Chapter Fifty Two

11 0 0
                                    

CHAPTER FIFTY TWO

19th of June

Rio-ssi, please meet me at the pool after class.

-Ahn Yujin

Kanina pa niya tinititigan ang piraso ng papel na nakadikit sa kaniyang libro. Nag-uwian na ang mga kaklase nila at bilang na lang sa daliri ang mga naiwan. Wala na silang yaja session ngayon dahil patapos na rin ang klase at isa pa, malapit na ang examination nila.

"Pupuntahan mo ba siya? Nakaupo si Jeongin sa desk at nakasukbit na ang bag, hinihintay ang desisyon ng kasama.

"Uhm, i need to. May lilinawin lang ako sa kaniya."

"I'll give you time to talk, hihintayin na lang kita sa labas."

Lumabas na sila ng silid at dumiretso sa pool area. Alam niya ang kanilang pag-uusapan at kahit hindi niya gustong makausap si Yujin tungkol ron, wala naman na siyang magagawa kundi pumayag na lang para masabi na rin niya ang totoo. Pakiramdam kasi niya'y responsibilidad niya ang mararamdaman ni Yujin dahil kahit papaano'y pinagkatiwalaan siya ng babaeng 'yon.

"Wait here." Iniwan niya si Jeongin sa hagdanan malapit sa pool. Tinakbo niya ang pagkikitaan nila ni Yujin at malakas ang nagawang pagbukas sa pinto.

Napalingon sa kaniya ang babaeng nakaupo malapit sa pool at nakababad ang mga paa nito. Mukhang kanina pa siya naghihintay. Nginitian niya ang bagong dating at dahan-dahang tumayo.

"Rio."

"Yujin..."

Malungkot ang mata ni Yujin kahit nakangiti ito. Mas lalo tuloy siyang nakokonsensya. Eh kasi naman ang bait at ang ganda pa ng babaeng 'to. Pero kasalanan ba niyang gusto niya rin si Jeongin at gusto rin siya nito?

"Anong problema?" Tanong ni Rio kahit halata at alam naman niya ang kanilang pag-uusapan.

"Tch! Ask that to yourself. Anong problema mo?" Naningkit ang mata ni Rio sa tinugon ni Yujin. Nagbago ang pakikitungo at tono ng pagsasalita nito.

"Wait...let me think. Kung meron pala akong problema, alam mo, ikaw 'yon."

"Dahil gusto ako ni Jeongin?" She's not playing innocent. Gusto niya lang gayahin ang mga napapanuod niyang bida sa dramas.

"Hindi ka niya gusto, dikit ka lang kasi ng dikit. Ba't pa kasi nauso ang presensya mo?"

"Nasobrahan ka lang sa pag-aaral kaya napunta siya sa'kin. Pabagal bagal ka kasi." Ayaw niya ng mga ganitong kadramahan para sa sarili niyang love story.

"I thought you were my friend, iisahan mo lang pala ako."

"No, Yujin. Hindi ko lang sinasabi sa'yo na gusto ko siya dahil wala rin naman akong pakialam kahit malaman mo."

"And why are you here? Kung talagang wala kang pakialam, bakit sinipot mo pa ako?"

"He's my boyfriend. Nakakainis kapag magkasama kami, bigla kang nakikisingit. Gumagawa ka ng paraan para ikaw ang mapansin niya. Tumigil ka na."

Kita niya ang pagbabago ng itsura ni Yujin. Hindi bagay sa mala-anghel nitong mukha ang inis na nararamdaman at ipinapakita nito.

"Sino ka ba para diktahan ako?"

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon