Chapter Twenty

13 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY

12th of April

"Tsk, bakit ba kailangan mo pa akong isama? Kitang mag-aaral 'yong tao eh!"

"Ganiyan lagi ang palusot mo eh. Kapag nagpapasama ako lagi kang paaral. Dali na kasi pinsan, mabilis lang! Ayaw mo bang sumama sa date ng pinsan mo..." Kanina pa ako kinukulit ni Daniel na samahan siya papunta sa kitaan nila ng girlfriend niya.

"Ayaw ko sabi! Gagawin mo pa akong third wheel!"

"Hindi ka tatayo diyan? Sasabihin ko sa kuya mo na patamad tamad ka sige!"

Nanlumo naman ako sa sinabi niya. Ayaw ko sa lahat ginagamit ang kuya ko para lang maapasunod ako. Nasanay na kasi akong tiklop agad kapag kapatid ko na ang usapan. Kinupkop kami ni tito Hodong, at mula nang magsampung taon ako, si kuya at ang pinsan ko na ang umintindi sa akin. Sa edad nila dapat may asawa na sila pero pinagpalit nila yun para sa'kin. Sabi nga ng kuya ko, mas gusto niya na lang tumandang gwapong-gwapo at mayaman kesa mapabayaan ang princess niya.
Twelve years old ako nang kailanganin naming lumipat ng Busan dahil kailangan ng kapatid kong magpatuloy sa business sa Gangnam. Pinsan ko  na ang umaruga sa akin. Fifteen naman ako ng ma-enlist ang kuya ko.

"Sasama na nga eh. Basta pengeng pera." Ngumuso ako.

"Pambibili mo na naman ng hand cream? Nako! Rio, huwag puro kamay ang pagandahin, dapat pati mukha mo."

Nakakainsulto 'yon ah? Pangit na pangit ata sa'kin ang pinsan ko.

"Heh! Ginagamit ko kaya 'yong mga binili mong pamahid." Depensa ko at hinawakan pa ang aking mukha.

"Tch, daming satsat, maligo ka na nga."

Iniwan ko na ang bowl ng salad sa counter at pumanhik na ng kwarto. Binilisan ko na ang kilos para hindi na siya magreklamo pa.

"O-okay bang mukha ko at suot ko?" Pasakay na lang ako ng kotse nang magtanong siya.

"Pfft, girlfriend mo na't lahat conscious ka pa rin?Okay naman mukha mo, syempre pinsan kita eh." Ngumiti naman siya at tinulak na ako sa backseat kaya nagmukha siyang driver.

"Saan bang kitaan nyo?"

"Sa Mirang Mall."

"Ngek? Ba't sa mall?"

"Easy! Dahil gusto kong maramdamang ordinaryong couple kami."

Hindi na siya umimik pa at nagpatuloy na sa pagmamaneho, 30 minutes ang lumipas nang wala man lang pansinan dahil tutok ang mata niya sa kalsada at gamit ko naman ang aking phone hanggang sa makarating kami sa sinasabi niyang lugar.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon