CHAPTER SEVENTY THREE
5th of August
There is no trace of a single noise. It was a complete silent evening trapped from the knob all through the thick bricks.
"How are you?" Sa wakas ay nagsalita na rin ang lalaki. Nasa early 30s na ito. Disente rin manamit na para bang may dadaluhang binyagan.
"Daesung hyung..." Malamya nitong sabi.
Nagtsa-tsaa ang nakakatanda, kinikilatis ang mukha at ang bawat galaw ng daliri ni Daniel.
"Kinwento sa akin ni bunso ang nangyari. Why did you let that happen? You're old enough pero tingnan mo ang ginawa mo!" Alam niyang hindi napoproseso ng nakababata ang pinuputak niya.
"Galing ako sa Gangnam kahapon, nakausap ko na ang ex girlfriend mo."
"She told me the story...pinilit ko siya."
"The cops are keeping on track of the crime, and sangkot ka sa gulong iyon! Why did things have to go so fucking wrong?" Madiing sabi nito.
Kakauwi lamang niya at heto na agad ang pinoproblema niya. Daesung knew he'd be throwing these words kaya pinalayas niya muna ang nakakabatang kapatid sa bahay. Ayaw niyang magkaroon ng kahit na anong ideya si Rio tungkol sa krimen.
"Putangina! Imbis na kapatid ko pa ang arugain mo, ikaw pa ang naghamak ng gulo!" Napasabunot na lang siya sa buhok. Hindi niya mabunton ang galit sa nanghihinang si Daniel.
Hindi man lang umimik ang nakababata. Maski simpleng tingin man lang ay hindi niya nabigay. Kanina pa siya parang binging walang alam sa mga nangyayari.
Hindi niya matagalan tingnan ang pinsan. Daesung is sure for only one thing: nothing can go between them. Not the crime, not the cops, not the illness. At buo na ang kaniyang desisyon.
"We'll get you a doctor...we'll be moving to Seoul."
~
"Ganun lang talaga si Kuya Daesung, pero mabait naman talaga siya."
"Parehas kayong masungit."
"Masungit ba ako? Hindi kaya!"
Heaven gave us time. Pinalayas ako ni Kuya Daesung sa bahay, "Don ka muna sa syota mo, ako nang bahala kay Daniel." At dahil nga masunurin akong kapatid, agad akong sumunod sa kagustuhan niya. Kinabukasan ay may pasok na ulit si Iyen sa Clé kaya nagiging sulky na naman ako.
Inaya ko siya sa coastline. Noon pa lang ay sinabihan na niya akong ipaparanas niya sa akin ang summer rides dito. Maganda ito tingnan mula sa Eastern Bay Waterfront, at hindi ko akalaing may mas igaganda pa pala ito.
Hindi rin masyadong puno ang mga sasakyan dahil maaga pa lang naman. A half hour left before eight pm.
"Iyen, try natin sa ferris, please?" Nanginginang ang mga mata ko. Ganito ang mga napapanuod kong japanese dramas. Sasakay ang bida sa ferris wheel ng hating gabi at maghahalikan kasabay ng fireworks display. That's cliché. Pero kapag naiiisip kong si Iyen naman ang kasama ko, ang sarap sa pakiramdam.
"Hm? Okay, sige." Sinundan niya ng tingin ang hintuturo ko.
Hawak niya ang kamay ko papuntang ticket booth. Ayaw maalis ng tingin ko sa aming kamay.
Binabagalan ko ang lakad at halos wala nang pakialam kahit madaplag pa ako. Basta, kukuhaan ko ang moment na ito!
Kusang gumalaw ang isang kamay ko sa camerang nakasabit sa aking leeg at kinuhaan ang mahigpit na pagkakahawak niya sa aking kamay.
Maraming shots ang ginawa ko.
