Chapter Sixty One

11 0 0
                                    

CHAPTER SIXTY ONE

15th of July

Kang Rio
about an hour ago • 🌏

(っ˘̩╭╮˘̩)っ

😢😦👍 59 likes | 14 comments | 3 shares

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

😢😦👍 59 likes | 14 comments | 3 shares

...view more comments

Bang Yedam
Ayt pwahahaha

Choi Beomgyu
Nasa school ka?
Kang Rio
    Hindi ba halata? Joke lang pres

Yeon Hee
Ate ba't nandiyan ka? Oh my😂

Lee Daehwi
Antyaga neto

Binisita ko saglit ang post ko. Nakakahiya. Pumasok ako ng maaga at blangko lang ang naabutan ko. Kadalasan kasi kapag maaga akong dumarating sa room ay naaabutan ko sila Beomgyu, at iilang mga babaeng maagang pasok para magmemake-up lang. Nalaman kong nasa conference room ang iilang teachers at ang student council.

"Hindi ka na dapat nag-abala pang pumasok..." Umangat ako ng tingin kay Yujin na sumisimsim sa kaniyang yogurt. Naglalakad na ako pauwi kanina nang harangin niya ako. Kasama niya 'yong Wonyoung. At heto, inaya niya ako rito sa canteen, hindi niya sinama sa amin si Wonyoung.

"B-bakit...bakit mo ako sinama rito?" Pag-iiba ko ng tanong at binulsa ang handphone.

"Look, i want to talk. To apologize." Kalmadong sabi nito.

"Seryoso ka?" Hindi ko intensyong hindi magtiwala sa sinabi niyang yun. Pero kasi si Yujin ang kausap ko, ayaw ko lang maniwala agad dahil sa mga nangyari nung mga nakaraang araw.

"Nung naparusahan tayo...kasalanan ko yun lahat. I deserved the drowning, the punishment...thanks sa pagtulak mo, malinaw na sa akin ang lahat."

"W-wait...I didn't push you. Huwag ka ngang gumawa ng kwento."

"I can't fucking swim, do you think gagawin ko 'yun sa sarili ko? Are you insane o nagpapanggap ka lang na inosente?"

"I don't remember na ginawa ko 'yon. At bakit ko rin naman gagawin 'yon sa'yo?"

"Uhm, dahil nagalit ka? Come on! Hindi mo ba alam ang katangahang ginawa mo?"

Napakagat labi na lang ako sa sinabi niya. Hindi pa rin ako naniniwala. Ngayon ay hindi ko na alam kung sino ang dapat kong paniwalaan.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon