Chapter One Hundred Thirteen

5 0 0
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED THIRTEEN

Soo Ah's

"What is it this time, MK? I already told you, tigilan mo na ako..."

Binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti. Manghang-mangha siya nang makita ang mukha ko kanina. Nakailang tanggi na rin ako sa pag-aaya niya kaso masyado siyang mapilit. He was asking nicely, ayoko namang maging bastos para sabihan siya ng kung ano-anong foul.

He brought me to an expensive restaurant. Sagot niya ang bills kapalit ng presensya ko.

"You didn't wear my gift. I was hoping na iyon ang susuotin mo para sa akin."

"You want me to wear expired clothes? Tinapon ko na, salamat na lang." Napatikhim na lang siya.

Nagulat na lang ako nang may nagdeliver sa akin nung nakaraang araw. Maganda at presentable pa ang pagkakabalot ng isang pulang kahon.

"Soo Ah, wala na ba talaga? Hindi ka na ba babalik sa akin?"

Inaasahan ko nang magsasalita siya tungkol dito. 

"MK, i have Hyunjin. Sana maintindihan mo."

"You have him, but mas mahal mo ako, hindi ba? Mahal mo pa rin ako, alam ko yun, hon."

Mabuting tao si MK. He's a gentleman, handsome and romantic. Nakikita ko pa rin lahat ng positive traits niya hanggang ngayon.

"I'm sorry."

Yumuko na lang ako, iniiwasan ang kaniyang tingin. Ayaw kong magsalita ng ikakaasa ng taong ito. Ayaw kong pangunahan ako ng awa o ano mang emosyon na ikatatampo ng Jinnie ko.

I loved MK. He was my first. My first kiss. My first boyfriend. First hug. First holding hands.

It was my youth season. Sa kaniya ko unang naranasan ang mga kilig na sinasabi nila sa mga manga at babasahin. I thought he was the only one who could make me melt.

At nakilala ko si Hyunjin. Kilala ko na ang mukha niya noon pa lang. And Jinnie's my first dance.
Siguro kung si MK ang unang makakasayaw ko, sa bewang niya ako hahawakan. But Hyunjin's way more different...and hot!
Sa pwetan ko siya nakahawak at hindi ko matandaang inalisan niya ako ng tingin habang sumasabay kami sa tugtog.

"Soo Ah? May problema ba?"

"A-ah?"

"I'm expecting something positive. I'd be very happy if you choose me, Soo Ah..."

Mahigpit ang hawak ko sa kubyertos. Mahirap biguin si MK. Sa sobrang bait niya sa akin, hangga't maaari, dapat ay makokontento siya sa lahat ng sasabihin ko. I broke up with him and he's cool with it. Mahal niya pa rin ako pero nirespeto niya ang desisyon ko.

"Do you...do you still love me? Hm? Maging honest ka naman sa akin."

"I never stop loving, MK."

"Then come back to me. May mas mapapala ka sa akin."

"But that doesn't mean na babalik ako sa iyo. I will never forget someone who ever made me so happy."

Ngumiti ako, naninigurado at nagpapakalma. "Mahal ko si Hyunjin. Hindi yun mababago sa pamamagitan ng magarang restaurant at mamahaling damit."

Kinuyom niya ang kamao. Maamo pa rin ang kaniyang mukha. Walang bahid ng inggit at inis.

"So please stop waltzing in. Marami ka pang makikilalang babae. Trust me, you would love someone more than you could imagine."

"You still have the best beauty for me." Saglit niyang binitawan ang kubyertos at tinapik ang pisngi ko.

"I... I have to go. Thank you so much, MK. So, goodbye?"

Dinampot ko ang purse at hinawi ang bungkos ng buhok na humaharang sa aking paningin. Tiningnan ko ang kaniyang gawi, malamlam ang kaniyang mata at mayroong maliit na ngiti.

~

"Ate, tulungan na po kita?" Hinawakan niya ang kabilang dulo ng basket.

"Hindi na, Pyo, balik ka na dun, sila manang na lang ang tulungan mo."

Anak siya ng isa sa trabahador dito. Seventeen years old at masayahing bata.

Tanghaling tapat na para mamitas ng mansanas. Hitik na kasi sa bunga ang mga puno kaya kailangan nang mapitas. Hindi naman masyadong mahapdi sa balat ang sikat ng araw.

"Sure ka ate?"

"Mm oo, kila kuya Gyeom ka na lang tumulong. Bumubuo sila ng scarecrow doon sa burol."

"Talaga ate? Sige po!"

May kabigatan ang basket na ito. Pero kaya ko pa naman buhatin.

Hindi ko naman na problema pa ang pagbubuhat nito dahil sinasakay ito sa isang cart. Malayo ang pagdadalhan nito, sa kubo pa malapit sa malaking bakal na bakuran. Dinadala ang mga bagong pitas na prutas para mahiwalay ang mga may sira at magagandang bunga.

"Good afternoon ate Soo Ah!"

"Hello po ate."

"Miss, kailangan mo pong tulong?"

"Hindi na. Salamat na lang."

Nginitian ko ang lahat ng nakasalubong ko hanggang marating ang kubo.

Nang maihanay na ang baskets ay hinatid na rin ako ng wrangler sa resthouse. Isang kilometro ang pagitan mula rito hanggang doon kaya no choice kundi sumakay.

Pagkarating na pagkarating ay sumalampak agad ako sa kama, nakikipagtitigan sa kisame.

Noong nasa Seoul pa ako, sanay akong magkasama kami ni Hyunjin. Everytime we had the chance, nasa unit ko siya. Just cuddling and soft talks. Pinupunan lang namin yung pangangailangan namin sa presensya ng isa't-isa.

But now... I miss him.

Hinagilap ko ang handphone sa kama at agad hinanap ang pangalan niya.

Hindi ba't parang ang tanda ko na para kiligin pa sa simpleng contact name niya?

"Jinnie..."

I called on his name.

Lalo pang nadagdagan ang pagwawala sa sikmura ko nang marinig ko ang boses niya.

I can't start the heavy day with him...but ending it with him on the other line is my rest.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon