Chapter Twenty Four

12 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

04.18

Saturday ngayon pero maaga akong ginising ng pinsan ko para maghanda ng almusal. Buti na nga lang at nakaya ko pang tumayo sa sobrang sakit ng ulo ko. Hindi na naman ako nakatulog ng ayos dahil kay Sunwoo, tinadtad ako ng message kagabi ng depungal. Nakipagvideo call pa.

Gusto kong isumbong si Sun sa pinsan ko pero lalo lang akong aasarin no'n. Sa sobrang inis ko kasi kay Sunwoo kahapon pag-uwi ko, dire-diretso akong kwarto at hindi na lumabas. Mabuti na lang at may nakaimbak na cookies sa kwarto ko.

Feeling ko tuloy wala akong malalapitan ngayon. Not my cousin, not my kuya dahil busy rin 'yon, definitely not Sunwoo. Huhuhu si Iyen na lang ang natira sa'kin. Ni hindi ko pa nga rin nakakausap 'yon eh. Ano bang gagawin ko sa lalaking 'yon?

"Aga aga mong magkulong d'yan. Bumaba ka nga andito manliligaw mo!" Kulang na lang masira ng tuluyan ang pinto ng kwarto ko sa lakas ng pangangatok niya.

Pero tama bang narinig ko? Andiyan si Sunwoo?

Bahala ka d'yan.

"Rio!" Sigaw pa ni Daniel at mas nilakasan ang pagbira sa pinto ko.

"Sandale!" Tinapos ko na ang sinusulat ko at itinago sa sulong ng drawer.

Bwisit. Sabadong-sabado namemeste sila. Mas gugustuhin ko na pala talagang pumasok at mag-aral kesa pestehin ni Kim Sunwoo.

"Hindi mo sinabing nililigawan ka na ni Sunwoo. Tama ako, 'di ba? Matagal ka nang type niyan."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na sa pagbaba.

Ano bang gusto nitong lalaking 'to? Masyadong makulit ang lahi.

"Ba't nakabusangot mukha mo? Ayaw mo ba 'kong makita?" Inabot niya sa akin ang isang cute at lilac na box. Walang alinlangan kong tinanggap 'yon.

Hindi ko siya sinagot. Binuksan ko ang box at nangunguna-nguna ang amoy ng iba't-ibang kulay na macaroon.

"Ba't ka nandito?" Tunog mabait pa ako nan ha.

Pinagdikit niya ang kaniyang palad at malapad na ngumiti. Pinakita pa talaga ang ngipin.

"Tinutupad ko lang ang napag-usapan natin kahapon."

"Hindi mo na kailangang araw-arawin ang pagpunta dito, Sun."

"Sorry, pero wala akong magagawa dahil pinsan mo na mismo ang umiimbita sa akin."

Nilingon ko si Daniel kaso wala na siya sa sala. Talagang minabuti niyang may privacy kami ah. Nak ng...

Tumayo na ako para handaan siya ng makakain, kahit naman bwisita siya kailangan ko parin siyang pakainin dahil kaibigan ko pa rin 'yan.

"Wala nang iba, magtyaga ka jan." Hindi ko sinasadyang maibagsak ang iced coffee na naligaw lang sa beer counter ni Daniel at isang slice ng cake.

Hindi naman siya gutom at isa pa mayaman naman 'yan kaya okay lang.

"Ang sweet mo tingnan kapag binibigyan mo ako ng pagkain."

Bwisit. Imbis na maturn off siya sa ginawa ko, mas natuwa pa.

"Kumain ka na at lumayas. Wala akong time sa presensya mo."

Sanay na 'yan sa katarayan ko.

Natahimik siya sa sinabi ko. Ang bagyo talaga kapag biglang humina ibig sabihin nag-iipon pa 'yan ng lakas para sa comeback.

"Oh really? Pero kay Jeongin kulang na lang ubusin mo ang oras mo."

Talagang dinamay pa si Iyen. Malilintikan talaga 'to sa'kin. Tatagos sa damit mo ang sakit ng salita ko. Hehe joke lang talaga 'to.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon