi ka na ba? Gusto mong dumaan sa God's Menu?"
Andaldal naman neto. Nakakatulig... at nakakabwisit.
Hinarap ko siya at humalukipkip. Malinis siya magdala ng uniporme. Malinis rin ang gupit. For my personal preferences, ayoko ng ganitong style sa lalaking estudyante. Nasanay na kasi ako sa istilo ni Minho na parang abnormal magdala ng bag, nakabukas ang unang tatlong butones ng polo at may red plain shirt sa loob. But I think, this doesn't concern the looks anymore, dumedepende ito sa mas matimbang sa akin. And I prefer anything and everything cause Minho does it the best for me.
"Ah hindi ako pwede, kasabay ko ang mga kaibigan ko."
Kanina pa umuwi sila Changbin at Hyunjin, dumiretso sila sa CB97, si Seungmin naman ay may meeting kasama ang student council, vice president kasi siya. Si Han naman ay hinihintay si Lix dahil malelate ito ng uwi, sa pagkakaalam ko ay susunod sila kila kuya Chris.
So there's no way na makakasabay ko sila and there is fucking no way na sasama rin ako sa iyo!
"Sino? Baka pwede ako makihang-out?"
Hang-out? Bawal, di pwede.
Ano naman kaya ang isasagot kong hindi makakaoffend sa mabait na lalaking ito?
"You know what? Let's go. Bago pa magbago ang isip ko."
"God's Menu?"
"Uh-huh, ayaw mo ba?"
"Gusto ko. Pero kung napipilitan ka lang, huwag na. Ako na lang mag-isa."
"Para kang sira no? Sasama na sabi ako."
Okay. Komportable naman pala siyang kausap. May pagkamahiyain pala ang lokong ito. Pero friendly out lang naman ito, di ba? Hindi ko siyang pwedeng ipakilala sa mga kaibigan ko dahil magsasalpukan lang sila ni Hwang Hyunjin. Hyojin seems nice and gentle at may pagkahangal minsan. At kung magpapatuloy ang pag-approach niya sa akin ay mas makikilala ko pa siya.
