Chapter One Hundred Eleven

5 0 0
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED ELEVEN

22nd of September

"Kuya...alis na po ako."

"Come back before ten, okay?"

"Naman ih! Nasa kalapit bahay lang naman ako, kuya. Pagbigyan mo na ako!"

"Susunduin kita. O kaya ihatid ka nila ng ligtas pauwi dito."

Nahihiya kong dinampot ang itim na kahon na mayroong dilaw na ribbon. Sinabihan ako ni Nari na ayos lang kahit walang regalo, ang mahalaga pumunta ako. Pero sa tingin ko, ang awkward kung bigla na lang akong tatapak sa pamamahay nila na wala man lang dala.

September 22. Wala akong maisip na magandang regalo kaya heto na lang. Humingi pa ako ng tulong sa pinsan ko, mapasakamay ko lang ang napili kong regalo.

Kim Seungmin's a virgo but i came up with a simple and lovely figurine instead. His birthflower and birthstone. Swarovski purple aster flower figurine protected with cottons. And a sapphire embedded in the crystal sculpture.

My gift sends wisdom and royalty.

Okay na kaya ito? Hm, okay na siguro! Ang mahalaga maganda ang pagkakabalot ko.

Ilang bahay lang ang pagitan namin kaya mabilis akong nakarating.

Nag-alangan pa akong pindutin ang door bell.

Segundo bago bumukas ang pinto at bumungad si Nari. May apron pa siyang suot at naamoy ko pa ang shower gel niya.

"Good evening ate."

~

Lee Nari's

"Min! Nak, tingnan tingnan mo saglit itong nakasalang!"

"Aish huwag mo sabi akong ina-anak jan eh!"

Nakabusangot siya nang kuhain ang mittens sa aking kamay.

Anong oras na nga ba? Mabuti na nga lang at nandiyan si Lix para tulungan akong maghanda ng mga pagkain. Sina Hyunjin naman ay kanina pa nandito pero walang tinutulong. Si Han naman ay halos ubusin na ang salami sa pasta kaya nangulang ang sahog.

Parating na rin maya-maya sila kuya Chris at kuya Woojin... At malapit na rin siguro dumating si Minho. Hindi pa kasi ako nakakaligo eh. Pawisan na ako at ang baho ko na yata! Kumapit na ang amoy ng mga niluto ko sa aking katawan.

Mabilis lang akong naligo at nagsuot ng printed shirt at checkered pjs.

Bumaba na ako ng kwarto at naabutan si Changbin na pinapasok ang mga dalang plastic bags nila kuya Chris, dire-diretso lang si Kuya Woojin sa sala. Kakarating lang rin ni Minho at naghuhubad ng sapatos.

"Amputa traffic pala hindi niyo sinabi! Edi sana hindi SUV ang dinala ko!" Pagngalngal ni Kuya Woojin.

"Bakit may ganito pa? Makauwi pa kaya kayo nan, kuya?" Isa-isang nilabas ni Hyunjin ang mga bote ng alak.

"Magaling namang magdrive yang si Woojin. Makakailang bote tayo, tiwala lang!" Sagot naman ni kuya Chris.

Inalok ako ni kuya Chris na sa CB97 na lang raw magcelebrate si Seungmin pero hindi ako pumayag. Mas gusto kong sa bahay na lang namin, ako ang mag-eeffort para sa handa niya, at mas kumportable kaya sa loob ng sarili mong pamamahay.

Maya-maya ay dumating na rin si Rio. Dati ay estudyante lang siya ng Lee's samantalang ngayon ay nakakasama na rin namin siya.

Nilabas na nila kuya Woojin ang portable grill sa bakuran. Nagrequest pa ang pinsan kong ilabas ang couch kaya't nag usong-usong sila ni Hyunjin para dun. Ikinabit naman ni Han yung lights sa labas.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon