Chapter 34

50 4 0
                                    

Nandito kami ngayon sa studio ni Jin kung saan kami nag papractice. It is Saturday at nagpag-usapan namin magrelease ng stress sa exam sa pamamagitan ng pagjajamming.

Hindi ko alam kung pinagtitripan ba kami ngayon ng mga teachers namin o sinasanay kami para sa magiging exam namin sa College. Putakte. Napakahirap. Mabuti nalang talaga at nag-aral kami pare-pareho ng para sa exam kung hindi, nako. Baka may hindi pa payagan sa amin na tumugtog.

Sa ngayon ay nagpapahinga lang kami dahil tapos na kaming magjamming. Medyo pagabi na din kaya naman baka mamaya ay magyaya na silang magsi-uwi na. Pero siguro mamaya pa yun dahil kasalukuyang umuulan. Medyo malakas ito at alam kong walang maglalakas loob na magyaya umuwi ngayon.

"Guys. May sasabihin ako."

Napalingon kami lahat sa nagsalita at nakita naming nakapangalumbaba si Lou habang nasa sahig na carpetted.

"Ano yun?"

Tinignan niya kami isa isa at nagsalita. "Gawa pa tayo isang kanta."

Agad na nakuha ng husto ang atensyon namin ni Lou. Gusto kong matawa dahil parang wala lang sa kanya yung sinabi niya.

"Sige. Okay lang sa akin." Sabi ni Jin.

"Para susulat lang kayo ng isang sentence ah. Kung makapagdecide kayo parang wala lang." Sabi ni Jay.

"Sana all talented." Sabi ko. Pero alam ko naman yung dahilan kung bakit gusto ulit ni Lou na gumawa ng isa pang kanta.

"Same concept pa din gawin natin. Tapos same drill. Ambag tayo sa lahat." Sabi ni Lou.

"May gawa na ako. In case lang na hindi magwork yung nagawa natin." Sabi ni Phil.

Napalingon kami lahat sa kanya dahil sa shocked.

"Kailan mo pa nagawa?" Tanong ko.

"Ngayon lang. Habang nagpapahinga tayo."

"Ayan yung tunay na talented." Sabi ni Brian.

"May tono ka na agad?" Tanong ni Lou. Tumango lang si Phil na parang wala lang.

"Parinig kami." Sabi ni Jin.

Hiniram niya yung gitara na hawak ni Jay ay ipinuwesto niya iyon sa hita niya.

Tumikhim muna siya bago naggitara.

Sa pagkakarinig ko sa intro, alam kong rock ang genre nun.

Makikisilong lang
Magpapalipas ng ulan
Kwentuhan lang ang katapat
Pero mas masaya kung ilabas ang gitara

Bigyan ng ingay itong gabi
Walang tahimik na sandali
Tara na
Umawit kasabay ng kanta

Tumatambay at nagkakatitigan
Alam naman nila kahit na 'di mag-aminan
Tumatambay at nagkakaigihan
Ito ang ating kwento
Ituloy mo lang ang kwento at tayo'y gagawa ng kanta

Tayo'y umawit pa
Hanggang malimot ang ulan
Damdamin ko'y ilalahad
Sa bawat himig, ang buhay, lagyan natin ng kulay

Bigyan ng ingay itong gabi
Walang tahimik na sandali
Tara na
Umawit kasabay ng kanta

Tumatambay at nagkakatitigan
Alam naman nila kahit na 'di mag-aminan
Tumatambay at nagkakaigihan
Ito ang ating kwento
Ituloy mo lang ang kwento at tayo'y gagawa ng kanta

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon