CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY THREE
Third Person's
Tahimik na humahawi ang alon sa gitna ng karagatan. Nagbibigay daan sa malaki at puting barko. Masarap rin sa tenga ang nagagawang tunog nito na sinasalubong naman ng mga kaway ng mga nagkalat at naghihintay na mga tao.
Malapit nang dumaong. Hindi man lang natitinag ang babaeng nakatayo sa sinasandalan nitong kalawanging bakal.
Nakayuko at patuloy lamang siya sa pagkalikot ng pudpod nang lapis. Patingin tingin pa ito sa karagatan, sinasalubong ng tingin ang parating na barko na para bang doon niya makikita ang sagot.
Iniwan ng lalaki ang first class deck at umakyat sa upper deck ng barko. Walong araw naglayag ang barko at ito ang araw ng kanilang daong. Hindi niya sasayangin ito para hindi kitain ang kaniyang mag-ina.
May kalakihan ang cruise ship at tanging mga angat na tao lang ang may kakayahang sumakay dito. Nililibot nila ang mundo, gusto lang magkasiyahan sa gitna ng mahabang paglalayag. Madali lang naman ang trabaho niya. Kukuhanan niya lang ng litrato ang buong paglalayag. Ang mga tao, ang bawat lugar na tatapakan nila, at ang kasiyahan. Kasundo siya ng matatandang pasahero kaya mas gumagaan ang kaniyang trabaho.
"Miyoung..."
"Hm yes?" Agad sinagot sa kabilang linya.
"Hintayin mo ko, malapit na ako umuwi." Panlalambing nito sa katawagan.
"Gusto mo ipaghanda kita ng paborito mo, gaya ng dati?"
"Ikaw bahala. Si baby, kamusta?" Tumawa siya, inilapit ng konti ang phone sa tenga.
"Nasa tiyan ko pa si baby, Jeongin. Hindi ka talaga makapaghintay, bata ka."
Ayaw na ayaw pa man din niyang tinatawag siyang bata ng kaniyang noona. Pakiramdam niya kasi'y kahit mas bata siya ay di hamak na titiklupin ang babaeng yon sa kaniya. Tinanggap siya ng lalaki kahit may nauna nang anak sa ibang lalaki. Kaya tiwala siya na mahal na mahal siya nito.
"Miyoung... i missed you." Ngumiti siya. Iniisip ang reaksyon ng babae sa sinabi niya.
"Magkikita na ulit tayo sa wakas..."
~
"Have you seen my long sleeves, ha? Kuya?! Baka pinahiram mo na kay ate Sunmi ha! Nako!" Impit na sigaw ko kay kuya Daesung.
Sinabi ko nang ilang beses sa kaniya na kumuha na ng bahay para itira niya na si Ate Sunmi pero ayaw pa niya. Ayan tuloy, nawawala na yung ibang damit ko dito. Minsan lang naman makitulog si ate Sunmi dito, mga apat na beses sa isang linggo lang naman.
"Baka nasa laundry shop pa, bunso! Wag mo ko abalahin, busy ako."
"Hindi eh! Yung pink ang nasa laundry shop! Ang hinahanap ko ay yung lilac ba na checkered! Sure ka wala kay ate Sunmi yon?!" Patuloy lang ako sa paghawi ng mga hanger. Wala talaga dito! Hindi pwedeng hindi yon ang susuotin ko ngayon dahil today is tuesday! And tuesdays are the best days for lilac! Paano na lang ang luck nan sa studio ko?!
"Wala! Ang kulit mo!" Binaba niya ang tawag.
Isa isa kong pinagbubuksan ang lahat ng drawers ng closet.
Malelate ako nito sa kaartehan ko ih!
Teka...
Ano ito?
Maalikabukin at kahoy na kahon ang nakita ko sa pinakailalim at tagong drawer. Kamuntikan ko nang hindi makita ang naukaukit ditong initials na R. K. Maganda ang pagkakaukit malapit sa maliit na seradura nito.
11.10.20
Iyon ang nakasulat gamit ang itim na marka.
Hindi ko alam kung pagmamay-ari ko ba ito. Nasa kwarto ko kaya posibleng sa akin nga ito dati. Initials ko rin ang nakalagay.
Ano naman kaya ang nasa loob nito?
"See... see him..."
Nakasulat rin yon sa papel na nakasingit sa bungad ng kahon.
Papaanong...
Teka... ano ba ang mga ito?
Sino ba ang totoong may-ari nito?
Iba't-ibang uri ng papel ang nandon. Mayroong makapal at sobrang nipis.
Isa isa ko itong nilabas hanggang sa mapalibutan nito ang aking kama. Sa kailalim-ilaliman naman ay isang compact camera. Sinubukan ko pa itong buksan pero patay na.
Ang mga kagamitang ito... matagal na silang nakatago... pero yung nararamdaman ko... hindi yata naluma.
Hanggang sa sinadya kong buksan ang isang pahina ng diary...
06.13
We kissed.
Love,
Rio K.
H-huh?
Ako?
Ba't ko sinulat to?
At sino yon?
Kadiri naman.
Hindi ko na tuloy maawat ang temptasyon na buksan ulit ito. Akin naman ang mga ito pero hindi ako komportableng basta-bastang na lamang ito basahin.
09.17
Hi!
Saktong buhay ko ng radyo at iyan ang bumungad na kanta. Iyen, as your girlfriend, you should know these little things about me... i'm into love songs these days-- ahm, no, since the day you became important to me. And i usually cry just by listening to them... and this old english song is different...tragic and unhappy. Masarap pakinggan. I suddenly felt empty. Na hindi ko naman dapat nararamdaman!
It says it's sad to belong to someone else...which is depressingly the truth. Katotohanang hindi mababago. Iniisip ko pa lang na mabubuhay ako sa piling ng iba natatakot na ako...nalulungkot ako...nanghihinayang ako. Iyen, hindi mo naman ako iiwan, diba? Mahal mo ako diba? Sabihin mo sa akin walang magbabago kahit tumanda man tayo!
Hahaha that's funny.
Hinding hindi ako lalayo sa iyo, Iyen. Ikaw lang ang tatabihan ko sa pagtulog...kukwentuhan ng kahit na ano... ikaw lang ang aalagaan ko.
Being with you is my dreamworld, Iyen.
Iniisip ko pa lang na balang araw ay haharap na lang ako sa alaala ay namamatay na ako! Ayaw ko! Basta ayaw ko! Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang kesa ipagpatuloy ang panghabambuhay na haharapin ko sa putanginang mundong ito na hindi ikaw makakasama ko!
I feel sad for the song itself. Kahit pinagsasama-samang ritmo at tunog lamang ay malakas ang impact na nabibigay nito.
A note to myself. I'll be a better girlfriend. I'll take control of everything until i catch you for the rest of my lifetime.
Love,
Rio K.
Mabilis ko ulit itong sinara. Napakapit sa aking nagwawalang dibdib.
Ang lalaki sa alaala ko...
I-iyen?
Iyen...
Iyen... yon ang p-pangalan niya.
Naalala ko na!
Pero bakit ganon...
Kabaliktaran ng nabasa ko ang aking nararamdaman sa ngayon...
... dahil hanggang sa ala-ala na lang rin ang pagmamahal ko para sa lalaking yon.
