CHAPTER SEVEN
3.26
Hi.
Kahapon no'ng umuwi ako, hinihintay ko na lang na bulyawan ako ng pinsan ko. Ang tahimik nang makapasok ako kaya hinanap ko si Daniel.
Nakangiti siya nang bumaba sa hagdan, ni hindi man lang niya ako tinanong kumbakit ang aga ko umuwi, ni hindi man lang ako inintriga ng loko.
Ang totoo nga inalok niya pa akong kumain ng in-order niyang pizza at coke.
Hanggang sa mag-open up siya ng topic at umaming dinala niya ang girlfriend niya sa bahay.
Kaya pala good mood siya kahapon eh...buti naman.
At ngayon, pumasok na si Sun-ie, binigay niya sa akin ang pasalubong ng mommy niya. Bruni na one-sie.
Ang cute no'n. Hehe.
Tapos...huhuhu may one-sie nga ako, hindi ko naman nakausap ngayong araw si Jeongin. Kinamusta niya ako at tinanong lang kung pinagalitan ba ako ng pinsan ko, tapos hindi na ulit nasundan ang pag-uusap namin.
Bye na muna. Babalitaan na lang ulit kita kapag nakausap ko na ulit 'yong fox na 'yon.
Love,
Rio K.
