CHAPTER THIRTY FOUR
Sobrang bilis ng kaniyang paglakad nang lumabas na ng eskwelahan. Pumara siya ng taxi dahil ayaw niyang mag aksaya pa ng oras. Matatagalan kasi kung lalakarin niya mula school hanggang Track Avenue.
Kahit medyo magulo na ang pagkakatirintas ng buhok niya at sumasayad na ang nakawalang hibla sa kaniyang mukha ay wala na siyang pakialam. May mga butil na rin ng pawis ang namumuo sa kaniyang noo. Kung kaninang umaga pagpasok niya ay blooming siya, ngayon ay mababakas na ang pagkalanta sa mukha niya.
Hindi pa tuluyang tumitigil ang taxi, tinitingnan niya mula sa bintana ng sasakyan ang hanay ng mga buildings. Hindi ito ang unang beses niyang tatapak rito. Sunwoo was the first one who took her in this quiet residential area.
Third building, fifth floor, room 605.
Third building, fifth floor, room 605...
Hinugot niya ang handphone at hinanap ang pangalan ni Jeongin sa contacts.
I know nothing about his pass. Tsk ang bobo ko talaga!
Nasapok niya ang sarili dahil sa katangahan.
Dialing...
"Pick up your phone, Jeongin..."
Ilang beses niyang sinubukan tawagan ngunit hindi ito sinasagot.
Naglakad na siya papasok at hindi mapakali hanggang makasakay ng lift. Inis niyang binulsa ang handphone at hinihintay na lang makarating sa ikalimang palapag.
She went off the lift and got distracted by the huge glass panel hugging the building.
Thankful, she is not a fan of fearing heights. Her feet still aren't moving since she took her first step on the fifth floor of this apartment.A breath-taking ocean view, you could say. Hindi niya inakalang makikita pala mula rito ang Eastern Bay. Those tiny buildings planted at the end of the ocean just beyond the horizon.
A mixed and matched shade of vivid and pacific blue skyline, patched by the cotton candy white clouds.
Binalewala niya ang ganda ng nakikita niya ngayon at hinanap na ang silid na sadya niya rito.
Kumpara sa ibang silid ay iba ang kwartong tinutuluyan ni Jeongin. Hindi na nakakapagtakang one-room studio apartment lang ang tinutuluyan ng lalaking 'yon dahil mag-isa lang naman talaga siya. Umaasa siyang combination password ang security ng silid, ngunit de susi lang pala.
He should have rented a better room than this. Hindi niya deserve ang maliit na bahay!
Nagtataka siya, kung anong inilaki ng tinutuluyan ng step mom nito, kabaliktaran naman nito ang bahay ng lalaki.
Her family runs a pottery class and owns a ceramic and zodiac figurines business in Seoul, kaya ganon na lang kadali para sa kaniya ang matulog sa sobrang lambot na kutson at mamuhay ng marangya. Dahil nga nasa military ang kuya Daesung niya, ang pinsan at ang kaniyang tito Hodong muna ang pansamantalang nagpapatakbo ng negosyo nila kaya madalas ang pag-alis nito patungong Gangnam.
Gusto na niyang pindutin ang door bell pero hindi rin naman siya madadaluhan ng lalaki dahil malamang ay hindi 'yon mag-eentertain ng kahit na sino sa kaniyang sitwasyon.
Wala sa plano niyang buksan nang hindi sinasadya ang pinto ngunit huli na ang lahat nang dumungaw ang loob ng silid.
The door's left unlocked. Paano na lang kapag may nanghimasok sa kaniya dito na kung sinong tao?