Chapter One Hundred Twelve

5 0 0
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED TWELVE

23rd of September

Lee Minho's

"Lino, bakit ka pa nag-abalang umuwi, nak? May problema ba sa school? May bayaran ka ba?" Tiningnan akong maigi ni mama, sinusuri ang mukha ko.

Alas dos pasado nang umuwi akong Gimpo. One day absent ako sa school. Isang araw lang naman yun kumpara sa araw araw na pag-iisip ko aking magulang at sa mga pusa ko.

"Hindi ka ba masayang umuwi ako, ma?"

"Torpe kang bata ka! Syempre masaya. Nagtataka lang ako, nak." Pinagsalin pa ako ni mama ng juice.

"Ay asan pala si tatay?"

"Maagang umalis at siya ang nakatokang magbukas ng shop ngayon."

Naupo rin si mama sa tapat ko at nagsimula nang kumain.

Tahimik kaming nagsalo sa hapag. Tinitingnan-tingnan ko rin sila Soon, Doong, at Doori na palakad lakad sa loob ng bahay.

"Ah! Nga pala ma..." Binitawan ko ang kubyertos at dumiretsong kwarto.

"Ano naman yan?" Nagtatakang tinanggap ni mama ang kulay brown na sobre.

"Sa inyo na po yan...panggastos rito sa bahay." Nagpatuloy ako sa pagsubo, habang ang nanay ko nama'y hindi maipinta ang mukha.

"Saan mo nakuha ang perang to? Nako, Minho! Malaman laman ko lang na---"

"Pfft! Grabe naman kayo. Sa part time job ko po kinita yan."

"Ala? Nagtatrabaho ka? Hindi namin alam ang tungkol jan, Lino!"

"Ma, relax. Part time lang yon. Wala lang yon no!"

"Eh kahit na ba! Sa iyo na lang to! Bumili kang bagong panloob mo at maggrocery ka." Pilit niyang sinuksok sa akin ang sobre pero panay tanggi rin ako.

"Meron pa ako, ma. At pakisabi kay tatay, ako na rin bahala sa tuition ko."

Hinampas ako ni mama sa dibdib ngunit agad ring ngumiti, "Aigoo!"

"Ako na ring bahala bumili kay Soon ng lactobacillus, ma."

~

Ilang saglit ko lang siyang nakausap kanina sa telepono. He answered and the call ended dry and empty.

Hindi ko maintindihan!

May problema ba kami?

Nag-aalala na ako...noong nakaraang araw ko pa siyang gusto uwian kaso hinihigpitan ako ni kuya kapag nalalaman niyang may pinaplano ako.

"May sayad ba ang ama mo? O baka may gawa lang talaga? O pagod? Ano ba..." Napabuntong hininga na lang ako.

Pati bulaklak kinakausap ko. Mula nang ibigay ito ni Iyen, bukod tangi itong naging malusog sa lahat ng inalagaan ko. Lanta na ang iba pa habang ang hydrangea na ito ay sagana sa alaga.

Nang matapos ay dumiretso na akong banyo para maligo. Sa tingin ko ay mahuhuli talaga ako ng ilang minuto sa unang subject namin ngayon. Binilisan ko na ang kilos. Natagalan lang sa harapan ng salamin.

"Oy oy! Maaga ang labas natin ngayon, may conference mga teachers~ so, are you in?!" Pangungulit ni Onda habang naglalakad kami sa hallway. Nakakahiyang kasama.

"Anong are you in ka jan?" Kunot-noong tanong ko.

"Magshopping tayo ng couple backpacks and stuffs!" Nagniningning ang mata niya at hinablot pa ang kamay ko.

"Tsk ayoko. Ayoko ng may kagaya."

"Aish sungit! Wala ka talagang sweet bones, ano?"

"Ba't si Jeongin ka ba?"

"Ano kamo?"

"Wala. Sasama ako kako."

"Hindi mo talaga ako matiis ayiee!"

Ngumiti siya ng pagkalawak-lawak sabay yakap sa braso ko.

Uhm...okay. Pudpod na sa akin ang linyang yan.

~

Iyen-ie

yen
sent 9:43 p.m.

hinintay kita kahapon gago ka! sabi mo aattend ka? yari ka kila changbin!
sent 9:44 p.m.

tawagan kita hal
sent 9:46 p.m.

oy sagutin mo
sent 9:48 p.m.

stop calling me.

okay, text na lang^O^
sent 9:50 p.m.

iyeeeen buti naman sumagot ka na!
sent 9:50 p.m.

rio

stop it.

wdym? ╭(╯ε╰)╮ 
sent 9:53 p.m.

He left me open.

That's...dissapointing. He would normally reply, cute or stupid or wag kang ngumuso or any other words which could flatter my soul in the middle of the conversation.

May problema ba kami?

May problema ba sa akin?

Kinuyom ko ang aking kamay, hindi naaalis ang atensyon sa nakakasilaw na liwanag ng phone. Hinihintay ko pa rin ang message niya. Hinihintay ko pa ring mabasa ang pangalan niya sa screen. Gusto kong makabasa ng ikakakilig ko ngayong gabi.

Please.


Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon