"Okay! Class dismissed!" masayang bati sa amin ni Ma'am Kristal matapos niyang magturo sa amin.
"Thank you, Ma'am!" sagot namin.
Grabe! Si Ma'am Kristal na yata 'yung pinakamagaling na teacher na nakilala ko. Ang galing niyang magturo!
Yung mga lessons namin mahirap, napapadali niya at napapaintindi niya sa amin. To think na 3rd day of class pa lang.
Totoo nga 'yung sinabi niyang hindi niya hahayaang Trigo ang magiging dahilan ng hindi namin pag-graduate. I can easily understand Math pero may mas idadali pa pala 'yun.
Kaya naman nu'ng paglabas ni Ma'am Kris ay kanya-kanyang usap 'yung mga kaklase ko na first time daw nila magets 'yung lesson sa Math.
"Sana pala dati pa lang, teacher na natin si Maam Kris. Edi sana hindi ako nagkaroon ng line of 7 sa report card." sabi ni Jay na katabi ko sa kanan.
"Sasang-ayon ako dyan sayo, bro." Sagot ni Jin na katabi ko sa kaliwang side.
"Sige! Namnamin niyo ang kasiyahan ngayon! Tignan natin sa next subject!" sigaw ng isa naming kaklase na siyang kinataranta ng mga kaklase kong babae habang 'yung mga lalaki naman ay nagtawanan lang, pero deep inside, kinakabahan din kami.
Ilang minuto ang lumipas ay dumating na 'yung kinatatakutan namin.
Agad na nagsipagtinuan 'yung buong klase dahil kahit pangatlong araw na namin ay hindi pa rin namin maintindihan kung bakit siya ganyan sa amin. Hindi ko alam kung sa lahat ba o sa amin lang.
"Magandang umaga. Kunin niyo ang inyong libro at ilipat sa pahina labing-lima." bungad niya sa amin.
Agad naman kaming nagsikilusan at ang tanging ingay lang na maririnig mo sa buong room ay mga zipper ng bag, paglilipat ng mga pahina ng libro, at murmur ng ibang kaklase ko.
Siguro, talent ko na din na marinig -yung iba't-ibang ingay sa paligid. Perks of being a musician. Hehe.
"Bilis! Marami tayong gagawin!" sigaw sa amin ng teacher namin.
Tumuwid agad kami ng upo at parang matinong estudyanteng tumingin sa teacher.
"Okay. Magsimula na tayo sa Kabanata 1 ng El Filibusterismo. Sa Ibabaw ng Kubyerta." panimula niya.
Huminga naman ako ng pumangalumbaba. Ito na nga bang sinasabi ko eh. 'pag mga ganito, nabobored ako. Kapag hindi ako naging aware, makakatulog talaga ako dito. Kaya dapat magfocus ako para hindi mapagalitan.
Pagkalipas ng isang minuto ay yuko ako ng yuko upang maitago yung paghikab ko. Nakakainis naman.
"Madrigal!"
Napa-angat ako ng ulo at nakitang masama ang tingin sa akin ng teacher. Nako yare. Anong ginawa ko?!
"P-po?"
"Bakit ka nakayuko? Inaantok ka ba? Kung inaantok ka, lumabas ka sa klase ko kung nababagot ka sa klase ko!" bulyaw niya sa akin kaya naman napatuwid ako ng upo.
"A-ah... Hindi po ako i-inaantok... N-nag.. Nagbabasa po ako." nauutal na sabi ko. Mukha tuloy akong hindi nagsasabi ng totoo. Nagbabasa naman talaga ako para hindi ako tuluyang makatulog.
"Kung ganoon ay pwede mo bang ilawathala sa amin ang iyong nabasa?" sabi niya sa akin at kita ko sa kanyang parang hinahamon ako.
Onti-onti akong tumayo at nakita ko 'yung tingin ng mga kaklase ko na parang naaawa sa akin.
Chill, classmates. Nagbasa talaga ako promise.
Kahit hindi ko kayang magchill. Hay nako.
"A-ahm... Ayon sa aking nabasa, nagkainitan sina Don Custodio at ang ilang prayle dahil sa magkaiba nilang suhestiyon at mithiing ipatupad. Ayaw naman ni Donya Victorina na makapag-alaga ng pato sa kanilang lugar dahil darami raw ang balut na pinandidirihan niya. A-ayun po." sabi ko sabay lunok dahil nakatingin pa din siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...
