Chapter Ninety

7 0 0
                                        

CHAPTER NINETY

Day 1

Hwang Hyunjin's

Niyupi ko ang kakaubos lang na lata ng beer. Kita ko sa gilid ng aking mata ang patingin tingin ni kuya Chris habang nagpupunas ng mesa pero hindi ko siya pinapansin.

"Kalma mo 'yang betlog mo, Hwang. Kanina ka pa nandito, hindi ka naman nagsasalita..." Natatawang sabi ni kuya Chris.

"Nagpapakiramdaman lang sila ni Minho, kuya Chris. Pustahan pag-umimik si Minho, uuntag na rin 'yan si Hwang!" Isa pa 'to si Changbin, nakakaasar ang pagmumukha!

Tangina, banas na banas talaga ako! Literal at metaporikal.

"Oy, labas ako diyan, wala akong isipin sa babae." Nilinis pa talaga ni Minho ang pangalan niya.

Binuksan ko ang panibagong lata at uminom ulit. Ika-tatlo ko pa lang ito, at hindi ako malalasing ng agaran sa tatlong lata! Matibay ako!
Hinihintay ko lang matapos sa pagpupunas ng mesa si kuya Chris. Hayaan niyo siya, masipag talaga 'yan, siya ang owner, siya rin ang naglilinis minsan. Kami lang ang tao sa CB97, kaya sasagarin ko na ang pagkakataong ito.

"Wala nga ba? Eh sino nga 'yung kinukwento mo nung nakaraan?" Sarkastikong sabi ni kuya Chris.

"Boy Minho, sino 'yon? Pumapag-ibig tayo ah?" Ibang klase ka talaga Seo Changbin, napangiti mo si Minho!

"Teka nga, ba't ba ako na ang dinadale niyo? Si Hyunjin ang subject natin ngayon ah?" Kamot ulong sabi ni Minho. Ulo sa taas mga kapatid ha!

Nakatingin lang ako sa bintana habang patuloy sila sa usapan. Maya-maya rin ay magsisimula na kami. Mag-iisip na ako ng magandang panimula.

Ang pangalan ko ay Hwang Hyunjin. Interior Designing student sa Park Jinyoung University. Junior na sana pero nastuck bilang sopho. Tumigil ako ng isang taon sa pag-aaral...alam kong curious kayo sa dahilan kaya sasabihin ko sa inyo!

Si Soo Ah ang may gawa nun. Oo, ang noona ko ang puno't dulo ng kahibangan kong 'yon!

Beach Festival noon sa Tongyeong at syempre bilang isang Hwang Hyunjin, hindi ako nagpahuli. Pumunta kami doon ng barkada. Isang beses ay humiwalay ako kila Jisung dahil nililibot ko ang mga stalls at bargain, at naghanap ng
I ♡ Tongyeong shirts. At the same time, fineflex ko ang gwapong-gwapong yellow button down polo ko. Binabaybay ko ang lahat ng nakahanger at agad ring sinasauli kapag napangitan sa design. Naningin ako ng shades at nagsukat na rin. Sa totoo lang, lahat naman bagay talaga sa akin eh.

Pagkababang pagkababa ko ng shades ay may katabi na akong babae. I was stunned, syempre! Sino ba namang hindi mapapatitig sa magandang hugis ng katawan niya?! Golden, wavy hair, idagdag mo pa ang maliit niyang mukha. Inosente siyang nakangiti at namimili ng shades. Summer kaya naman medyo daring ang suot niya. Nakashorts siya, hindi lang basta shorts, may tatak pa na gogobebe ang pwetan nito! Argh, tangna, Hwang Hyunjin! Huwag ngayon! Inosente 'yong babae oh! Pero 'yong cleavage kasi...nagpapapansin. Putragis!

"Uhm, hi? May problema ba? Kanina ka pa nakatingin."

Nginitian niya ko ng pagkatamis tamis.

Ehem!

"I'm Hyunjin, and you are?" Patatagalin pa ba?

"I can't tell my name. Sorry." Wow! May I-don't-talk-to-stranger policy ba siya?

"Hahaha you're playing it cool, gusto ko 'yan." Bulong ko.

"W-what do you mean?"

Napakagat labi nalang ako nang dumampi ang aking kamay sa pwetan niyang kanina ko pa pinag-iinitan. Wait, hindi lang basta dampi ang ginawa ko! Ramdam ko na 'yung bilogan nito.

Tatabigin na sana niya ako nang, "HEY! WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING?!"

Dali-daling lumapit ang isang lalaki, may kalakihan ang mata at kulay brown ang buhok. Hinigit niya 'yung babae at niyakap habang masama pa rin ang tingin sa akin. Agaw pansin kaya naglilingunan na ang mga tao. "Baby girl, are you alright? Sinaktan ka ba ng ulupong na 'to?!"

"MK, huminahon ka..."

"No, hindi ko palalagpasin 'to!"

Pasimple na sana akong aalis na nang tawagin niya ako, "Binastos mo ang girlfriend ko...huwag kang aalis jan sa kinakatayuan mo!" Dinuro niya ako at hinugot ang cell mula sa bulsa.

Then poof! Namalayan ko na lang nasa presinto na ako. Tangina kasi nung hayop na lalaking 'yon. Akala mo kung sinong makapangyarihan eh ang baduy naman ng pants niya!

Ha, siguro sa mga oras na ito ay hinahanap na ako ni miss beautiful!

Ang gwapo ko pa rin kahit nasa loob ng rehas. Tangina! Di bale, isang gabi lang ako dito, bukas laya na!

Minsanan na nga lang magandahan sa babae, nakulong pa!

Sulit ang isang gabi ko sa loob ng rehas. Nag-isip ako ng plano para mahanap ang babaeng 'yon. Siguradong hinahanap na rin niya ako, at sigurado rin akong break na sila nung boyfriend niya!

So 'yon, tumigil ako sa pag-aaral matapos ng pangyayaring 'yon. Nagparttime jobs ako. Binabaan ko ang pride at inisip na gwapo pa rin naman ako kahit magbigay ng orders o maglinis ng kotse. Nagtrabaho ako dahil para pag nakita ko na ulit siya, hindi ako mahihiyang humarap sa kaniya. Oo, nasayang ang isang taon pero pakiramdam ko yumaman ako. May sarili akong pera at may extrang kwarta rin galing sa magulang ko. Ayaw kong maging Hyunjin na puro porma lang, gusto ko masanay sa paglilinis, at maging mapagkumbaba sa mga nakakasalamuha kong tao.

Ang bobo ko sa part na tumigil pero nasusulitan ako dahil pinlano ko na lahat sa utak ko.

Hanggang sa naging kami ni noona, well, hindi ata nakayanan ang charm ko. Ilang taon pa ang palilipasin ko bago ako makagraduate, alam kong mauuna sa tunay na buhay ang girlfriend ko dahil ilang taon ang tanda niya sa akin.

Sa kaniya ako humihigit ng lakas. Mas lalo kong sinipagan para kahit papaano'y maging proud siya sa bata niyang boyfriend. Sa gitna ng paghihintay ay nagpaplano ako, para sa kaniya, para sa amin. Dalhin siya sa mga magagandang lugar, iparanas sa kaniya lahat ng hindi niya matitikman kundi sa akin lang, motif sa kasal, uhm sa Busan ko siya ititira malapit sa kanilang farm house, syempre gusto ko ako ang magdedesign ng loob ng bahay, interior design ang kurso ko 'no!

Pero nung sinabi niya sa akin na aalis siya papuntang Busan dahil mag-aapprentice siya sa farm house ay nalungkot ako. Doon siya maninirahan habang maiiwan ako sa dito sa Seoul para mag-aral. Iniisip ko, paano na lang kapag paghiwalayin kami ng panahon? Siya na nga lang ang inspirasyon ko tapos malalayo pa siya sa akin! Paano kapag dun niya makita ang aasawahin niya? Pababayaan ko na lang ba ang mga pinlano ko? Aish! Putragis ka, Hyunjin! Ang cheesy mo!

Pero seryoso, para kay Soo Ah noona, handa naman akong maghintay eh, basta ba hihintayin niya rin ako.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon