CHAPTER FOURTEEN
8th of April
"Jeongin-oppa, may nagpapabigay sa'yo." Habol tingin ako sa iniabot ni Yeonhee na umuusok sa lamig na bottled pear juice at carbonated water drink.
Oras ng P.E namin ngayon at pinapanuod ko lang ang mga kaklase kong mga nakahiga sa yoga mat, ang iba naman ay nagju-jumping rope, sila Daehwi nagbabatuhan ng tennis ball, habang ako tahimik lang na nakaupo at minamanmanan ang mga babae kong kaklase.
Sino sa inyo ang naglakas loob na kalabanin ako? Talagang nagbigay pa ng mga inumin kay Iyen!
Tumabi sa'kin si Jeongin at inabot ang mga natanggap mula sa babae niya.
"Anong gagawin ko dito?" Tunog mataray tuloy ang pananalita ko.
"Tutulungan mo akong uminom."
"Joke lang. Sa'yo 'yan."
Hindi ko na pupunahin ang pagiging sarkastiko niya dahil umiinom na siya ng tubig at na-estatwa na ako sa kakatitig kung paano tumaas baba ang adam's apple niya.
Ayaw ko tumingin. Ayaw. Ayaw.
Binuksan ko na lang ang takip ng bote para mapigilan kong tingnan siya. "Ano ba 'yan walang melon..." Bulong ko, binawasan ko na lang 'yong pear flavoured. Sawa na nga ako rito dahil ito lagi ang binibili sa'kin ni Sunwoo eh.
Nagulat na lang ako nang makitang unzipped na ang p.e jacket niya.
Teka, hindi 'yon big deal, Rio. Ano naman kung bagay sa kaniya ang puting shirt?
Pawis na pawis pa siya at hagod ng hagod ng kamay sa buhok niyang halos dumikit na sa kaniyang noo.
Ito na siguro ang calling ko! Sigurado akong madadaig ko ang mga cold drinks ng unknown na 'yon!
Kinalkal ko ang bag ko at hinanap ang mini fan at ang towel na...teddy bear ang print. Pero go na, hindi na mahalaga kung pambata ang mahalaga mapunasan ang pawis ni Iyen.
"O gamitin mo 'to. Proud na proud ka pa sa pawis mo, pneumonia aabutin mo n'yan." Syempre dapat lowkey lang para hindi halata.
"Aww inaalala mo pala kapakanan ko." Ngumiti na naman ang loko.
Gagu, ikaw nga lagi inaalala ko.
Nakangiti ako sa kawalan, bahala na kung may makakita.
Hindi ko na lalabhan 'yong towel kong 'yon.
"Pakituyo naman ng buhok ko."
Ano daw?
Inabot niya sa'kin 'yong towel. "K-kaya mo na 'yan." Mukha na naman siguro akong tanga dahil sa itsura ko.
"Hindi ko kaya." Humarap siya sa'kin at yumuko. Wala na 'kong nagawa kundi idampi na lang 'yong towel sa buhok niyang basang-basa ng pawis.
Ito 'yong mga nakikita ko sa drama. Mukha kaming couple! Never mind na sa mga kaklase namin kung makita man nila kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/219577243-288-k931909.jpg)