I've decided that I'm going to use the whole week on preparing myself to get back to Louielie. Dapat matagal ko nang ginawa to eh. Pero mas okay na din na ngayon ko na ginawa, at least lahat ng mga kailangan kong malaman tungkol sa nangyari sa relasyon namin ni Louielie ay nalaman ko na. I plan to start it with a simple conversation with her para hindi siya mabigla. Kaso nga lang...
From:. My Lou
I wont be able to use my phone for the mean time. I need to rest. I'm sorry. But I assure you that I wont leave. Nandito lang ako sa bahay. Pero I discourage you to go here dahil hindi din kita kakausapin. Take care!
Ps. You can start your practice na for the new song. I already sent it Jin. See you in a few days!
Yan yung bumungad na text niya sa akin kinabukasan noong magising ako at balak ko sana siyang tawagan. Kaso ayun nga, hindi siya gagamit ng phone. I just told her to rest but not to detach herself to us.
I may be a bit sad but at the same time, I am happy. Because she informed me. Okay na yun sa akin.
Hawak ko ngayon yung sulat ni Louielie sa akin habang nakahiga ako sa kama. Pinagmamasdan ko yun dahil may sinulat ako doon na karugtong nung sinulat niya.
Don,
I'm breaking up with you. I'm sorry.
Mando ka, Miss? - Donnie
Natawa ako noong makita ko yung sinulat ko. Siguro ay baka mabatukan niya ako bigla.
Biglang bumakas ng malaki yung pinto ng kwarto ko at nakita kong pumasok si Julia. Nakapajama pa siya at gulo gulo ang buhok kaya natawa ako. Lagi naman siyang ganito kapag nandito ako sa bahay. Laging nakadikit sa akin at kahit saan ako pumunta ay sumusunod. Kung dati ay akala ko ay dahil lang sa gusto niya akong kasama, ngayon ay may nabubuo nang teyorya sa utak ko na kaya siya ganito ay dahil ako lang ang tinuturin niyang kaibigan dahil wala siyang kaibigan sa labas.
"Good morning, Baby." Bati ko nung sumampa siya sa akin at humiga sa ibabaw ko.
"Good morning, Kuya." Sabi niya.
"How's your sleep?"
"Good." Sabi niya at tumingin sa hawak ko. "What's that po? Letter?"
Tumango ako. "Yep."
"Kanino po galing?"
"Kay Ate Louielie mo. Pero matagal na to. Seven years ago pa."
"Oh." Tumango siya. "Hindi pa ako pinapanganak?"
"Yep. You're still in Mommy's tummy that time." Sagot ko at hinaplos yung buhok niya.
Umalis siya sa pagkakahiga sa akin at umupo sa gilid ko. "Can I read po?"
Binigay ko sa kanya yung sulat dahil hindi niya naman maiintindihan yun eh.
Masinsinan niya yong binasa ng malakas. "Don... I'm.. breaking up... With you... I'm sorry..." Napakunot yung noo niya. "Don, I'm breaking up with you. I'm sorry? What does this mean? Ano po yung breaking up?"
Tumawa ako at bumangon. "Breaking up means you will be no longer in a relationship."
Nanlaki yung mata niya at namilog yung bibig. "So, kaya po kayo hindi na in a relationship ni Ate Louielie dahil nag-break na po kayo?" Sabi niya at tumango ako.
"Hala! Dapat hindi kayo nag-break, Kuya!" Sabi niya at inalog-alog pa ako. "Can you be in a relationship again?" Sabi niya at parang nakikiusap sa akin dahil nagpapakita siya sa akin ng puppy eyes.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...