"Kanina pa yang text message na yan. Masyado lang tayong nabusy sa Tito at Tita mo kaya hindi ko kaagad nacheck yung phone ko."
"Paano niya nakuha yung number mo?"
Umiling si Mommy. "Hindi ko din alam, Anak."
Tumulala ako saglit at nag-isip ng dahilan kung bakit niya gustong makipagconnect sa amin ulit.
Kung kanina ay sobrang saya ko, ngayon parang nawala ako sa mood.
"Makikipag-usap ka ba, Mommy?" Tanong ko sa kanya matapos ang mahabang katahimikan.
Tumitig muna siya sa akin ng ilang minuto bago umiling. "Hindi. Hindi ako makikipag-usap sa kanya."
Yumuko ako saglit at muling nag-angat ng tingin kay Mommy. "Please, Mommy. Huwag muna. Kung hindi mo pa kaya, huwag muna. I don't want to see you hurt, again. Siguro ngayon, medyo nakarecover ka na but please, don't open your wounds again with the same person who caused it. It would make me worried to you so much."
Ngumiti sa akin si Mommy at niyakap ako. "Okay. I won't do it. I don't want my son to worry about me."
Gumanti ako ng yakap sa kanya upang kahit papaano ay kumalma yung loob loob niya. Alam kong kahit kalmado siya ngayon na nakikipag-usap sa akin ay binabagabag pa din siya ng ideyang na-contact ulit kami ng tatay ko.
Nang makapasok ako sa kwarto ko ay bumangad sa akin ang nakahilatang si Ada sa kama ko at nakapikit.
"Ada, bumangon ka dyan."
Dumilat siya at bumangon. "Ang tagal mo naman makahabol, Kuya."
"Kinausap pa ako ni Mommy eh."
"Ahh."
Pumunta ako sa tapat ng cabinet ko at binuksan ito. Merong bakanteng space doon para kay Ada dahil minsan ay nakikisleep over talaga siya dito sa bahay lalo na kapag bakasyon.
Inisa isa ko ang paglalabas ng dala jiyang gamit sa back pack niya at inilagay doon yung gamit niya. Pumunta akong banyo upang ilagay ang toiletries niya na dala. Itinabi ko muna yung dala niyang back pack sa sulok ng cabinet ko.
"Bakit parang ang dami mong dalang damit? May balak ka pa bang umuwi?" Tanong ko nang makalapit sa kanya na nakaupo na sa kama.
"Syempre naman, noh. Marami lang akong dinala kasi iiwanan ko yan dito para hindi na ako magdadala ng damit next time."
"Dalhib mo labahan mo ha!"
"Hindi, iiwan ko din yun. Ikaw maglaba nun."
"Hoy! Hindi ka na makakabalik dito kapag hindi mo yan dinala."
Tumawa naman siya dahil don. "I'm just kidding!"
"Ewan ko sayo." Sabi ko at pumunta sa study table ko kung nasaan ang phone ko nakalapag.
Tinignan ko kung may message akong nareceive na kapareho ng message na nareceive ni Mommy pero wala. So, ibig sabihin ay si Mommy lang talaga ang gusto niyang makausap ngayon.
Tinignan ko pa ang ibang message sa akin sa Messenger at greetings sa akin sa Facebook. Nagresponse naman ako sa lahat dahil baka sabihin nila ay snob ako.
"Wow, Kuya! Sikat ka sa school niyo no? Ang daming bumabati sayo!"
Tinignan ko si Ada at nakitang nagkakalikot na din siya sa phone niya.
"Hindi naman. Kilala lang kasi member ako ng banda, diba?"
"Oo nga pala. Speaking of you band! Can I meet them? Gusto ko silang makilala, Kuya."

BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomansaAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...