"Saan ka galing?" Tanong ni Jin sa akin.
"Nagdispatya ng basura." Sagot ko at umupo na din.
Sumama na ako sa pagkain nila at habang kumakain kami ay lumapit sa akin si Julia.
"Kuya. Low battery na po." Sabi niya at binigay sa akin yung phone ko.
Inabot ko naman yun at pinaningkitan siya ng mata. "Bakit mo ni-low bat?"
"Sorry. Nag-enjoy ako sa Word Hunt eh. Hindi ko po napansin." Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi. "Huwag ka na magalit sa akin, Kuya. Love you!" Sabi niya at bumalik sa tabi ni Louielie.
"Mom and Dad will get mad if they can't contact us. Ni-low bat mo phone ko." Sabi ko at binulsa ko yung phone ko.
Lihim akong napangiti noong nakita kong nanlaki yung mata niya. "Hala! Kuya! Charge mo na phone mo! Baka magalit si Mommy!" Naghehesterical niyang sabi. Takot kasi siya kay Mommy eh. Tsaka ayaw niyang napapagalitan, in general.
Pinigilan ko yung tawa ko at nagsalita. "Mando ka, Madam."
"Kuya! Sige na! Sige na!" Sabi niya at parang minamadali ako.
"Dapat kasi hindi mo ni-low bat yung phone ko." Asar ko sa kanya.
"Kuya!" Sabi niya at ngumuso. "Ate Louielie, inaaway ako ni Kuya Dondon! Awayin mo nga din." Sumbong ni Julia kaya nagulat silang lahat na nandun, maliban sa akin dahil inaasahan ko na yun, kaya kumain na lang ako ulit.
I know Julia. When she's very close to someone, she will use that person against me, lalo na kapag binubully ko siya.
Napatingin sa akin si Louielie bago ngumiti kay Julia. "Juls. Wala akong palag sa kuya mo ngayon. Hindi ako effective na panangga ngayon."
Dahil sa sagot niya ay nabilaukan ako at sabay sabay naman tumawa yung iba naming kasama. Uminom agad ako ng tubig para mahimasmasan.
"Ayan! Inaaway mo kasi ako!" Sabi ni Julia habang nakaturo sa akin.
"Hindi kita inaaway, ah. Ikaw nga may kasalanan sa akin eh." Sabi ko sa kanya.
"But I said sorry, Kuya. Isn't that enough po?"
"No." Sagot ko.
"Why po?"
"Hindi naman macha-charge ng sorry mo yung nalowbat kong phone." Sagot ko at napatahimik naman yung lahat ng tao doon.
Katulad ng hindi maaayos ng sorry ni Louielie yung nasira naming relasyon.
Nakita ko ding napakagat sa labi si Louielie at napayuko. Iniwas ko yung tingin ko sa kanya noong nakita kong para siyang nasaktan.
"Alam ko na." Sabi ni Julia at pumunta ulit sa akin. "Give me your phone, Kuya. I'll charge it. Para hindi ka na magalit." Nakangiti siyang naglahad ng kamay niya sa akin.
Tinitigan ko siya saglit at huminga ng malalim bago kinurot yung magkabilang pisngi niya. "Go get your bag."
Umalis naman agad siya para kunin yung bag niya at binigay sa akin. Kinuha ko doon yung power bank na nilagay ko at yung cord ng charger ko. Sinaksak ko yun doon at ibinalik sa loob ng bag niya kasama ng phone ko. "There." Sabi ko at tumaas baba yung kilay.
"Hindi ka na galit?" Tanong niya.
Umiling ako. "No. I was just kidding earlier."
Ngumiti siya ng malapad. "Okay." Sabi niya at bumalik sa tabi ni Louielie.
"Huwag mo munang buksan yung phone ko ah." Sabi ko at kumain na ulit.
"Aye, aye, Kuya." Sabi niya at inubos na yung pagkain niya pero ilang minuto lang ang lumipas nung nagsalita na naman siya. "Ate Louielie, can I borrow your phone?"
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
Roman d'amourAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...
