SC: Louielie's POV Part 6

22 3 3
                                    

Night blindness and the dot at my peripheral vision simula nung nandilim yung paningin ko ng ilang oras, yan ang mga sintomas na natagpuan sa akin ng doktor na pinagkunsultahan namin.

Bata pa lang pala ako, meron na akong sintomas.

I was so scared. Sa sobrang takot ko, buong araw akong hindi nakapagsalita. Buong araw akong hindi nakipag-usap kahit na kanino, kahit kay Don. 

My Dad got mad to the doctor who made us checked last time. Walang kung anong nakalagay na sakit sa physical exam namin last time. Lahat ng resulta ng check up ko noon ay negative sa kahit anong sakit. Pero hindi lang pala nadetect kaagad dahil ngayon lang naging active yung sakit ko.

Ngayon lang siya naging active, at sa mga susunod na araw o linggo, kapag hindi naagapan, mabubulag talaga ako panigurado.

Nung araw na lumabas yung resulta ng check up ko, sakto din na busy si Don dahil birthday ni Tita Jen. May lakad silang buong family. Alam kong masaya siya sa araw na iyon at ayokong sirain yun. Sasarilinin ko muna.

Simula ng araw na yun ay palagi na akong lutang at parang wala sa sarili pero hindi ko hinahayaan na mahalata ng lahat yun. Kung ano ako bago ko malaman yung sakit ko, pinipilit kong manatili na ganun ngayong may pinagdadaanan ako.

I promised Don that I will tell him everything especially if I'm not okay. Kasi dadamayan niya ako. Kasi tutulungan niya ako sa abot ng makakaya niya.

I really want to tell him everything because I can't carry this burden alone. Hindi naman siguro masama na paglabasan ko siya ng problema dahil bukod sa kaibigan ko siya, he's my boyfriend.

But how would I do that, if everytime we meet, he would always gave me his genuine smile? I don't want to erase that smile from him. I don't want to be his burden.

But I need his help. I need his comfort.

Tuwing gabi, kapag ako na lang mag-isa at walang ginagawa. Hindi ko maiwasang maiyak dahil kahit masaya ako sa harap ng lahat, sobra naman sakit ang nararamdaman ko sa puso ko. Kahit okay ako sa harap ng marami, sobrang bigat naman ng dinadala ko.

This disease is incurable. Paano ako makakausad nito?

Isang gabi, naabutan ako ni Papa na tulala habang nakasandal ang likod ko sa headboard ng kama ko, nakatingin lang ako sa bintana, tinatanaw ang madilim na langit na napupuno ng bituin.

Napansin ko nang pumasok si Papa sa loob pero saka lang ako kumilos noong may inalis siya pisngi ko. Doon ko lang narealize na kanina pa pala ako umiiyak.

Kinuha ni Papa yung kamay ko at pinagsiklop niya yun sa dalawa niya kamay. "Nasabi mo na ba kay Donnie?"

Yumuko ako at napailing. Ilang linggo na ang nakakalipas simula nung malaman ko, pero hindi ko pa din nasasabi. Ang hirap. Hindi ko alam kung paano sisimulan.

Bumuntong hininga si Papa at marahan akong hinila para mayakap niya. "Anong plano mo? Hindi naman pwedeng isikreto mo sa kanya habang buhay."

Umiling ulit ako at napasinghot. Dahil doon ay may mga kumawalang hikbi sa labi ko. "H-hindi ko din alam, Pa... Hindi ako makapag-isip ng matinong plano. H-hindi... Hindi ko alam... Kung paano sisimulan..."

Kinagat ko yung pang ibabang labi ko para pigilan ang iba pang mga hikbi na kumakawala sa bibig ko pero hindi ako nagtagumpay. Nagtuloy-tuloy ang iyak ko hanggang sa naging hagulgol na.

Humigpit din ang yakap sa akin ni Papa, pinipilit na pakalmahin ako pero kinalaunan, naramdaman kong bahagya na din siyang nanginginig, hudyat na umiiyak na din siya.

Ang sakit ng nangyayari sa akin... Pero mas masakit na makita si Papa na umiiyak ng ganito. Alam kong nahihirapan siya dahil umuulit na naman... Yung isa sa mga babaeng mahal niya ay may ganito ding sakit.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon